Itanong mo Kay Loro(a Soriano Spin-off]

23 0 0
                                    


Ang kuwentong ito'y hindi tungkol sa sipaan ng isang binata at tikbalang. Pero merong binata at merong tikbalang, at oo nagsisipaan ang dalawang hung hang. 

"Tarantado kang tikbalang ka!" wika ni Ningas na nagpapatangay sa Hangin dali dali niyang nilalapitan ang ka-bakbakang tikbalang na sinipa siya at pinatalbog ng may isang daang metro. Tumingin lang sa kniya ang tikbalang at hinayaang makalapit. Nagpakawala ng lumilipad na flying kick si Ningas, oo lumilipad na flying para intense. Ngunit tumalon lamang ang tikbalang ng may walong metro para makaiwas. 

Habang mukhang tanga si Ningas na sumipa sa ere ay dumating si Angela naniningkit ang mga mata nito at nakastance pang martial arts. "saan kalaban ningas?" tanong ni Angela sa tonong pang intsek. Naalala ni Ningas na nagpapasapi nga pala si Angela sa anim na espiritong nasa katawan niya, at isa na nga rito si Bruce kuwan law na nabanggit last chapter. 

Tumuro si Ningas sa ere. Tumalas ang mga mata ni Angela lalong sumingkit ang nanliliit ng mata. Tumunog ang mga drums may nag dragondance sa background, sumalida si Angela ng talon para salubungin ang pabulusok na tikbalang. "AKAATAAAA!" sigaw ni Angela habang nagiiwan ng maladragong imahe sa ere.

Nagsalpukan ang paa ng dalawa sa ere, Si angela at ang tikbalang. Nakanganga lang si Ningas nang magbangaan ang dalawa sa ere. Hindi maiwasang isipin ni Ningas na sa usapang martial arts paggamit ng katawan sa paglaban ay wala siyang aban kay Angela, oo kay aAngela na may sa tantsa ni Ningas ay wala pang sinkuwenta kilos na pangangatawan.

"grabe ang batang ito, maganda pero wild." sabay sipol ni Marasigan sa tonong may pag kamaniyak.

Bumagsak na ang dalawang nagsalpukan sa ere. Ika-ika ang isa, ang tikbalang, habang akmang mawawalan naman ng malay ang isa, Si Angela. "Ningas alalayan mo si Angela" wika ni loro na kasalukuyang papalapit sa kanila. Lumingon si Ningas at tumungo sa nanghihinang si Angela, ganun lagi si Angela kapag ginamit niya ang isa sa mga kaluluwa sa katawan, nanghihina at madalas nga'y nawawalan ng malay. Sinalo ni Ningas ang katawan ng dalagita, gaya ng inaasahan niya'y napakagaan nito napakalambot, napakakinis, pres na pres. Maniyak si Ningas. 

Kumumpas si Loro sa ere, matapos ang pagkumpas ay humangin ng malakas. Dahil sa baling tadiyang ng tikbalang ay wala itong magawa kundi antayin ang mga kasnod na gagawin ni Loro. "Patawarin mo ako, para ito sa ikabubuti mo." Gumuhit si Loro ng tuwid mula sa taas pababa, kasabay nito ang pagguhit din ng nakasisilaw at nakabibinging kulog at kidlat. 

Tinamaan ng direkta ang pilay na tikbalang, kung may luto man ang kabayo kanin na lamang ang kulang.

"Rene dalhin mo siya kila Rommel." tahimik lang na lumapit sa walang malay na ngayo'y bumalik na  sa pagiging taong tikbalang, isang sikat na artisita, at hindi, di siya si Vice Ganda. 

Gumuwa ng itim na lagusan si Rene pumasok siya dito labit labit sa balikat ang walang malay na artista. Naiwan si Loro na nakatanaw sa isang stall na aksidenteng natamaan ni Ningas matapos sipain ng tikbalang. Marahil ay iniisip niya kung paano babayaran ang mga nasirang paninda rito. Gaya ni loro naiwan rin si Ningas na nakatanaw sa labit labit niyang katawan ng dalagita, Huwag kayong magalala walang masamang iniisip ni Ningas. 

Napaisip lang bigla si Ningas kung gaano na kaya talaga katanda si Angela. Kung ibabase niya sa pisikal na kaanyuan ni Angela, iisipin mong 14-16 years old lamang ito pero alam ni Ningas na di na tumanda ang pisikal nitong kaanyuan simula noong magi siyang bangkay na naglalaman ng maraming kaluluwa. At kailan nga ba nagsimulang maging ganoon si Angela? Sino nga ba talaga ang babaeng ito? Saan siya galing san siya nagmula? 

Sumabog ang mga katanungan sa isip ni Ningas. Gusto niyang malaman kung bakit naging ganon si Angela, dati ba siyang normal na tao? At kung oo bakit ganon kastraight ang buhok nito?

Di alam ni Ningas kung gaano siya katagal na nakatitig kay angela, nang may tumapik sa balikat niya, si Rene, "Ako nang bahala kay Angela." wika nito bago kunin ang dalagita.

Nang makaalis na si Rene ay lumapit si Ningas kay Loro. "Loro pwede ba akong magtanong?". Lumingon si Loro kay Ningas ganon kasi pag nakikipagusap, nililingon. "Ano yon Ningas?". "Nacurious lang talaga ako e ilang taon na ba si Angela? I mean nung nakita mo siya? anong taon nung nakita mo siya?", bahagiyang napatitig at di  kagad nakaimik si Loro sa tanong ni Ningas. Dumukot ito mula sa bulsa isang diary at hindi bibliya gaya ni Soriano di ni Loro kailangan ng bibliya para makasagot. 

"Hindi gaya ng mga tao 'di kami mahilig magbilang ng taon, si Angela ang una kong estudyante bago pa si Rene, 'di ko sigurado kung tama, pero noon pa yon noong ang gusali sa mga lalawiga'y bilang pa lamang, itim at puti walang kulay ang mga larawan, luwag pa rin noon ang mga kalsada at....". 

"UTANG NA LOOB LORO SABIHIIN MO LANG KUNG ANONG TAOON!". singit ni Ningas. Napatingin sa mga tala si Loro akmang nagbibilang ito ng taon. 

"Kung tama ang pagkaalala ko, 1967, oo ika-labing siyam na siglo animnapu't pito."



Kalahati- Arc[ An Angel's story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon