Hindi naman nagkatotoo iyong sinabi ko last Saturday na bukas na bukas din ay babayaran ko si Ash dahil wala naman palang pasok kaya paano ko naman siya mababayaran. Kaya ngayon ay nagdala na ako ng pera na pambayad kay Ash.
Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo e siya pa iyong nautangan ko? Buhay nga naman.
Dahil Monday ngayon kaya inagahan ko ang pagpasok ko sa room. Ang totoo kasi niyan is tuwing Monday ay 7:30 nag- i start ang class namin kaya ang hassle sa iba lalo na kung napakalayo ng bahay mo sa school.
Pagdating ko ay marami na nga ang classmates ko at mangilan-ngilan na lang ang late. Sabi ko nga marami pa ang male-late dahil sa distance ng kanilang bahay for sure.
Dire-diretso na nga akong naglakad nang bigla kong maalala iyong utang ko so kinuha ko sa bulsa ng aking skirt ang aking pitaka at agad kumuha ng 2K para ibigay sa taong inutangan ko. Imbes na dumiretso sa aking upuan ay naglakad muna ako papunta sa pwesto ni Ash. Walang sali-salita na naglapag ako ng 2K sa arm chair niya. Nang lumapit ako sa kanya ay naramdaman ko na naman ang dark aura sa Ash Morris na ito.
Agad akong umalis pagkalagay ko ng 2K sa upuan niya at narinig ko naman na napasinghap ang ilan sa mga classmates ko ito ay dahil sa lakas loob akong lumapit sa kinatatakutang gangster sabi nga ng iba. Hindi naman ako takot kung saang Empire group pa siya kabilang.
Naglakad na nga ako papunta sa upuan ko which is sa likod ng upuan niya. Before I ever take my sit is I heard him uttered the word " Tskk!!"
Oh?! Ang suplado.
Dahil diyan ay hindi ko napigilan ang mapairap.
Pagkaupo ko ay agad naman akong inintriga nitong si Cassidy. Na kesyo ano raw iyong pakulo kung iyon at may palapag lapag pa raw ako ng 2 thousand peso bill sa arm chair ni Ash. Kaya kwenento ko naman sa kanya ang buong pangyayari last Saturday.
" TALAGA?" manghang sabi naman niya.
" Talagang talaga." sagot ko naman sa kanya at agad kumuha ng libro sa aking bag.
" Eh bakit sa kanya ka humiram ng pera?" tanong niya naman sa akin.
Wala naman akong choice.
As if naman na may choice ako diba?
" E siya kasi iyong nasa likod ko e at hindi ko naman talaga alam na siya iyong nasa likod ko. Malay ko bang siya iyon." I said to her.
At ko namang nakita ang nakakalokong ngiti.
" Oh ano na naman iyan?" tanong ko naman sa kanya.
" Hindi ko naman po sinasabi na sinadya mo na hiraman siya para mapansin ka niya." sabi niya naman sabay tawa.
" Hindi ko sabi alam na siya iyon e." sabi ko naman sabay palo sa braso niya.
Sabi kong wala akong alam doon e.
Isa pang asar at sasapakin ko na siya. Hahaha. Joke lang.
I love you best friend.
Uwian na pero bakit mukhang ang dami pa ata ng tao sa hallway. May meeting ba ngayon? Mukhang sa natatandaaan ko naman ay wala e. Dahil dakilang etchosera ako kaya agad naman akong nakipagsiksikan sa kumpol kumpol na estudyante rito sa school.
Give way!!! Give way!!! Dadaan ang Miss Universe 2500. Hahahaha. Kumusta naman ang year.
Dahil isa sa talent ko ang makipagsiksikan kaya madali akong nakapunta sa gitna.
" Diba sinabihan na kita dati na mind your own business." sabi naman ni Ash na puno ng awtoridad ang boses.
Nakatayo naman sa harap niya si Kevin Wang. Ang kasalukuyang Vice President ng Student Council.
Hindi ba siya natatakot? For his information ay mabigat ang kinakalaban niya. Pwede siyang maparusahan sa ginagawa niya.
" Pero Bro, I'm just stating the fact you know." Kevin Wang said and then smirked.
Dahil sa sinabi ni Kevin ay lalong naging itim ang aura na bumabalot dito sa hallway. Kita ng mga mata ko kung paano kinuyom ni Ash ang kanyang kamao. Galit na galit na siya dahil sa sinabi ni Kevin at mukhang mas nadagdagan iyon dahil sa ngisi niya.
Di pa naman nagtatagal ay agad kwenelyuhan ni Ash si Kevin pero ito namang si Kevin ay panay ngisi lang ang binabato kay Ash.
Grabe naman itong si Ash. Hindi naman ata mabigat ang kasalanan nitong si Kevin ay sasaktan niya agad?
" Anong kaguluhan ito?" dinig kong sigaw ng isang guro.
Agad namang binitawan ni Ash ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Kevin.
Lagot kayo. Lalo ka na Ash.
" Wala po ito Ma'am. Nagkakatuwaan lang po kami." sabi naman nitong si Kevin.
Wow ha. Nagkakatuwaan pala.
" Hapon na. Magsiuwian na kayo." sabi naman ng guro.
Agad namang nagsialisan ang mga estudyante at ang natira na lang ay ako at si Ash.
~~~~
May tanong ako sa inyo. Oh ano, game?
Ano kaya ang mangyayari sa paghaharap ulit ni Ash at Jandi?
Free to comment guys!!
God bless us always!!
-joyapondaracc2
BINABASA MO ANG
THE MOBSTER
ActionRANK IN ACTION: # 330 As of March ASH MORRIS. A dangerous guy. He is a person that you need to avoid with. A leader of a well-known gang. As cold as ice. Like an ash, he can burn you into pieces with his cold stares. Don't come to his way if you wan...