"Nakauwi nako bessywap. Sorry kasi may emergency lang kaya di kita nasabihan agad." Reply sakin ni Args. Haynako kanina pa ko naghahanap sa kanya langya talaga tong babae na to e. Ano naman kaya emergency? Matawagan nga
After ilang ring.
"Sis ano nangyare?" Sabi ko ng hindi pa sya nagsasalita.
"Ano..kasi.." teka parang umiiyak to ah.
"Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. At ayon na nga umiyak na talaga sya.
"Uy sis ano ba nangyayare? Puntahan kita dyan?" Tarantang tanong ko na sa kanya . Sa totoo lang nasasaktan ako kapag umiiyak sya ewan ko ba siguro kasi para na talaga kaming magkapatid nyan..
"S-sige s-sis." Pahikbi hikbi nyang tugon..
Agad ko naman tinawagan si tatay ram para puntahan nako dito sa harap ng gate. After 3minutes nandito na sya sa harap ko dala ang puting van namin.
"Tay tara po kila Args." Sabi ko kay tatay ram pagkasakay ko sa van.
"Wala kana ba klase nak?" Sagot naman ni tatay habang pinaandar na ang sasakyan.
"Wala na po tay.." nakangiti kong sabi sa kanya..
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang papunya kina Args sobrang nag-aalala na talaga ko sa kanya. Kaya pagtapat na pagtapat ng sasakyan sa bahay nila agad nako bumaba at sumigaw nalang na papasundo nalang ulit ako agad naman tumango si tatay ram.
"Magandang hapon po. Si Args po?" Yung yaya nila lang ang nakita ko baka nasa work sila tito.
"Magandan hapon din mam mj nasa taas po siguro baka nasa kwarto po nya." Ani ni manang jackie.
"Salamat po." kasabay ng pagtalikod ko ay dire-diretso nako sa kwarto ni Args.
Pagtapat ko sa pinto dumiretso nako sa loob. Walang katok katok ganun talaga ko. Haha! Nakita ko naman agad ang aking sis na nageemote.
"Hoy sis ano ba talaga nangyayari sayo ha?!" Hinatak ko yunh kumot na nakatalukbong sa kanya.
"Tsk. Sesermunan mo lang ba ko?" Maarteng sabi nya.
"Tell me what happened. Pinagalala mo pa ko letse ka talaga tignan mo nga yang sarili mo your so kadiri na! pangaasar ko sa kanya.
"Tse. Kadiri mo your face! Eh kasi nga sis wag ka munang mabibigla ha.." pambibitin nya sakin.
"Hala shems! Sinong ama?" Gulat na tanong ko naman sa kanya. At ayun binatukan nya ko agad. Naman kasi dami alam e.
"Gaga hindi ako buntis ano ka ba! Jowa nga wala e. " ang dami talaga satsat nito e. Hindi ako umimik para ituloy na nya yung sasabihin nya nanggigil din talaga ko dito e.
"Hm. Kasi sis.." tinaasan ko na talaga sya ng kilay nababadtrip nako ang dami nyang kaekekan.
"Hayst. Sorry I keep this to you sis, alam ko kasi magagalit ka sakin but,ugh." Patuloy lang akong nakikinig sa kanya putspa tagal talaga magkwento nito e.
"Nagkakatex na kami ni Mako lately.." agad naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya pero agad napawi ng..
"Sinong mako?" takang tanong ko sa kanya. Parang sya naman ngayon ang nabuhusan ng malamig na tubig.
"SERIOUSLY? " sigaw nya sakin. E bat ba sino bang Mako sinasabi nya duh hindi ko naman kilala yun ah
"Bakit? Sino ba yun? " nagtataka parin talaga kung sino yun at dapat ko pa bang kilalanin yun? Pero kung sya ang nagpaiyak sa sissy ko ay aba malilintikan sakin yang mako na yan warning sakin yan.
"Mygad sis! Iba ka talaga. Si Mako De verra yung baging transferee kasama si Babyboy mo." Sabay tawa nya ng malakas.
Agad naman nag sink-in sakin yung pangalan at mukha. Ah yun pala yun yung tropa ni baby- yuck! Ni kupal pala."So anong meron kung nagkakatex kayo? Karma karma lang talaga yan di mo sinabi sakin e hahaha" asar na asar nya kong tinignan.
"Yun na nga kasi diba magkatabi kami tas kinuha nya yung # ko tas yun." Pagexplain naman nya
"O e bakit may paiyak iyak ka pang nalalaman . Katext mo na pala yang mako na yan. " panenermon ko sa kanya.
" Paasa kasi sya." Sabay nguso nya na kala mo kina-cute nya.
"Paasa o ikaw ang umasa?" Naiiling iling kong sabi sa kanya.
"Narinig ko kasi sila kanina na nag-uusap ni Matt. Sabi nya pinapakisamahan nya lang daw ako and sabi ni Matt konti pa matatapos din to.. pero di ko alam kung anong pinag-uusapan nila basta nung narinig ko yun umalis nako don. Nakaka-hurt talaga ng feelings sis." Para na naman syang maiiyak sa sinabi nya.
"Tsismosa ka pala eh. Hahaha! Yan napapala mo nako laret laret mo." Sabi ko sa kanya para gumaan yung kabang nararamdaman ko.
"Di ko naman sinadyang marinig yon no. Pero nacurious lang din kasi ako bat ako kelangan pakisamahan ni Mako?" Nagtatakang tanong nya din sakin.
"Aba malay ko sa inyong dalawa." Iwas ko naman sa kanya . Ayoko ng ganito. It's the same old feeling. Hm.
"Simula ngayon , snob na sya sakin. Tsk ! Di na nya ko madadala sa mga sweet words nya. Walanghiya sya!" Gigil na sabi naman ni args.
"Yan tama yan! Wag kang naglalapit lapit don ha." Litanya ko sa kanya.
"Yes mam who you na sakin yan! Hahaha." Natawa nalang din ako sa kanya dahil may pa action action pa sya..
"Tara magmeryenda nalang tayo sa baba!" Yaya nya sakin saka nag-ayos para bumaba.
"Kanina pa ko dito ngayon mo lang naisip yan." Pairap kong sabi sa kanya at lumabas na kami ng kwarto nya at nagtungo na sa sala nila.
"Wait sis magprepare lang ako bg pagkain. Anong gusto mo?" Tanong nya sakin ng nakangiti.
Napangiti na din ako kasi alam kong okay na sya."Kahit ano sis ikaw na bahala" sagot ko sa kanya at tinuon ko ang aking pansin sa labas.
"Alright!" Sigaw nya bago nagtungong kusina.
And with that muli na naman akong nahulog sa aking malalim na isipan.Overthinking lang ba ko? Or may something talaga? I need to find it out. Why o why? Anong meron ka Matt De Verra bakit mo sinabi yun? Anong gagawin nyo dito? This is not good.
💙💙💙💙
Hello po 😊
Thankyou sa support.
Lablab 💕
💙💙💙💙
BINABASA MO ANG
Completely Fallen
FanfictionLove isn't something you find Love is something that finds you. Because Love has it's own reason And that reason is UNKNOWN. A/N: Hi! This is my first ever story so please understand if there are some typos and wrong grammars. Thankyou and enjoy. :)