Nakatayo lang ako sa pwestong iyon kasama ang pinaka cold na lalaki sa aming campus. Buti nga at kinaya ko ang napaka itim na aura na bumabalot dito sa hallway. Di kalaunan ay nakita ko naman siyang tumalikod at nag-simulang maglakad. Di pa man siya nakakalayo ay agad akong nagsalita.
" Bakit mo ginawa iyon? Tanga ka ba? Bakit inaway mo ang Vice President ng student council?" walang ano anong sabi ko sa kanya.
Napahinto naman siya sa kanyang paglalakad at agad humarap sa akin.
ag
" Masyado kang pakialamera." sabi niya gamit ang maawtoridad na boses.Nakakatakot ang mga tingin niya. Para kang lulusawin sa mga titig niya pero sa kabila nito ay hindi parin ako nagpatinag.
" Hindi ako pakialamera. Nagsasabi lang naman ako ng totoo." sabi ko pa.
Napuno na ata ang pagtitimpi na kanina pa niya iniipon kaya walang ano anong hinila niya ang manggas ng damit ko.
" Huwag kang makialam. Naiintindihan mo ba?" sabi niya naman at mas hinigpitan ang pagkakahila sa kwelyo ng damit ko.
" Nagsasabi lang naman ako ng totoo a." I said at ngayon ko lang napagtanto na masyado na palang maliit ang distansya naming dalawa. Amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga. Ano kayang mouthwash ang gamit niya? Pero meron ba? O talagang natural lang na mabango ang hininga niya?
Iyong hininga pa talaga niya ang topic ko e ang higpit na nga ng hawak niya sa kwelyo ko. Para na akong nasasakal.
" Tsk!!! Wala akong pakialam kung isa ka sa mga admirer ng Wang na iyon. Basta ang gusto ko lang ay huwag kang makikialam dahil wala kang alam. Sabi niya naman at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo.
Ano naman ang naisip niya at napagkamalan niya akong admirer ni Kevin Wang. Masyado naman siyang issue maker.
" Aray!!! Ano ba." daing ko naman.
Hindi naman ako magrereklamo kung hindi ako nasasaktan e.
" Bakla ka ba? Bakit ka nananakit ng babae?" saad ko naman.
" Tsk?!" he uttered.
" Kung iyan ang isa sa mga pakulo niyong babae para mahalikan ng isang lalaki but sad to say that I'm not the type of guy who will kiss someone just to prove his gender." sabi niya sabay bitaw sa kwelyo ko at agad nang naglakad palayo at naiwan naman akong tulala sa hallway.
BINABASA MO ANG
THE MOBSTER
ActionRANK IN ACTION: # 330 As of March ASH MORRIS. A dangerous guy. He is a person that you need to avoid with. A leader of a well-known gang. As cold as ice. Like an ash, he can burn you into pieces with his cold stares. Don't come to his way if you wan...