Chapter 3

26 2 0
                                    

MAGICAL CHAPTER 3

"Nay san to?"

"Anak diyan nalang."

Ipinatong ko na yung dala dala kong Gulay sa lamesa.

"OH BILI BILI NA KAYO FRESH GULAY NI ALING MIN! MASARAP YAN ALE!"

"Fresh ba to iha?"

"Ay nako manang! Oo naman noh! Tignan mo ang Petsay! Fresh na Fresh! Kasi Fresh niyo."

"Ay talaga?"

"Opo manang! Nakaka bata po yan lalo na sa kutis niyo? Hindi na kayo tatawaging manang. Baka mapagkamalan na kayo ng mga kapitbahay niyo KAPATID niyo ang ANAK niyo."

"HALA SIGE! Bigyan mo ko ng Tatlumpong PETSAY!"

"Ay bongga! OSIGE MANANG! --- oh mah. Kayo na bahala ha?"

"Naku Brenda! Lakas mo talaga mang uto. Haha sige."

Haaay ang sarap lang mag benta :"> Kahit na ang hirap minsan kasi matumal , pero hindi ko naman kailangang sumuko.

Hapon na , pasarado na kami ng Tindahan sa Palengke.

"Tara na nay?"

"Naku anak , marami tayong napag bentahan. Alam mo? Iti-treat na muna kita."

"Treat? Sus nay! Itabi niyo nalang yan noh? Okaya naman gamitin niyo sa pampuhunan sa iba pang gulay , o kaya mag prutas naman tayo. Diba ang ganda ng idea ko nay?"

"Haaay anak! Ang swerte ko talaga sa'yo. Mas iniisip mo pa din yung mga tinda natin. Tignan mo ang payat payat mo na tuloy."

Payat? Halaaa? Totoo ba?

"Pa--payat? Hindi ba ang sexy ko nay?"

Nag pose pa ako na parang beauty queen at kumaway kaway pa.

"Ay oo. Sige! SEXY ANG ANAK KO! Ladies and Gentlemen. Gays and Lesbian. Please welcome our Ms.BodyBeautiful , BRENDA WILLSON!"

"Thank you! Thank you! Thank you!"

Para kaming baliw na dalawa habang nag lalakad sa kalsada.

Ang saya lang kahit dalawa lang kami ni Mama sa buhay.

Yung tatay ko? Aba'y ewan ko ba doon. Ang kwento lang ni Nanay , pagka panganak sa akin iniwan na kami.

"Eh nay. Maitanong ko lang."

"Ano yon anak?"

"Bakit po Willson ang last name ko? Diba po pang mga Porenjer yung apelyidong ganon?"

"Eh kasi nga BEAUTY QUEEN ka diba? Hay nako anak! Wag na nating pag usapan yan. Oh buksan mo na yung pinto."

Nahahalata ko lagi kay nanay na pag yung Apelyido ko na yung pinag uusapan at si Tatay , iniiba niya yung topic.

Nagpe-pretend nalang ako na hindi ko nahahalatang iniiba niya yung topic.

Pumanik na ko sa kwarto at natulog na.

***

"And now! Let us call on , the Prince and soon to be KING of the Erindel Town. PRINCE HANCE!"

"Excuse~ Excuse~ excuse po! Makikiraaaan! ~ Huy Bell!? Dalian mo!"

Hindi ko na makikita si Prince Hance! Nakoooo!

"Makikiraan po---- AYYYYYY!!!"

Aray ko po! Ang sakit ng pwet ko.

Bakit ba may balat ng saging dito?

Napa kamot nalang ako sa ulo ko.

"Okay ka lang Brenda?"

The Masquerade Ball (ON-HOLD) i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon