♡L & H : 1st Chapter♡

75 1 0
                                    

Kaycee's POV

"KC, gumising ka na. Baka malate ka pa sa first day of school mo ngayon."

Narinig ko yung boses ni Mama. Kaya bumangon na ako kasi baka malate ako at tsaka excited na ko kasi makikita ko na ulit yung mga bestfriends ko!

BTW, Grade 9 na ako ngayon at 15 years old na ako. Tanda ko na noh?!Also I'm an honor student since Preschool. Skl. Alam ko naman na walang may pake eh huhu.

Anyway, pumunta na ako sa bathroom namin at naligo na. Shems, ang lamig ng tubigggg.

After ko maligo, bumalik na ako sa kuwarto at nagbihis ng uniform pero siyempre dinalian ko noh baka mahuli ako sa morning assembly namin. Then pumunta na ako sa hapag kainan para kumain ng breakfast. Bale ako na lang pala ang hindi nakakakain kaya magisa akong kumakain ngayon. Si Mama inaayos yung mga gamit ko habang si Papa naman nasa trabaho na.

Only child lang po ako at may kaya lang po kami. In short, simple family lang kami.

"KC, bilisan mo na dyan! Kundi malelate ka!". Sigaw ni Mama kaya binilisan ko na yung pagkain ko baka sumabog pa si Mama sa galit eh! HIHIHI..

After kong kumain, pumunta na ako sa sala at kinuha ko na yung mga gamit ko.

"KC, mag-iingat ka ha. Tapos eto 100 pesos pamasahe at pangkain. Umuwi ka kaagad at huwag kang maglakwatsa kundi lagot ka sakin! Maliwanag?!"

"Opo. Ang protective mo naman Ma, grade 9 na ako uy! Ginagawa mo na naman akong bata!"

"Eh ano naman kung grade 9 kana, baka mapano ka pa dyan sa labas!"

"Ok ok sige na Ma, aalis na po ako."

"Sige, magiingat ha."
Hinalikan ko sya sa cheeks then umalis na ako at nagabang ng tricycle.

Few minutes later, nagpara ako ng tricycle at sumakay na rito.
"Sa Sapphire Academy nga po".

 Umandar na yung tricycle papunta sa school namin.

SAPPHIRE ACADEMY

Andito na ako sa harap ng school at sobrang namiss ko pumasok talaga. Naging second home ko na rin to kasi since preschool palang ako dito na ako nagaral kaya napamahal narin ako dito. Actually this is a private school pero hindi naman sobrang mahal yung tuition dito.

Anyway, pumasok na ako sa Gate 2 ng school. Dito kasi lahat ng estudyante pumapasok eh. Bale this academy has 3 gates pero siyempre may different purposes ang bawat gate. Gate 1 labasan ng mga highschool at Gate 3 labasan ng elem at preschool. Tama na nga kakakuwento ko malelate pa ako sa ginagawa ko eh.

Pagkapasok ko sa school, hinanap ko na yung classroom ko at nasa third floor siya.

Kaya pumunta na ako sa stairs at nagsimula nang pumunta pataas.

Nakarating na ako sa third floor.Whoo! Kapagod! But OMG,this is it pancit! Pinuntahan ko na yung classroom namin at bumuntong hininga muna ako. After nun, pumasok na ako sa classroom at nakita ko ang aking mga BFF's na si Cherry at Steff.

"KC, halika na dito! Nireserve ka na  namin ng upuan oh!" Sabi ni Steff habang tinuturo yung vacant seat na katabi nila.

Kaya pumunta na ako sa vacant seat na tinuro ni Steff. At umupo na ako siyempre pagod na pagod ako sa kakaakyat sa hagdan noh.

"Hoy KC,pasalamat ka at nireservan ka namin ng upuan kundi wala ka nang upuan dito."sabi ni Cherry na nakangiwi pa yun mukha niya. Ay nako, ano nanaman kayang nangyari sa babaitang ito at bad mood?

"Hoy Cherry, ano nanaman pinuputok ng butsi mo ha?"

"Oo nga Cherry bakit bad mood ka ngayon? First day pa naman, tsk tsk." Sabi ni Steff.

[Ongoing]Love And HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon