CHAPTER 1

5 0 0
                                    

I am Jandi Thompson and a typical high school student for me I guess. But for the others who know my real identity they treat me special. Why not? E kapatid lang naman ako ng pinakasikat at pinakakinatatakutang gangster sa amin. Hindi naman ako nag-conduct ng research na nagsasabing siya ang pinakamagaling but syempre biased ako kasi I'm his sister.

Dahil kilala akong kapatid ng pinakasikat na gangster kaya walang nagtatangkang bumangga sa akin not literally but you know what I mean. Meron parin pala at iyon ay ang mga taong may maipagmamalaki rin tulad ng mga anak din ng Mafia, mga namumuno at iba pa.

My father is not a gangster or anything but ang ipinagtataka ko lang is bakit kaya naging gangster ang kapatid ko? Maybe an influence of our family friends. May best friend kasi ako and her name is Cassidy Marquez. Her family is a mafia. Buti na lang at hindi nagmana itong best friend ko so she's a normal teenager like me.

Mabait naman ang Kuya but he is strict especially to me. Kaya nga siguro walang nagtatangkang manligaw sa akin dahil sa takot nila sa kuya ko. Meron na rin palang nanligaw sa akin but only few days after that wala na dahil natakot sa kuya ko. Ikaw ba naman ang pagbantaang ililibing ng buhay? Hindi ka ba matatakot?

Pero sa totoo lang is wala pa naman sa isip ko ang magka-lovelife so I'm happy and contented on being single. Wala naman sigurong mawawala kung tumanda akong dalaga? But some says na sayang daw ang lagi ko pagnangyari iyon.


Tapos na nga ang bakasyon kaya back to normal na naman ang lahat. Balik na naman sa klase kaya nagmamadali ako ngayong lumabas dito sa bahay.

" Kuya. I gotta go. Maaga pa po kasi ang klase ko."  pagpapaalam ko kay Kuya.

" Hatid na kita?"  My brother replied.

Oh no! Hindi pwede. I don't want to happen the thing that happened last time when he dropped me of to school.

I remember na iyong classmate ko noon is nag-smile sa akin but my brother a typical gangster boy kaya hindi niya pinalampas iyong pag smile at kindat  sa akin noong classmate ko and I totally forgot the poor guys name pero ang nakakaawa lang is binalian siya ng buto ng Kuya ko kaya ang nangyari is iniwasan tuloy ako noong classmates ko kaya ang hirap din noon ano? Iyong tipong feeling ko may sakit ako kaya umiiwas sila.

I don't want that to happen again kaya tumanggi ako kay Kuya.

" No need Kuya. Inagahan ko naman po so hindi naman po ako male-late."   I said.

" Okay."  he said.

So I waved my hand at tumakbo na palabas ng buhay.

Hassle man ang mag-commute araw-araw pero ano ang magagawa ko? Takot naman akong mag-drive kaya araw-araw lang akong nagco-commute.






Pagdating ko sa school ay agad ko namang binilisan ang hakbang ko papunta sa classroom. When I hear noise coming from our classroom is I felt relieved dahil mukhang wala pa ata ang aming guro.

I was right. Wala pa nga si Ma'am dahil ang gugulo nitong mga classmates ko at ang iingay pa.

" Uso ang magsuklay Jandi."  sabi ni Cassidy sabay turo sa buhok ko.

Agad naman akong nanalamin gamit ang phone ko and she's right. Masyado na palang magulo ang buhok ko.

" Mahangin kasi sa sasakyan e."   I said.

Ang bilis naman kasing magpatakbo noong driver ng jeep. Mukhang nakikipagkarera.

" Well, hassle naman kasi ang mag-commute. Kung nagsasabi ka kasi kay Tito na bilhan ka niya ng car nang di ka nakikipagsiksikan sa mga pasahero."   she said. Which is true naman pero ano ang magagawa ko. Takot akong mag-drive.

" You know my reason diba? Na takot akong mag-drive?"  I said.

Cassidy has her own car kaya nagda-drive na lang siya papunta sa school. Sayang lang at magkalayo ang bahay namin kaya hindi ako nakakasabay sa kanya.

" Ang dali dali naman ng problema mo. Edi magboyfriend ka para may naghahatid sundo sayo."   she said and then smirked.

Napailing na lang ako.

" Tsk!! Baliw ka talaga. Hindi boyfriend ang tawag doon kundi bodyguard."   I said and then smile.

Okay naman sa akin ang mag-commute e. Sa katunayan nga is ako pa ang nagpumilit kanila Mommy at Daddy na payagan akong magcommute na lang.

" Saka hindi pa ko handa sa lovelife lovelife na iyan."   I said honestly.

" Kung hindi lang kita kaibigan ay baka isipin kong tibo ka."   she said and then laughed.



Bigla namang pumasok ang aming guro kaya agad nagsibalikan ang aking classmates sa kani-kanilang upuan. 

" Good morning class."   Mrs. Gonzales said.

Bakit kaya na-late si Ma'am? Early bird kasi iyang si Ma'am e kaya magtataka ka pag hindi siya pumasok ng maaga.

" Good morning Ma'am."  We said in chorus.

" I'm sorry for being late. May inasikaso lang." Mrs. Gonzales said.

" Have you heard the news na may transferee rito sa school niyo?"  our teacher said.

" Yes Ma'am."   some of my classmates said. Technically, majority of my classmates said.

Mukhang ako lang ata ang hindi updated sa balita dahil pati si Cassidy ay naki " Yes Ma'am " din.

" Well that is true and luckily ay kayo ang magiging classmate niya."  our teacher said.

Halos kalahati na ng taon ay ngayon lang naisipang mag transfer?

Well, I think there's so many possible reasons. Maaaring family problems, financial, etc.

Agad namang naging topic ng chismisan sa classroom ay ang transferee.

" O to the M to the G. Madadagdagan na ang heartrob sa school natin. Gagawa agad ako ng fansclub niya."   some of my classmate said.

" Gawin mo akong vice president or secretary sa fansclub ha?"   sabi naman noong isa.

So lalaki pala ang transferee.

Tsk!! Madadagdagan ang heartrob! If I know, ang ibig niya lang namang sabihin is madadagdagan ang lalandiin niya. Sorry for my bad word but it's true.

" But I heard some rumor na cold daw ang transferee."   I heard somebody says.

So yelo pala siya. Edi alisin sa freezer para hindi maging cold.

" Meant to be pala kami cause I'm hot."   Brenda said. The bitchy in our class.

" Gwapo kaya ang transferee?"   tanong naman ni Cassidy.

So she's one of the girls na nagpapantasya sa transferee student.

" Aba malay ko. Kilala ko ba."   I said.

" Tsk?! Umaandar na naman ang pagka manhater mo."   Cassidy replied.

" Anong manhater? Hindi ah, sadyang wala lang akong pake."  I said and then scan my book and began reading.



Mayamaya ay nagtakbuhan na papasok ang iba kong classmates.

" Andiyan na siya."   Cheska said.

" Okay class, settled down."  Mrs. Gonzales said.

Nagsiupo naman ang classmates ko. Ako? tahimik pa rin na nagbabasa ng libro. Kung di ko pa nasasabi sa inyo is, I'm a book nerd.

" Diba I said na may bago kayong classmate? So, magpapakilala na siya. By the way, treat him nicely because he is the grandson of Morris Empire Group and at the same time he is the leader of the well-known gang, The Mobster."   Mrs. Gonzales said.

Mobster? I think I heard that name but I forgot it when?

Mobster.

Mobster.

Hays! Nevermind.






~~~

Hi! Chapter 1 is done.🙂🙂 Hope you like it.😊 Happy reading everyone.🤓📚

THE MOBSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon