Itinali ni Sharon ang kanyang buhok bago niya kinarga ang alagang persian cat na humihiga sa kanyang sofa. "Itigil mo na ang pagkakamot Ming, kasi napupuno na ng balahibo itong sofa ko. I swear, palalabasin na talaga kita simula ngayon." aniya pa sa pusa.
Napahikab lang ang pusa malamang naririndi na ito sa paulit-ulit na sinabi niya araw-araw. Pero kahit paman palagi niya itong sinasabi sa pusa, hindi naman niya magawang palabasin ito. Mahal na mahal kasi niya ito na para niyang anak.
Napapitlag na lamang siya nang may biglang kumatok sa pintuan niya. Huminga ka ng malalim, Shawie. Baka ang nasa kabilang unit na naman yan na yong Jamaican na hawig kay Bob Marley, wag kang paranoid, okay? Yong dayuhan na yon lang naman ang palaging nangungulit sa kanya. Kasi gustong-gusto raw nitong makipagkaibigan sa kanya.
"Coming!" sigaw niya.
As always, she peered out the peephole before she opened the door. Whoa! Milagro at hindi ang makulit na si Gustavos ang nasa labas. Pero naalarma naman siya kung sino ito, kaya di tuloy magkamayaw ang kaba niya. Sinilip niya ulit ang peephole. Diyos na mahabagin, mukhang hindi mapagkakatiwalan ang itsurang nakikita niya. Ang gusto lamang niyang mangyari sa mga oras na yon ay ang magtago at magkunwaring walang tao sa loob ng unit niya, kaso sinagot na niya kanina ang pagkatok nito. Naku! Lagot na.
Kumatok ulit yong aso este tao. Alis ka na, tsupi, tsupi. She held her breath for a solid minute, waiting for him to give up and leave. Pero hindi pa rin ito umalis. At sa halip ay pasensyoso itong naghintay sa labas at mukhang pursigido talaga ito sa kung anuman ang sadya nito. Awoo..nakakatakot.
Umalis ka na, please? Teka, sinabi nga pala niya na coming na siya. My gulay! Napasubo pa tuloy siya. Wala siyang choice kundi pagbuksan nalang ito, hindi naman siguro ito mamamatay tao.
Nagsimula ng manginig ang kamay niya nang pinihit niya ang seradura. Pati yata ang mga tuhod niya ay nahawa rin sa panginginig. Pero kaya niyang harapin ito. Fighting!
Huminga muna siya ng malalim bago niya tuloyang binuksan ang taong naghihintay sa labas. "Can I help you?"
Naku! Malaking mama pa naman ito. Naka sunglasses ito at nakapatong pa sa ulo nito ang hood ng suot na jacket. Tas balbas sarado pa ito na nagpadagdag sa mapanganib na itsura nito. "Binibining Manalastas, Pwede ba kitang makausap sandali?" Nagsalita ito ng wikang tagalog, malamang pinoy ito at hindi isang dayuhan.
"Anong kailangan mo?" mataray niyang sabi.
"Pwede bang sa loob tayo mag-uusap?"
Syempre dahil estranghero ito kaya mabilis siyang nakapagtanggi. "Hindi."
Bumuntong-hininga ito saka binulongan siya. "Sa gobyerno po ako nagtatrabaho, Ma'am. Kailangan lang na pribado tayong mag-usap."
My God. Sino kaya ang taong ito?
"Pakiusap, Binibining Manalastas. Opisyal na trabaho po itong ginagawa ko. Madalian lang."
Pinagloloko ba siya nito? Okay. Kailangan lang niya ng katibayan. "Gusto kong makita ang ID mo, Mister."
"Walang problema." Hinugot nito ang wallet mula sa kanyang bulsa, binuksan ito, at pinakita sa kanya ang military ID nito. Totoo kayang military talaga ito?
"Madali lang naman mang peke ng ID eh." aniya pa. "Gusto ko pa ng ibang katibayan bukod diyan."
Nakita niyang napataas ang isang kilay nito. Ngunit napatango naman ito at may hinugot muli sa kanyang bulsa. Isa itong passport at binuksan ito ng lalaki para ipakita sa kanya.
Kinuha naman niya ito at sinuri kung hindi ba ito peke. Lukass Marcado ang nakasulat na pangalan sa passport. Thirty-three years old. Photogenic naman pala ito sa larawan. Infairness, hindi mukhang terorista. Wala rin kasi itong balbas sa larawan at napakalinis nitong tingnan. Pero iba naman ang nakikita niya ngayon sa kaharap. Totoo kaya na sa kanya ang passport na ito? Parang hindi ito nag match sa kanyang passport picture. Tuloy napapaatras siya ng konti papasok. Saka nag angat siya ng tingin para matitigan niya ng mabuti ang kaharap na tao. Gosh! Napangiti ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tough Hunks Series (6) Lukass : The Badass
AçãoSi Lukass "Luke" Marcado ay tinaguriang smooth operator. Ngunit naatasan siya sa isang misyon na kinailangan niya ang tulong ng isang Binibini para matagumgay niyang maisagawa ang kanyang mapanganib na misyon. Maangas at bato man kung tawagin itong...