CHAPTER 3 "Nickname"

27 9 2
                                    

A/N
Hindi ko akalaing may reads na tong story ko . Huhuhu! Thankyou po ^.^ Sana patuloy nyong basahin.. Lablab 💕

-

MJ's POV

"The more you hate the more you love. HAHAHA!" Rinig kong sabi ni Args sa gilid ko..

"Lab lab mo mukha mo!" badtrip kong sabi sa kanya.

"Haynako sis. Kanina ka pa nakabusangot dyan ano ka ba! Dahil ba kanina? Hahaha. Dapat nga kiligin ka pa e." like duh? Ako kikiligin sa hype na lalaking yun? Ew ha.

"Tigil tigilan mo nga ang kakaganyan mo sakin sasabunutan na kita e." Pairap kong sabi sa kanya..

"Woah. Chill lang sis! Hahaha. Dyan nagsisimula ang lahat. Bwahaha!" Aba't talagang! Bago ko pa man sya mahatak nakalayo na agad sya sakin. Tsk!

"Lumayas ka na nga! Shuuu!" Naiinis talaga ko. Ugh! Nakakagigil talaga yung walangyang lalaki na yun..

"Bye sis! See you tom labyu .." ngiting ngiti nyang sabi sakin habang naglalakad patalikod.

"Yan tama yan lumayas kana.Labyu too." sabi ko sa kanya habang papahiga dito sa damuhan ..

Hayst. Bwisit talaga tong araw na to! Gigil na gigil ang katawang lupa ko sa lalaking yun . Pinagttripan nya ba ko? Letse talaga sya!

Sinalpak ko sa tenga ko ang earphone ko para naman kumalma ako.. Naghahanap palang ako ng papakinggan ko ng may biglang humatak sa isang pares nito, at sa kamalas malasan nga naman talaga nandito na naman ang asungot sa buhay ko.. Wala ba talaga tong sariling mundo at trip na trip talaga ako nitong unggoy na to!

" Why are you here?" tanong nya habang pahiga din sya sa damo.
Feeling close amputs.

"Ikaw bat nandito ka? Lumayas ka nga dito! Di naman tayo close ah!" singhal ko sa kanya.

"Gaano ba ka-close ang gusto mo?" Bigla nyang nilapit ang mukha nya pagkasabing pagkasabi nya non.

Hindi agad ako nakaimik at napalunok na lamang ako ng laway dahil sa sobrang lapit nya sakin. Tongno naman oh! Bat ba kasi ang pogi nya? Erase! Erase! Unggoy sya unggoy!

Agad akong napalayo at tumayo ,baka kasi pag hindi ko ginawa yun e ako na mismo ang humatak sa kanya. Ang landeee ko na po.

"Ikaw! Ikaw na lalaki ka pwede ba tigil tigilan mo ko ha pwede? Pwede ba?!" Ugh. Bwisit talaga tong tao na to e.

"That's not gonna happen BABY GIRL." Sabay kindat nya sakin.

"Ano?Anong sabi mo?!" Inis na inis kong sabi sa kanya.

"I thought your name is BABY GIRL that's why." ngiting ngiti nyang sabi sabay kindat na naman.

"MJ ang pangalan ko at hindi BABY GIRL!! Kaya manahimik ka dyan tse." Sigaw ko sa kanya kasabay ng pag walk-out ko. Pero hindi pa ko nakakalayo sumigaw na naman sya na syang nag paakyat ng dugo sa ulo ko!

"BABY GIRL , that will be your nickname for me. Bye my BABY GIRL.See you later." Alam kong nakangisi na naman sya pagkasabi nya non kaya di ko binalak na lingunin sya. Talagang may diin sa bawat sambit nya ng salitang BABYGIRL. Bwisit na bwisit na talaga ko sa kanya ! Bwisit o kilig? Biglang dumaan sa isipan ko ang tanong na yun. Syempre bwisit ! Kontra ko naman agad sa isipang iyon.

Pagkaalis ko don dumiretso ako ngayon dito sa music room. Hayst ewan ko ba gustong gusto ko matuto ng mga instruments kaso wala ayaw talaga nila sakin. Tsk! Sila na kinakaibigan ko ayaw pa nila. Balakayojan!

Pero may talent naman ako kahit papano no hindi lang puro ganda marunong akong sumayaw actually kami ng bff kong si Args kaso yun kasi puro hip hop ang alam ako naman ang gusto ko yung lyrical, yung bawat step mo e tugma sa lyrics kasi feeling ko mas lalo ko nadadama yung song tsaka yung lyrics kaya nga lyrical e.

Completely FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon