Nandito na kami ngayon sa bahay at hanggang ngayon ay sine-sermunan pa rin ako ni Kuya na ang tigas daw ng ulo ko. Na pinagsabihan niya na raw ako dati na huwag ng lalapit sa Morris na iyon pero makulit daw ako.
" Diba sinabihan na kita na iwasan mo ang Morris na iyon. Pero ito ka ngayon. Gumawa ka na naman ng paraan para masangkot ka sa gulo." he said through gritted teeth.
Nakakatakot pa namang magalit si Kuya. Kaya napayuko na lang ako.
" Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko. Maliwanag ba Jandi?" sabi pa ni Kuya.
" Opo Kuya." mangiyak ngiyak na sagot ko naman.
" Mabuti naman kung ganoon. Ayoko lang na mapahamak ka ng dahil sakin." he said and then left.
Paano naman ako mapapahamak ng dahil sa kanya?
Kasalanan ko naman kung bakit ako mapapahamak diba? Ako naman itong lumalapit at gumagawa ng paraan na ika papahamak ko.Dahil Sabado naman and good news is walang pasok kaya naisipan ko munang mamili. Kung hindi niyo po naitatanong ay isa sa mga hobby ko ay ang pagluluto. Yeah, I love cooking. Kaya pumunta ako sa mall para mamili ng mga ingredients dahil gusto kong magluto ng paborito kong adobo.
Naglagay ako ng mga ingredients sa shopping cart na tulak tulak ko.
Nang mapadaan ako sa may part ng mga junk foods ay kumuha ako ng mga chips.
Kasya pa naman ata itong pera ko.
Tulak tulak ang shopping cart at agad din naman akong dumiresto sa may counter.
Wala na ba akong nakalimutang bilhin?
Hmm!! Mukhang wala na naman.
" Miss 1,850.50 po ang lahat." sabi ng cashier.
Agad ko namang kinuha ang aking wallet at kumuha ng perang pambayad.
800 pa naman pala ang pera ko.
" 1,850.50 po ang total." ulit ng kahera.
WHAT!!!
Magkano nga ulit?
Did I hear it clearly?
1,850.50 pesos ang lahat? Oh no!! 800 lang ang pera ko. Nakakahiya. Mukhang mahaba pa naman ang pila.
Gamit ang malumanay na boses ay agad akong nagsalita.
" Miss pwede bang ibalik ko na lang ang iba?" nakakahiya man pero sinabi ko parin.
" Naku, sorry Miss pero nailagay ko na po e at wala po iyong assistant dito para mag palit ng data." paghingi ng paumanhin nitong cashier.
Hindi ko naman siya masisisi pero wala talaga akong magagawa.
Hihiram na lang siguro ako sa kung sino man ang nasa likod ko. Ibibigay ko na lang ang I.D. ko in case na hindi siya maniwala.
Kaya dali dali kong kinuha ang aking I.D. at agad humarap sa likod ko.
Bahala na. Kakapalan ko na lang ang mukha ko.
" Ah e!! Kuya?" Hindi ko pa man tinitingnan ang mukha niya ay masasabi kong kuya siya dahil sa sapatos at shorts na suot niya.
" Kuya pwede po bang makahiram ng 1,050.50? Please!! Promise po babayaran ko yan kahit po ibigay ko pa ang I.D. ko kung hindi po kaya naniniwala. Sige na po." pagmamakaawa ko pa. Hindi nga ako tumitingin sa mukha nang kausap ko e. Nakakahiya talaga itong pinaggagagawa ko.
" Tsk?!!" sabi naman ng pamilyar na boses.
At naglapag na nga siya ng 2,000 sa cashier.
Inangat ko naman ang mukha ko at nakita ko ngang si Ash pala ang kausap ko at ang taong hinihiraman ko ng pera.
Oh no!!
THIS CAN'T BE!!!!
Binalik niya naman sakin ang I.D. ko sabay sabing, " As if I'm interested with that kind of thing."
Sabi niya at agad naglakad papunta sa cashier.
Tsk!! Kung hindi lang ako mapapahiya ay baka sinaksak ko na sa baga niya ang 2K na iyan.
Babayaran ko naman siya. Bukas na bukas din. Ayoko ngang magka utang na loob sa isang hambog na lalaking gaya niya.
Hays!! Nakaka stress!!!
BINABASA MO ANG
THE MOBSTER
AksiRANK IN ACTION: # 330 As of March ASH MORRIS. A dangerous guy. He is a person that you need to avoid with. A leader of a well-known gang. As cold as ice. Like an ash, he can burn you into pieces with his cold stares. Don't come to his way if you wan...