KASUNDUAN SA BIYAK NA BATO

13 0 0
                                    


Pumasok si Ningas sa kwarto kung san dinala ni Rene ang walang malay na si Angela. Nasalubong niya ang ang may hawak na panyong si Rene, Nakatingin na animo'y may krimeng ginawa. Si Ningas bilang isang taong mabilis ang pangunawa ay di kiuwestyon ang ang kaduda dudang inaakto ni Rene. 

Umupo si Ningas malapit kay Rene. "Panyo? Angela? Ano meron?". Agad-agad nawala ang pagiging maunawain ni Ningas na natabunan ng pagiging natural na chismoso. Yumuko si Rene nakatingin sa panyong hawak hawak may nababagabag na ekspresyon. Di natural kay Rene ang magpakita ng ekspresyon at dahil don lalong sumiklab ang pagiging chismoso ni Ningas. "Ano? Anong meron?.".

"Si Angela uhmm.." atat na wika ni Rene.

"Si Angela ayyy??.." Nakangusong lahad ni Ningas.

Huminga ng malalim si Rene bago tuluyang nagsalita. "Sa tingin ko bumabalik na ang ibang memorya ni Angela.". Tumingin ito ng diretso sa mata ni Ningas na kasalukuyang namimilog ang mata. 

"Pano? I mean di ba imposible yon?" Nalilitong hayag ni Ningas.

"Hindi ko rin alam Ningas basta ang alam ko kanina pagkalapag ko kay Angela humikbi siya, wala siyang sinabing pangalan pero Ningas sinasabi ko sayo hindi ko kilala yung tinig nang babaeng humihikbi habang parang naghahanap ng kalinga ng tatay."

Napatingin si Ningas kay Angela. Inalala niya ang pagkakilala niya dito isang masiyahing bata, minsan. Isang parang robot na bata, minsan. Isang batang walang alala ng nakaraan, sadiyang tinanggal upang maging kahit sino. Isang batang musmos at walang maalala nang sagipin ni Loro pero sinubukang maging buo. Isang batang hindi basag ang pagkatao kundi wala. Yan si Angela sa pananawini Ningas. Isa sa may pinakawala at pinakamaraming dinadala sa mga miyembro ng MTDT.

"Sa tingin ko kailangan nating sabihin to kay Loro." Seryoso ang mukha ni Ningas. Nakatingin si Rene dito na animo'y pinagiisipan ang kasunod na sasabihin nang magsalita ang taong pinaguusapan. "huwag..

Napatingin ang dalawa kay Angela, sa di inaasahang pagkakataon ay narinig ng dalagita ang plano nila. "Angela mas makakaganda sayo yon alam ko na parang siraulo si Loro pero siya ang mas nakakaalam sa kung ano tayo kesa ang ating sarili" Wika ni Ningas.

"Sa tingin ko tama si Ningas walang ibang ginawa si Loro kundi tulungan tayo Angela.". kalmadong hayag ni Rene.

"please!" kita ang pagkabagabag sa mukha ni Angela.

Nagulat ang dalawang lalaki na nagdedesisyon sa hinaharap ng isang dalagita. Bibihira kasi na nagpapakita ng lubos na pag tutol si Angela gayun din ang pag salita ng english. 

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo Angela mapagkakatiwalaan si Loro." Pangungumbinsi ni Ningas. Tumingin ito kay Rene na animo'y naghihintay ng back-up.

"Alam ko naman yon kuya Ningas pero.." 

"Pero ano?"

"Kahit kailan di ko naramdaman na ninais ni Loro na malaman ko kung sino talaga ako, wala siyang ibang sinabi sakin kundi nakita niya ang walang malay na ako na tinatangkang kunin ng grupo ng mga bampira."

"Sinubukan mo bang magtanong ng direkta? kung may alam siya bukod don?"

"Hindi... sa ugali ni Loro alam kung sasabihin niya kung alam niya, at kung di man niya sabihin may malalim siyang dahilan. "

Napatahimik si Ningas, alam niya sa loob niya na may sense ang sinasabi ni Angela.  Na kung may alam man si Loro ay imposibleng hindi nito sabihin sa dalagita, kapira lang kung tama ang hinala ni Angela na may malalim itong dahilan, kung bakit kahit ang pagbanggit man lang o pagtulong man lang na makilala ni Angela ang kaniyang nakaraan ay di man lang sumagi sa bibig ni Loro.

"Ang nakaraan ko kung anuman to, ito lang ang bagay na hindi ko mabanggit kay Loro, para itong yung.. anong tawag niyo don kuya Ningas? Unspoken agreement? na parang nagkasundo na kami na huwag hawakan ang parteng yon." 

Hindi nakasingit o nakasalita pa si Ningas sa mumunting talumpati ni Angela. Napabuntong hininga na lamang siya dahil gaya niya wala ding nasabi ang walang tulong na si Rene.

"Ngayon lang ulit ako nag desisyon ng pang akin kuya Ningas, Rene, sana pakinggan niyo ako."

"Kung yan sa tingin mo ang tama Angela" wika ni Rene. "Magpahinga ka na muna." pahabol nito.

Tumingin si Angela kay Ningas tila nag-aantay sa pagsangayon nito. Napabugtong Hininga si Ningas naniningkit ang mata at napailing iling. "Ano nga bang alam ko kung anong best para sayo?" Napangiti si Angela sa sinabi ni Ningas. "Huwag kang mag-alala walang lalabas na kuwento.". 

Pagkalabas ni Ningas ng silid ay di niya maiwasang isipin kung gaano kaastig ang naging pagpupulong nila. Pakiramdam niya kasi'y isang Rebellion ang nagaganap. Isang Rebellion kay Loro kahit ang totoo'y isang simpleng pagtatago lang ito ng konting katotohanan. Lagi niyang iniisip na parang imposibleng mapaglalangan ang isang gaya ni Loro na wais, pero heto sila at nais gawin ang dati'y parang imposible. Napangiti si Ningas sa kaisipan na yon. Sa kaisipan na magtatago sila ng kaunting katotohanan. Kung alam lang nila.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalahati- Arc[ An Angel's story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon