The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl) Chapter 4

17 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

 

At ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na nga kami sa aming pupuntahan. Pagbaba ng taxi ay maglalakad pa kami ng ilang mga metro siguro. Mejo madilim na rin at wala ng mga tao sa kalye. Nasabi ko sa aking sarili na wala naman akong dapat ipangamba. Aba’y takot lang nila! Kasama ko ata si Pogi! Ipakita lang ni Pogi sa kanila ang sandata nya, malamang matunaw sila at bumigay ang mga bruha dahil sa abs ni Pogi. Ganon kalakas ang appeal ni Pogi! Malakas makababae at nakakabakla!   

“ Ding-dong! Ding-dong! O akala nyo artista noh? Nagkakamali kayo. Doorbell namin iyon sa apartment na tinutuluyan namin ni Dessa. Makailang beses ko nang pinihit pero ayaw pa rin talaga akong pagbuksan ng loka! Tototohanin nya yata talaga this time ang banta nya. Hindi pa ko nagkasya sa makata ilang pihit ko sa doorbell. “Dessa, nandito na ko!!! Ano ba?? Bubuksan mo ba itong gate natin oh wawasakin ko toh??” pagsigaw ko. Ng wala pa rin akong marinig na kaluskos o ni ano mang sinyales na lalabas na nga siya  para pagbuksan kami ay lalo ko pang linakasan ang pagsigaw ko. Nakaramdam na ako ng pagkayamot. “ Modessa!!!! Ano ba?? Magbibingi bingihan ka nalang ba talaga dyan huh??? Gusto mo ba talaga na gawin kaming  pulutan ng mga lamok dito huh?? Payamot kong pagsigaw. Sa lakas ng boses ko ay nagsitahulan na ang mga alagang aso ng mga kapitbahay. Alam ko na nakakahiya na ang ginagawa ko dahil nakakabulahaw na ako sa mga kapit bahay at lalo pa na kasama ko si Pogi. Baka sabihin niya matalak akong babae at baka maturn-off siya sa akin. Mangiyak ngiyak akong umupo nalang sa flower box na malapit sa gate ng apartment namin at nanahimik na lang. Si Pogi naman ay nakatitig lang sa akin. Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin ng mga titig nyang iyon sa akin. Marahil ay naturn off na nga talaga siya sa akin gaya ng una ko ng naisip kanina. Kung tutuusin ay nakakahiya naman nga kasi talaga ang mga ikinilos ko kanina. Dahilan para lalo akong maiyak.

“Oh, bakit ka umiiyak? Sabay kuha sa panyo sa kanyang bulsa at punas sa mga luha ko. Relax kalang huh? Ako bahala sa iyo. Kahit abutin tayo ng umaga dito hindi kita iiwan. Sasamahan kitang maghintay. Basta iyong hinihingi ko huh?’’ nakangiti nyang tinuran. “ Uhm, uhm cge Mister!”, pagtango ko sa kanya. “Salamat huh? You’re a consistent gentleman!” sabi ko sa kanya. “Ganun talaga. Every woman deserves utmost of everything. Lalo na kong babaeng katulad mo” sabi nyang nakangiti. At muli my hair grows some inches longer. Lakas talaga mamboladas ni Pogi. Pero sana nga sincere siya sa lahat ng sinasabi niya.   At sana nga somewhere in time there will be the two of us. Just the two of us. 

“Miss Dessa! Yoo-Hooo! tawag nya habang pinihit ang doorbell. Alam ko gising ka pa. Please naman pakibukas na iyong gate. Nilalamok na kasi dito si Berna e! Kawawa naman! Umiiyak na nga eh. Naghahalo na nga ung sipon at luha nya eh! Ang pangit pa naman kaya nyang umiyak!” sabi ni Pogi. Natawa ako na nainis doon sa mga sinabi ni Pogi! Sa tuwa ko ay bahagya ko syang nahampas sa braso. Naramdaman ko na naman ulit tuloy ang matigas nyang mga braso. “ O bakit ka nananakit Berna? Diba totoo naman iyon ?’’ sabay tawa nya ng may halong pang-aalaska nya sa akin. “ Ginantihan ko siya ng masamang tingin” Aba’y imbis na matakot ay lalo pang natawa ang pilyo! “ Haha, ang cute cute mo pala pag napipikon ka. Ang fierce! Tiger look eh” sabi niya sabay kindat. Hindi na ko naka palag pa sa sinabi nya at nagtawanan na lang kami. Pero seriously, naoverwhelmed ako sa ginawa nyang iyon para sa akin. Ang sweet pala nya. What more pa kaya sa girlfried or asawa nya diba? Napakaswerte naman ng babae na iyon kung sakali. Ang sarap lang abangan sa kanto!

Muli ibinaling nya ang attention nya sa pagtawag at pag kumbinsi kay Dessa na pagbuksan na kami ng gate. “Miss Dessa, cge na naman oh! Pagbuksan mo naman kami. Alam ko iyang maganda mung mukha ay may kakambal na magandang puso. Please, Miss Beautiful” patuloy nyang pambobola. Maya maya ay nakasilip kami ng pag-asa ng bumukas ang ilaw sa sala. At ayan na nga si Dessa at binuksan nya na nga ang gate. Ang lokang to! Nasabihan lang ng beautiful ni Pogi ay bumigay na agad. Humanda lang talaga siya sa akin pagka alis ni Pogi! Abay matinde eh!

The Search Is Over (Lovestory of a Fangirl)Where stories live. Discover now