♡L & H : 4th Chapter♡

27 0 0
                                    

Kaycee's POV

"KC, bawal magsinungaling."sabi ni Cherry.

"Eh kase..."

"Ano nga?!"

"Parang masama kasi pakiramdam ko hehe..."

"Ha?! Bat ngayon ka lang nagsabi? Edi sana kanina ka pa namin dinala ni Steph sa clinic." sabi ni Cherry. Hay salamat kumagat din! Di nila pwede malaman na nagkakagusto ako sa transferee na yun! Mamaya kasi asarin nila ako sa kanya, mapapahiya pa ko.

"Ayoko lang na magalala kayo"

"Hay nako, sige mamaya hatid ka namin sa clinic ok?!" sabi ni Steph sakin.

"Wag na, kaya ko naman ihh"

"KC, wag kang makulit, concerned lang namin kami sayo kaya please sumunod ka nalang para maging ok kana."sabi ni Cherry. Tumango nalang ako baka magalit pa sakin eh.

After nung elections, pinag-recess na kami ng teacher namin pero siyempre dahil nagsinungaling ako kanina sa mga friends ko na masakit yung ulo ko, nandito tuloy ako sa clinic, nagpapahinga. Pinakain na rin ako nina Steff at Cherry, bait nila noh haha. Ngayon, iniisip ko yung mga pinaggagawa ko kanina hanggang nung nagsinungaling ako.

Jusq ang hirap magsinungaling huhu...
Bakit naman kasi nangyari yon kanina? Di ko maintindihan yung sarili ko. Kasi naman heart, bakit ka ganyan? He just congratulated you earlier tapos tumibok ka agad? Ang rupok ha!

Kakastart palang nung klase pero nandito agad ako sa clinic, buti nalang di pa nagsisimula yung class ng bawat subjects. Next week pa daw kasi yon eh. At tsaka napaalam na rin sa adviser namin.

Habang nakahiga dito sa clinic, medyo nakakaramdam na ko ng antok kaya I decided to take a rest muna. See you laterrrr~

Steff's POV

Kasama ko ngayon si Cherry pupunta kami sa canteen para siyempre bumili ng pagkain,duh? Uy, baka isipin niyo mataray ako, pero dont worry di ako ganon. Sadyang baliw lang HAHAAHA

Yon nga nung papasok na kami sa canteen, bigla may tumatakbo papunta sakin. Hala ano gagawin ko?
"TABI! " rinig kong sabi ni...
Titingnan ko na sana kung sino nagsabi non kaya lang natumba nako. Bakit ba di ka tumabi Steff?
Pero wait, bakit di ako tumama sa floor? Bigla kong naramdaman na may nakahawak sa likod ko. May sumalo ba sakin? Alangan Steff meron wag tanga.

Tiningnan ko kung sino yun, si PHILLIP? Yung pinakaayawan kong lalaki sa school. Nananaginip ba ko? Kasi kung oo, gusto kong gumising sa bangungot nato. Nakita ko naman si Cherry sa tabi, nakangisi. Aba, di man lang niya ba ko tutulungan?

"Uhm Steff, sorry ako yung tumakbo at nakabangga sayo. Sorry talaga di ko sinasadya."

"Bi-bitawan mo nga-a ako. Nakakahiya."

"Sorry talaga"

"Oo na oo na, umalis ka na nga sa harapan ko.
Nagugutom na ako eh."

After nun, umalis na siya. Naisip ko ang bait pala niya eh, pero kahit na ayaw ko parin sa kanya. Playboy kasi eh. Tiningnan ko yung paligid. Buti nalang wala masyadong nakapansin. Nakakahiya kaya yun.

Nilapitan ko si Cherry na nakangiti habang papalapit sakin. Lagot ka sakin ngayon, babae ka.

"Nice one Steff haha"

"Anong nice one nice one? Ikaw ha, umayos ka nga. Ayaw ko sa kanya, alam mo namang kinamumuhian ko yun."

"Whatever, kakainin mo din yang sinasabi mo"

"Tse, halika na nga bumili na tayo ng foods o kalimutan kong kaibigan kita"

"Pikon haha"

Sooo yun nga, pumila na kami sa cafeteria para bumili. Pero itong si Cherry, tinatawanan parin ako kasi pikon daw ako. Hay nako.

[Ongoing]Love And HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon