Chapter 5
Matamis na ngiti sa aking mga labi ang dulot ng pangalang iyon. Bonnie! Bonifacio! Pangalan na sumasagisag sa isang lalaking makisig. Isang Adonis. A man in every woman’s dream and fantasy. Isang lalaking sumisimbolo ng aking hinaharap. Ng isang bagong yugto ng aking buhay. Buhay May-asawa! Hehehe J Ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang impact sa akin ng lalaking iyon. Siguro nga siya ang pinadala sa akin ng Diyos para magturo sa akin ng isang mahalagang leksyon. Mga leksyon na dapat matutunan ng bata at wala pang muwang kung puso. Na love knows no distance and time. It can be even felt at the very first time at the very first sight. At iyon nga siguro itong nararamdaman ng puso ko ngayon. I don’t know. Im not eve sure. But the only thing I knew is I want these feelings. I want him. For good. For keeps.
“O ano na score Berna?’’ tanong ni Modessa na sumalubong sa akin sa pintuan ng aming apartment sabay sundot ng daliri nya sa aking taguiliran. “Anong score sinasabi mo Dessa? e wala namang wrestling na naganap?” tanong ko sa kanya ng may kasamang halakhak. Hahaha..:) “E ang hina mo naman pala Berna eh! Nakasama mo na nga at dito na nagpalipas ng gabi si Pogi eh, ni hindi ka man lang pala naka arangkada! Tsk, tsk… Sinadya ko na nga talaga na hindi buksan agad iyong pinto para abutan kayo ng lalim ng gabi ni Pogi sa labas para makasama mo siya ng mas mahabang panahon at mas makilala. Tapos wala din pala. Sayang lang din iyong pang best Actress sa Famas na acting ko doon sa Araneta na kunwari nagtampo ako at nagwalk at iniwan ka. Sinadya ko talaga iyon para ihatid ka niya pauwi. I knew at first glance he is a gentleman” sunud-sunud niyang sabi habang paikot ikot at pakumpas kumpas pa ng mga kamay niya. Ako naman ay nagulat sa lahat ng aking narinig. Honestly, I was clueless. Naisip ko tuloy bakit niya nagawa iyon. Masyado bang halata na may gusto ako kay Pogi kaya nakita agad iyon ni Dessa sa aking mga mata at gawa. O di kaya ay binulungan siya ng aking anghel dela guardia na gawin ang lahat ng iyon? Kung ano man ang dahilan niya, hindi ako galit. Natuwa ako. Nagalak ang puso ko. Sa tuwa ko ay nayakap ko si Dessa sabay sabunot ko ng bahagya sa kanya sa kanyang buhok. “ Aray huh! Masakit naman iyon Berna huh!” sabi niya sa akin. “ Seriously Berna, salamat huh? Hindi ko akalain na maiisip mong gawin iyon para sa akin. Salamat kasi dahil sa iyo at sa ginawa mo hindi ko siya makakasama ng matagal. Hindi ko siya mas makikilala.Hindi namin magagawa iyong mga bagay na nagawa namin kagabi, lahat lahat ng iyon kagabi” sabi ko sa kanya. “At bakit? Anu-ano na ba mga nagawa ninyo kagabi? Ang dami naman na yata? Bakit di ako na informed? Wala naman akong narinig na maingay kagabi huh? Ni kaluskos wala. Infairness, gentle nga siguro talaga kasi it seems like everything went smoothly” panunukso nya sa akin in a slightly malicious way. “Hala! Halay mo naman Berna! Ano ka ba? Palagay mo sa akin easy to get? Aba, hindi porke nagsubuan na kami don sa may lamesa ay kung anu-ano na ang iisipin mo!’’ pagmamalinis ko sa kanya “O tignan mo, bakit kailangan magsubuan lang e sa lamesa pa? Pwedi naman dito sa sala natin. Afterall may centertable din naman itong sofaset natin huh? Iyon nga lang e mejo may kaliitan ito at hindi natin alam kung kakayanin niya ang dalawang taong magsusubuan, hahahahaha” patuloy niya ng may buong pusong kamalditahan. Ako naman ay natatawa sa lahat ng kanyang kalokohan. Bahagya ko din naramdaman na uminit ang aking mukha. Tumaas ata ang temperature ng aking katawan kaya umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Nagpaalam akong maliligo muna sandali kay Dessa para maibsan ang init at alinsangang nararamdaman ng aking katawan. “Puro ka talaga kapilyahan Dessa! Maliligo lang muna ako sandali huh? At pagkatapos ay maligo ka na din. Lalabas tayo. Iti-treat kita” sabi ko sa kanya. “Talaga? Bakit? Anong meron Berna?’’ tanong niya sa akin. “Wala lang. We will celebrate life and love. And our friendship too” nakangiting sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay nya. “Salamat uli Dessa huh?”. “Ano ka ba Berna? Wala iyon noh! Ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko din. Kaibigan kita at mahal kita. Alam mo, kahit hindi ka magsalita, alam ko si Pogi iyong dahilan kung bakit nagging tahimik ka ng ilang mga araw after you went doon sa Birthday party ni Olivia. I can sense na mabuti siyang tao” seryosong sabi niya.
Tumalikod na ako upang tunguhin ang banyo na hindi rin naman kalayuan sa aming munting sala. Sana si Bonnie at ako ay parang banyo at sala namin sa bahay para malapit din kami sa isa’t-isa! Booom!
Pagpasok ko ng banyo ay hindi rin naman ako agad nakapaligo. Umupo muna ako sa maliit na bangkito. Marahil ay nalulunod pa sa saya ang aking puso. Dahil nandito na si Bonnie. At sana nga he is here to stay. To stay with me. Forever. For ever. Forevermore! Pero naisip ko din na hindi ba parang it is too much for me na hingin iyon. Ni hindi ko nga alam kung single iyong tao. Or if he is married or have children already. Hindi ko alam. Seize the moment while it lasts. Iyon siguro ang pinaka mainam kung gawin.
Tinapos ko na ang paliligo at ilang oras lang ay nakaalis na kami ni Dessa. Masaya ang naging araw naming iyon. We went a little shopping, malling at clubbing ni Dessa. Matagal na din naman kasi when the last time we went out to give ourselves the time to breathe, relax and just be ourselves being away from ordinary working stress and dilemas. I must admit, kahit masaya ako sa pamamasyal ay sumasagi pa rin sa isip ko si Pogi. Hindi pa kasi siya nagtext mula noong umuwi siya sa kanila. Medyo nakakaparanoid. What if laro lang ang lahat? What if pakitang tao lang ang lahat? Na pastime lang pala. Pero hindi. I have faith in him. And I choose to be steadfast beyond the uncertainties, doubt, fears and paranoia. Malamang pagod lang iyon. O di kaya ay walang load kaya hindi pa nakakapagtext. Or probably, he is too preoccupied with something lang. “Hintay lang Berna” sabi ko sa aking sarili. I know itetext nya ako. I know because I feel it. I feel it because I want it. And I want it because it is him.
At mukhang dininig ng langit ang aking paglalambing! Someone is calling me. Someone named Bonnie. “Hello” bungad ko. “Hi Berna, si Bonnie ito, remember?” lambing nyang tanong. “Of course, I do! Kumusta na?” sagot ko. “Heto okay lang naman. Halos nagpahinga lang. Maghapong tulog. Actually nga nakahiga pa ako hanggang ngayon” sabi niya. “Ah, ganun ba? Pasensya ka na huh? Labis ka yatang napagod sa mga ginawa natin kagabi. Nakakahiya naman sa iyo” sabi ko na kunwaring mahiya hiya sa kanya. “Hindi, okay lang iyon. I enjoyed your company Berna. Ulitin natin ulit huh”sabi niya. “Ang alin? Subuan ulit tayo?’’ tanong ko sa kanya. “Uhm, Uhm” sabi niya. “Oo ba, walang problema basta ba balls mo ulit huh? I mean, sagot mo iyong fishballs. “Ah, oo ba’’ sabi niya na tila natawa ata sa sinabi ko. Hehehe… “ilang balls ba kaya mong ubusin? Baka kasi nabitin ka doon sa pinakain ko sa iyo. Konti lang muna kasi binili ko kasi I wasn’t really sure kung kumakain ka nga talaga ng balls, ng fishballs” “ang totoo, matakaw ako sa fishballs. Kahit anong klase ng balls actually, Im very fine with it. So the more, the bigger the happier we will be diba?’’ sabi ko sa kanya. “Ah, wow! Sige sige…ako na bahala Berna. I’ll make sure mabubusog ka sa balls, sa fishballs na bibilhin ko’’ pagmamalaki niya. So, ligo lang muna ako huh? Text or call kita if okay lang sa iyo?’’ tanong niya. “Always okay” sabi ko naman. At binaba na nga niya ang cp nya after saying a sweet Goodnight Berna. HayJ Pero wait, naisip ko na tama ba na bisita ko siya pero siya magdadala ng kakainin namin?
Tama naman diba? Siya iyong lalaki kaya dapat siya ang may sagot sa balls, sa fishballs diba po? J