Chapter 9

12 0 0
                                    

MAGICAL CHAPTER 9

BRENDA's POV

ANNYEONG KOREA! Ayy taraaay!

1PM naka rating na kami sa Hotel. 1st Day and Night dito muna kami.

Oh well. Maganda dito. Eto na ata ang pinaka magandang lugar na napuntahan ko.

Sobrang laaamig! Bakit ba ko nag Short shorts? -__-"

Nandito kaming lahat sa lobby ng Hotel. Hotel na pag mamayari nila Hance.

Ang balita ko , nag presinta si Tita na dito kami tumuloy. Ang dami nilang Hotels. Well. Eh mayaman sila eh.

"It think you've to wear this."

Binigay ni Bell yung Pants plus dalawang jacket.

Nag punta na ako sa CR para magpalit,

"Thank you Bell."

"No worries. Let's go?"

Kaming dalawa ni Bell ang magkasama sa isang Room. Ayaw kasi niya ng mag isa eh.

Noong una ayokong pumayag. Kasi ang sabi niya kay Charles siya mag papasama , wala akong Choice kundi samahan siya.

Mamaya kung ano pang mangyari sa kanila noh? Mahirap na.

Ilang oras ko na ring hindi natatanaw si Hance simula kanina sa Airport. Sumakay kasi siya sa ibang sasakyan eh.

"Nilalamig ka pa rin ba? Gusto mo lakasan ko yung heater?"

"Ay hindi na Bell. Medyo nagugutom lang ako."

"Tara kain tayo sa Cafeteria? You want?"

Bumaba na kaming dalawa sa Lobby para isurrender yung Card key.

Biglang sumulpot si Hance sa harapan ko.

"Where are you going?"

"CR lang ako Brends."

Paalam ni Bell.

"Kakain lang kami. Nagugutom ako eh."

Bigla niya akong hinila. Aba!? Napapadalas na ang pag hila sakin nito ah?

Ang bigat pa naman ng kamay. Buti nalang naka sweater ako kaya hindi masyadong ramdam ng braso ko.

"Hoy saan mo ba ko dadalhin?"

Inupo niya ako. Take note. SIYA ANG NAG UPO. Ay grabe!

Bigla siyang nag baba ng mga Korean Noodles , Soup , at kung ano ano pa.

"Masarap yan."

Tinignan ko muna siya ng kaduda duda.

"Baka naman nilagyan mo ng lason to?"

Bigla naman siyang napa ayos ng upo.

"Just try it. I haven't put anything in there. Pinky swear!" ^__^V

Woooa!? Anong nangyayare sa Atmosphere? Hance? May sakit ka ba?

Hinawakan ko yung leeg niya to check kung may sakit siya.

"May sakit ka ba?"

Bigla siyang sumimangot at nag talas nanaman.

"I said. Just try it. Tatapon ko yan? Tss."

"Ay! May period ka?"

"AHHH---"

Bago pa niya ko tirisin na parang isang kuto , tinikman ko na yung ibinigay niyang pagkain.

The Masquerade Ball (ON-HOLD) i.ƒ.mTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon