CHAPTER THREE
Ang gabi na iyon ay araw ko na naman ba? Ang pag-ibig nga naman talaga ay may sariling panahon. Heto siya, nasa aking harapan sa panahon na I least expected, when I almost gave up for the nth time. Muli nag kurus ang aming mga landas. At sana nga ay habang buhay na patuloy na magtagpo, as we go travel the road to find our ultimate one. Our respective better halves.
“Ah, Miss?’’ sabay ngiti. Diba ikaw iyong babaeng nakilala ko doon sa birthday party ni Olivia?’’ tanong niya. “Ah, oo ako nga iyon Mister! The one and the only” sagot ko. Napahalakhak siya sa aking tinuran. “Hehe, oo naman. Nag-iisa ka lang naman talaga. Wala kang katulad Miss” dugtong niya habang sumisilip ang dalawa nyang dimples sa kanyang makinis at mamula mulang mga pisngi. “Hmmp… dahil ba sa ordinary lang hetong mukha na meron ako kaya ganon, Mister? “Hindi huh!’’ dagli niyang pagbawi. Ang ibig kong sabihin ay ang bawat babae ay espesyal dahil ang bawat babae ay may natatanging katangiang taglay na maaaring wala sa iba. Tsaka cute ka kaya’’, pambobola nya habang tila hinihypnotized ako sa kanyang magandang ngiti at mga biloy. Bob-cut ang gupit ng buhok ko eh bakit nagmistula atang mahaba na abot hanggang Edsa. Paano ba naman, sabihan ba naman akong cute ni Pogi. Tinake ko naman as a compliment! Kung sabagay, marami na rin naman ang nakapagsabi na cute din naman daw ko. Sabi nga ng lyrics ng isang kanta ay patuloy ang pangarap. Ako man ay patuloy na mangangarap hanggang sa puso ko, siya ang tanging naroroon. Hay, ang sarap sigurong kurut-kurutin ng mga pisnging iyon at halik-halikan. Bahagya na namang umiral ang aking kapilyahan na tanging si Pogi lang ang nakakapagpalabas. Kasi naman, ang kagwapuhan nya ay talaga namang irresistible. Wala yatang babae ang makaka hindi sa kanya. E kung ako man ay malaya at buong kusa kong isusuko at ipapaubaya sa kanya ang lahat. Lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay at ialay sa lalaking magmamahal at mamahalin ko.
“Hoy Bernardita’’ sabay sabunot ng bahagya sa aking buhok ni Dessa! Kanina pa ko halos mamatay sa kakahanap sa iyo! Nandito ka lang pala. Aba’y kulang na lang ay ipapage kita doon sa consierge sa sobrang pag-aalala sa iyo!Ang buong akala ko ay nandoon ka lang sa labas ng C.R. at naghihintay sa akin! Nawawalang aso nga, hinahanap ikaw pa kaya!’’ “Awww. Ganon mo pala ako kamahal bestfriend?’’ Ayyyyyy… sabay yakap ko sa kanya! “Hindi huh!? Turn mo ngayong linggo na to na maghugas ng pinggan sa apartment natin noh! Kaya hindi ka pweding mawala”, pabiro nyang sagot. “Ah, ganon iyon Modessa? Sabay ganti ko ng bahagyang sabunot sa kanya. “Aray naman Bernardita! Mas masakit iyong sabunot mo huh!’’ “Hehehe, ang cute nyo namang mag bestfriend sabat ni Pogi. Oh, at sino naman itong gwapong nilalang na ito na kasama mo Bernardita?”, sabay hagod din ng titig kay Pogi mula ulo hanggang paa. Siguro siya iyong dahilan kung bakit ka balisa mula noong nanggaling ka sa birthday party ni Olivia noh?!’’ patuloy nyang pang-aalaska sa akin. Sarcastic na ngiti ang sinagot ko kay Dessa na may kasamang bahagyang panlilisik at gigil sa aking mga mata at labi. “Hi, Im Dessa, bestfriend ni Bernardita, sabay shakehands kay Pogi. Nayamot ako sa sinabing iyon ni Dessa kay Pogi! E paano ba naman ay inulit ulit pa nya ang buong pangalan ko. Pwede naman na Berna nalang for short at hindi na Bernardita. Ang baho kasi ng pangalan ko. Kung sabagay mabaho din naman ang pangalan ni Dessa, Modessa! Parang hinango lang sa pangalan ng isang famous brand ng pasador na gamit ng mga babae! Modess J Hahaha
“So, Miss Bernardita pala ang pangalan mo?’’ “Oo eh, sa kasamaang palad ay iyon ang pangalan na binigay sa akin ng mga magulang ko. Ipinangako daw kasi nila sa yumao kong Lola Pacing na ang magiging kauna unahan nilang anak ay isusunod nila sa kanyang pangalan. So iyon, but you can call me Berna na lang”, mahaba kong explanation sa kanya. “Ah, okay cge Berna. Ikaw ang bahala. Kung iyon ang gusto mo eh.” “At heto nga pala si Modessa, Dessa for short. Wala eh, wala na kong makitang iba kaya siya na lang ang bestfriend ko’’ sabay tingin ko kay Dessa na tila ba may halong pandidiri bilang pang-uuyam ko sa kanya. Nag badyang magwawalk-out si Dessa sabay sabi sa akin ng “Ah, ganon?! Okay cge. Magtaxi kang mag-isa pag-uwi mo at pagdating sa bahay ay hindi kita pagbubuksan ng gate Bernardita! Bahala ka kung sa kaingayan mo doon ay makabulahaw ka sa mga kapitbahay at ipakaladkad ka na sa mga Barangay tanod na nag pa-patrol!’’, saka na tuluyang umalis. “Sandali Dessa”, pigil ko sa kanya. “Nagbibiro lang naman ako eh, UY! “ Che! Bahala ka sa buhay mo! Patay, tuluyan na yatang nagtampo si Dessa sa akin kaya hindi ko na talaga siya napigilan. Umiral na naman ang pagka pikon at matampuhin ng bestfriend ko na iyon. Pero kahit ganon siya, mahal ko siya at hindi na iba ang turing ko sa kanya. Sa bawat yugto kasi ng aming mga buhay ay kami na halos ang magkaramay. Bigla akong nalungkot at nakaramdam ng pag-alala para kay Berna. Malalim na rin naman kasi ang gabi. Salo ko ang dibdib ko kasabay ang panalangin na sana ay ligtas siyang makauwi sa apartment namin sa Proj. 8 habang minamasdan siya palayo.