The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl) chapter 2

29 0 0
                                    

 CHAPTER TWO  

 

“Girl, Okay ka lang ba huh? May masakit ba sa iyo?” tanong sa akin ni Dessa. “ Hindi kasi ako sanay na ganyan ka eh. Ano ba kasi talaga problema huh?’’ , sunud-sunod  na tanong ng aking ka officemate at matalik na kaibigan na si Dessa. “ Magsimula kasi ng umattend ka ng birthday party ni Olivia  ay parang may iba na sa iyo eh. Hindi na ikaw iyong dating ikaw! Hindi ka na masigla at parang lagi nalang malungkot buong araw dito sa office! Tapos tuwing nagkukuwento ako sa iyo ng tungkol sa amin ng Palangga ko eh parang wala ka naman sa sarili mo at parang hindi ka naman interesadong makinig! Masakit kaya iyon! It hurts”, patuloy pa nya habang nakatawa ang mabait at pilya. Isang pilit na ngiti ang tanging isinukli ko lamang sa kanya. “Hoy Berna! Huwag mo kong ngitian ng ganyan huh? Alam ko may nangyari sa birthday party na iyon kaya ka nagkakaganyan! Aba’y dinaig mo pa ang na nuno sa punso at pipi sa pananahimik mo eh!” “Wala, may masakit lang sa akin kaya ako ganito Girl” sagot ko. “At ano naman ang masakit sa iyo aber?!’’, paantipatika nyang tanong sa akin.  “Masakit lang iyong katawan ko, siguro lalagnatin lang ako” sabi ko sa kanya. ‘’Asus! Katawan lang ba talaga masakit?? O baka naman may mas masakit pa kesa sa katawan mo!’’ patuksong sabi niya sa akin. “Ano pa ba pweding sumakit sa akin pwera sa katawan ko huh Dessa?” “Girl, pwedi din naman kasi na may specific na part ng katawan mo ang masakit kaya ka nagkakaganyan’! Pweding masakit kasi iyong P-U mo!’’ sabay halakhak nya! “Anong P-U?? Anong pinagsasabi mong loka ka??! “P-U! ung PU-SO mo!’ sabi nya habang humagalpak ang pilya.  “Luka-loka!” tawag ko sa kanya habang naglakad na siya palayo sa akin para bumalik sa desk nya.

Kung sabagay, tama si Dessa. Masakit nga siguro ang puso ko. Isang lingo na rin kasi ang nakakaraan mula ng huling pagkakataon na nakita ko si Pogi. Ni hanggang ngayon ay hindi ko pa nga alam ang pangalan niya. Hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isip ko. Tama nga yata ako sa akala ko na iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko sya dahil siguro, tulad ng mga bus sa kalsada, he was destined to just dropped by over me. Ang isang tulad nya ay dadaan lang talaga sa buhay ng isang ordinaryong babae na katulad ko. 

Walang araw, oras, minuto o ni isa mang saglit na nawaglit si Pogi sa aking isipan. Kahit saang dako mapako ang aking paningin ay mukha niya ang aking nakikita. Sa pulutong ng tao ay tila ba ang napakabango at masculine nyang amoy ang aking naaamoy. Maging sa aking panaginip ay siya ang laman nito.  Sa bawat panaginip ay malaya kaming nagmamahalan. Sa bawat pagbangon ko sa umaga ay nais kong sa bisig niya ako nakayakap habang dinig ko ang napakagandang musika, ang tibok ng kanyang puso. At sana, ako ang isinisigaw ng bawat tibok nito. Haaay, siguro nga tuluyan na kong nahumaling sa lalaking iyon. Siguro nga, sa kauna unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng isang masidhing damdamin na tinatawag nilang LOVE AT FIRST SIGHT.  Walang oras na hindi ko ginigising ang aking sarili sa aking hangarin na sana isang araw ay magka daupang palad kaming muli at magkaroon ng pagkakataon na mas magkakilanlan pa. Ilusyunada man akong matatawag ay may mga pagkakataon na hinihingi ko sa Diyos na sana ay siya na nga talaga ang lalaking para sa akin. Makakasama ko habang buhay. Ang lalaking kaagapay ko sa pagbuo ng aking mga pangarap at ang lalaking pag-aalayan ko ng aking buong puso at pagmamahal.   

 

Kinabukasan ay hindi pa rin ako nakaligtas sa pang-uusisa ni Dessa. “Hoy Berna! Hanggang ngayon ba ay wala ka pa rin balak na sabihin sa akin iyong mga nangyari sa Birthday Party ni Mareng Olivia?’’ “Huh? Bakit? Wala namang kakaibang nangyari huh?’’ pagtanggi ko. “Naku Berna, kilala na kita mula ulo hanggang paa. Wala ka ng maililihim sa akin. Iyang mga mata mong iyan hindi makakapagsinungaling! May emptiness diyan sa mga mata mo. Basang basa ko. At alam ko na tanging isang lalaking espesyal lang ang makakapagpaganyan sa iyo. Aminin mo na kasi! May nakilala ka doon sa party noh?’’ mahaba nyang sabi. Hindi na ako umimik.

The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora