Rrrrrrrrrrrrrnggggggggggg!
Rrrrrrrrrrrrrnggggggggggg!
Rrrrrrrrrrrrrnggggggggggg!"Ugh! Ano ba ang ingay ingay mo naman pochi! Nakakainis ka na e. Psh! 5 minutes okay?"
( After 10 minutes )
Rrrrrrrrrngggggggg!
8:10am"OMG!!! Bat ngayon ka lang nag ring pochi? Malalate nako! Shocks naman oh!"
Sabay takbo agad ako sa cr para maligo ng sobrang bilis! Naman kasi e. Sigurado ako 5 minutes na naman ang may kasalanan nyan! Tsk. Tsk. 9am pa naman ang pasok ko!
And after 15 minutes tapos nako. Time check 8:25am! Dali dali akong bumaba ng kwarto papuntang kusina.
"Hay nako nak late ka naman nagising. Sabi ko na nga ba e dapat ginising na kita." Sabi ni nanay Tel. Ang dabest yaya in town!
"Opo nay e. Hehe" sagot ko naman sa kanya habang nagsusuklay.
"O sya magmadali kana at anong oras na. Eto ipinagbalot na kita ng almusal mo sa sasakyan kana kumain." Sabi nya habang napapailing sabi sa inyo dabest talaga yan e.
"Salamat nay! Mauna na po ako." saad ko sa kanya bago lumabas ng pinto.
"Sige ingat ka nak." Sabi ni nanay Tel na may matamis na ngiti.
"Tara na po tatay ram." Sabi ko sa driver ko. Oo driver dahil ayaw pa kong pagamitin ng mag-isa ni dad. Wala pa daw ako sa hustong gulang.
By the way magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Mia Jane Briana Austen pero mas kilala ko bilang MJ,17 years old. A fourth year college student in the field of Business Management which I totally hate! Hindi ko naman talaga gusto tong course na to pero dahil mahal ko ang daddy ko at malaki ang kapalit nito I accepted it. Yeah! You heard me right may kapalit ang pag-aaral ko. Hahahaha! I will not do it kung hindi ako mag po-profit dito no.
Anyway back to business, nandito na pala ako sa school ni dad. Oo pag mamayari nya to and I dont care! Hahaha.
POLARIS STATE UNIVERSITY.
Time check. 8:55am Oh no! Late na ko! Aba kahit naman si daddy may ari nito may respeto padin ako sa mga prof ko kahit di nila alam na anak ako ng may ari nito.
"Your late Miss Austen" sabi sakin ni Professor Andaya.
"Sorry miss."
"Take your sit."
"Tsk!Tsk! 5 minutes pa more." Sabi ni Args ang aking ultimate best friend. Kahit ata singit ko alam nyan e, were childhood best friends.
"Psh. Oo na sis!" Sagot ko naman with matching irap pa.
Lecture.Lecture.Lecture
PRRRRNGGG. (Bell Ring)
"Okay class dismiss. Get ready for tomorrow's quiz."
"Yes miss" sabay sabay naming sabi.
Lunch break lang namin at may 2 classes pa ko. Hayst!
"Siguro nanaginip ka na naman kay Mr. Unknown no? HAHAHA. In your dreams ka nalang talaga eno?" Ugh. Ayan na naman sya! Best friend ko ba talaga to?
"Shut up! Nakakainis naman kasi bakit ba hindi ko makita yung mukha nung lalaki sa panaginip ko? Tsk. Malapit ko na ba makilala si Mr. Unknown?"
Nandito na pala kami sa cafeteria. At ayan na naman ang mga mata nila para akong laging huhubaran e. Anong bang meron sakin? Eh samantalang si Args lang naman ang nakakaalam na anak ako ng may ari ng school nato.
"Sis ano nangyari?" Sabi ni Args na tutok na tutok sa mukha ko.
"Saan?" Sabi ko naman na naguguluhan.
"Sa kilay mo." Huh? Sa kilay ko?
"Bakit?" Sabay kuha ko ng salamin sa bag ko at tinignan ko yung kilay ko.
"Oh wala namang mali sa kilay ko ah?" Wala naman talaga kong nakita. Hindi naman magulo, pantay rin naman.
"Eh halos umabot na sa buhok yang kilay mo sa sobrang taas. Ano na naman ba iniisip mo ha?" Tsk. Yun lang pala kala ko kung ano e. Hay nako talaga tong babae nato kung ano ano nakikita.
"Eh pano ba naman kasi kung tignan ako ng mga estudyante dito kulang nalang hubaran nila ako." Nakakainis talaga!
"Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sayo. Hello! Nagsasalamin ka ba? Sa ganda mong yan sis? Beauty and Brain! Sus wag kang epal na hindi mo alam kotongan kita e." Sabi ni args na nakabusangot.
Whatever. Nakakainis padin! Pano pa kaya kung malaman nila na kami may ari nito. Hayst!
"Sis gora na me klase ko na e. San ka tambay nyan? May 2 hrs ka pa." Sabi ni Args habang nakanguso.
Ayst oo nga pala.
"Alam mo na edi sa tambayan magbabasa nalang muna ako don. Dala mo ba earphone mo? Peram ako naiwan ko yung akin e." San ko nga ba nailagay yun?
"O eto. Mauna na ko sis! See you later.Babuu!" saad nya habang kumekendeng na naglalakad.
Haynako talaga tong best friend ko hindi ko malaman kung babae o lalaki ang gusto. Napakapihikan!
Napakasarap talaga ng hangin dito sa likod ng school. This is my territory kasi wala naman talagang pumupunta dito they say nakakatakot daw dito but I kinda like it here kasi napaka peaceful at maganda ang ambiance.
Scroll. Scroll.
Ano bang magandang music?
Hmmmmm.Nung una kitang makita nabihag mo agad ang aking mga mata... Bat ba ito nagplay? Tsk. Pero anyway maganda naman. Makapunta na nga sa aking kaharian. Haha!
Hmmmm.Hmmmmmm
Humming while walking ang peg ko di ko naman kasi alam lyrics nito e.At dahan dahan ng nahulog hindi ko namalayan na ikaw na nga ikaw na nga ang matagal ko ng hinintay..
Hindi ko namamalayan na napapapikit nalang ako habang dinadama ko yung kanta habang nagpa-flash back sakin yung panaginip ko at take note lagi kong napapanaginipan yun.
"Your so beautiful my princess."
Yan lagi ang naririnig ko pero hindi ko makita kung anong itsura dahil blurred sya e. Ang alam ko lang matangkad sya at sobrang manly ng pangangatawan nya.
Patuloy parin ako sa paglalakad papunta sa aking favorite spot sa lugar nato ng biglang...
"ARAY! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?" Sabi ko sa kung sino man ang bumangga sakin habang hawak hawak ko yung noo ko. Grabe feeling ko magkakabukol ako sa sobrang tigas ng nabanggaan ko. Ugh! Napahinto ako ng nakita ko yung sapatos, panlalaki to e. Teka lalaki? So lalaki to. Unti-unti kong inangat yung ulo ko habang sapo sapo parin ito.
Dugdug.
Dugdug.
Dugdug.
Huh? Weird bakit parang kinakabahan ako.
.
At pagtapat ng mukha ko sa mukha nya.
O-M-G! Teka tao ba to? O anghel na bumaba sa lupa? Yung mga mata nya ang sarap sarap tignan, yung ilong nya na matangos mas matangos pa sa ilong ko, his lips na sobrang pula, his face is perfection. Ang gwapo naman ng nilalang nato. Teka! Anong ginagawa nya dito? Wala naman ibang pumupunta dito e. Bakit nandito to tsaka bakit nakauniform ng kagaya sa uniform ng mga lalaki dito eh ngayon ko lang naman sya nakita dito. Uhm.
"Done checking me?" Sabi ni pogi este ni stranger. Bigla naman akong natauhan sa pagsasalita nya. Shit! Am I checking him? Nakakahiya talaga!
💙💙💙💙
Comment po kung ano advice nyo 😊 salamat po.
💙💙💙💙
BINABASA MO ANG
Completely Fallen
FanfictionLove isn't something you find Love is something that finds you. Because Love has it's own reason And that reason is UNKNOWN. A/N: Hi! This is my first ever story so please understand if there are some typos and wrong grammars. Thankyou and enjoy. :)