Chapter 2 : Order

8.3K 295 15
                                    

Matapos ang isang linggo, wala ng ibang ginawa si Luke kundi sumama sa pag su-surveilance ng NBI upang mapatunayan na buhay nga ang pinakanotoryos na tao sa bansa na si Jaguar. Hindi talaga niya lubos maisip na buhay pa nga ito. At kung totoo man, isang napakalaking misteryo ang pagkabuhay nito. Base sa pahayag ng mga anak nito na wala raw itong kakambal. In fact, puro patay na ang mga kapatid nito.

Luke simply couldn't believe that Jaguar wasn't dead. Ano ito pusa na may siyam na buhay? If that the case, what had the bastard been up to for all this time? Dahil kung nabubuhay pa nga ito, batid niyang wala itong gagawin na mabuti.

Napukaw lamang siya mula sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman niya itong sinagot. "Marcado, here."

"Marcado, si Ash to. Pwede ka bang bumaba muna dito sa conference room?"

"On my way." Inilagay niya ulit ang cellphone sa kanyang bulsa at nagmamadali siyang bumaba.

Nang makarating na siya sa conference room, nakita niyang naroon ang lahat ng agents at mga bossing nila. May ilan na rin sa kanila na hindi niya kakilala lalo na yong mga bagong recruits.

Agad naman siyang naghila ng bakanteng upuan na malapit lang sa conference table. Ang mga ito ay may tig iisang hawak na brown folder. But with his usual discipline, hindi siya pumulot ng alin man doon sa brown folder na nakalatag lang sa mesa.

Nagsimula ng magsalita si Ash. "Nakumpirma namin mula sa Interpol na buhay pa nga si Edgardo Jaguar."

Wagas ang iba't ibang klase ng reaksyong nakikita niya mula sa mga kasamahan niya noon. Pero siya, hindi na siya nagulat pa.

"And we've had another development."

Matamang napatitig si Luke kay Ashton. Medyo tensyonado kasi ang boses nito.

"We've made another identification of a visitor to Jaguar's compound." Tas napatingin ito sa computer monitor na nasa likuran nito. May isang larawan ang ipinakita sa monitor. "This is General Fred Alvarina. Namataan siya at 2:45 a.m. na pumasok sa pinaghinalaang compound ni Jaguar siyam na araw na ang nakalipas. At simula non hindi na siya muling nakita pa."

Mukhang hindi ito maganda. Alam niyang mabuting tao si General Alvarina at kailanma'y hindi pa ito nasangkot sa anumang anomalya. Dalawang tao na ang nawawala. Una si Bob Laurel -ang deputy ng NBI, at ngayon naman si General Alvarina.

Nagpatuloy lang si Ash sa kanilang diskusyon. "General Alvarina's disappearance is ground to take action. Kaya may isang tao tayo na ipapadala sa lugar kung saan huling namataan si Jaguar. We were authorized to proceed with a covert insertion at 0230 hours PAGASA time tonight."

Napatingin naman si Luke sa kanyang relong pambisig, and made a quick time conversion. That was less than thirty minutes ago. And he was already getting a mission briefing? Ano siya si Superman?

Kumuha na rin siya ng sariling folder at binuksan iyon. Sumenyas naman si Ash sa mga kasamahan nito na buksan na rin nila ang kanilang hawak na mga folder. Isang picture ngayon ang bumungad sa kanya. It was a google map with an aerial view of the city block in San Joaquin containing the compound in which Jaguar had been sighted.

"Sa kaso ni General Alvarina kami na ang bahalang mag imbestiga ni agent Bachman. However, all of us have been ordered to put high-quality, close-range surveillance on Jaguar as soon as possible."

Hindi na siya nagulat pa kung bakit si Jaguar ang pina close monitor nila, mapanganib kasi ito na tao lalo na't muli itong nabuhay.

"As far as we know, hindi na muling nakita pa si Jaguar sa lugar na yon simula ng makunan siya ng litrato dalawang linggo na ang nakalipas. However, we've had around-the-clock satellite surveillance on the place since. Meron kasi tayong ninety percent probability na nasa lugar pa ring iyon si Jaguar."

Ang tanong lang niya kung pano nila subaybayan ang taong iyon? Infiltrate the compound? But knowing Jaguar, alam niyang hindi ito basta-basta nalang magpahuli tulad noon. Sa tingin niya mas lalong delikado ang paghuli nito ngayon dahil baka naghanda talaga itong rumesbak.

It would have to be standoff surveilance of, then. Pero sa tingin niya mas lalo silang mahihirapan sa pag monitor sa lugar na yon. It was sorrounded by a four-metal tall stucco wall on all sides. At isang building lang na malapit don ang naispatan niya. Mataas kasi ito na building na saktong makikita mo talaga ang loob ng compound mula sa itaas ng gusaling iyon.

"At may isa sa atin ang papasok sa nag-iisang gusaling nakatirik malapit sa compound na iyon." turan pa ni Ash.

Napatango si Luke. Exactly.

"Yon lang ang pinakaposibleng tsansa na ma monitor natin si Jaguar. Kaso lang ang pitong palapag na gusaling iyon ay residential at maaring may mga nakatira roon na mga tauhan ni Jaguar. Hindi na rin tayo pwedeng makapagrenta roon dahil puno na raw." mahabang pahayag ni Ash. "May isang residente kaming namataan na perfect spot talaga ang unit nito kasi nakaharap ang bintana nito sa compound."

"Will he cooperate with us?" tanong ni Luke.

"Not he, but she. Ang pangalan niya ay Sharon Manalastas. Isang guro sa pinakamalapit don na mababang paaralan."

"Baka naman umalma si Ma'am at hindi satin makipag cooperate." hirit pa ni Luke.

Sinagot naman siya ni agent Jenan Bachman. "Wala na tayong pagpipilian pa, Major Marcado, dahil mahirap ng magtiwala sa ibang tao roon maliban sa gurong iyon."

"May punto ka rin." tugon ni Luke. "Pero may kumausap na ba sa gurong iyon tungkol sa pakikipagtulongan nito satin?"

"Wala pa. Sabi kasi ng mga residente roon na tahimik at suplada raw ang gurong iyon." tugon ni agent Bachman.

"Kahit naman siguro ako ayaw kung kausapin ang mga taong hindi ko lubos na kilala." sabad naman ni Bryant.

Napatingin naman sa kanya si Ash. "Marcado, makikiusapan ka ba namin na ikaw pa rin ang gagawa sa misyong ito?"

He answered coldly. "Ako rin naman ang nakakilala sa kanya ng mas maigi. Kahit nasa malayo pa siguro ito, kabisadong-kabisado ko na ang mga galaw nito na para kong ina." Although technically that was a lie. Hindi siya kailanman nakakita sa kanyang ina. Dalawang taong gulang pa raw kasi siyang iniwan sila ng kanyang daddy.

"So, ibig mong sabihin na tinatanggap mo ang misyong ito?" kumpirma ni Ash.

He looked back at Ashton Fontana levelly. "Ibalato niyo na sakin si Jaguar."

Humirit naman si Xevier na kanina pang tahimik. "Marcado, tandaan mo na hindi mo dapat pairalin yang emosyon mo. No vigilante justice. Maliwanag?"

Napataas lang ang isang kilay ni Luke. "Mawalang galang na, kwinekwesyon mo ba ang kapasidad ko?"

Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa, noon pa kasi na hindi talaga sila magkasundo ni Xevier Ruiz sa pamamalakad ng isang team.

"Pasensya na Marcado, kailangan ko lang magtanong."

"Naintindihan ko." tugon niya kay Xevier at bumaling siya ulit kay Ash. "Kailan ako magsisimula?"

"Immediately." tugon naman ni Ash.

"Oh. And one more question. Pano kung agad kong mamataan si Jaguar, kailangan pa bang paabotin ng ilang araw para e-monitor siya?"

"Kill him." biglang mando sa isa sa kanilang mga superior. Napatingin naman ang lahat sa kanya.

*****

Tough Hunks Series (6) Lukass : The BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon