Fragment

4 0 0
                                    

Dream

"Ugh... huh?" sabi ko habang nasa kama pa ako at bigla ako napaupo sa kama at tinignan ang orasan.

NapaOMG ako sa nakita ko sa orasan. 8:45 ang nasa orasan. Nagmadali na ako lahat lahat. Biglang ligo at bihis agad ako. Biglang may kumatok sa pinto. Matik na si Mom yun na pinagmamadali na ako.

"Wait lang ma" sabi ko habang nagbibihis, "Malapit na ako matapos". Binukas ko ang pinto at nakita ko si Mom naka... pantulog pa?.

"Nak, bakit gising ka pa? papasok ka pa bukas." Sabi ni Mom

"Umm err... mom 9:00 na bakit nakapantulog ka pa?" tanong ko naman sa kanya.

Tinignan niya ako ng parang may mali ako. Biglang tinuro niya ang orasan ko. Wala naman akong mali nakikita. Tinuro naman ang bintana. Pumunta ako sa bintana at tinanggal ko kurtina at nakita ko ay... gabi. Nagulat ako at medyo pahiya ako. Nagtaka ako at tinignan ko orasan ko. Medyo nainis ako dahil di ko nakita na PM ang nakalagay. Hays... buhay nga naman ohh.

"Oh ano anak?" sabi ni Mom at pahiya ako sa mga nangyayari. Sino naman di mapapahiya na naligo at nagbihis lahat lahat, yun pala iba pala oras.

"Matulog ka na ulet anak. Masyado kang excited sa eskuwelahan eh" sabi ni Mom

"Oo na Mom" sabi ko at nagbihis ulit ng pantulog. Nakahiga na at pinikit ko na ang aking mata.

"REGGY!, NANDITO NA HENRY!" sigaw ni mom sa labas ng kwarto ko. Pumasok si Henry sa kwarto at sinubukan niya ako gisingin.

"Reggy... gising na maaga ako nakarating para di tayo malate nyan." Sabi ni Henry. Napansin ni Henry na pawis na pawis ako. Na assume ni Henry na binabangungot ako. Kaya ito nagpanic at sinubukan ulit ako gisingin.

"Reggy?... Reggy... uy gising na"

Nagasp ako. Nagising ako na ako sa present at bigla ako napaupo sa kama. Nagtataka ako kung bakit ganun ang panaginip ko. Bakit childhood ko?. Bakit ang nakaraan pa?.

"Ok ka lang ba reggy?" Tanong sakin

"Oo ok lang ako. Its just..." Sabi ko pero di ko tinuloy

"Its just what?" Tanong niya sakin

"Alam ko di ka maniniwala pero nanaginip ata ako nung akoy bata pa eh. Di ko alam kung bakit pero nanaginip ako tungkol sa time na nagkamali ako ng oras kala ko umaga yun pala gabi pa pala. Naalala mo pa ba iyon?" sabi ko kay Henry.

Medyo natatawa si henry. Di ko alam kung bakit siya natatawa. Sabagay, Di naman talaga siya nakaexperience iyon kaya di naniniwala. Tumayo si henry at tinulungan ako iayus mga gamit ko sa lapag. Medyo makalat kasi eh. Ganun si Henry kahit loko loko at gago, totoong kaibigan siya at matulungin sa kapwa. I think I consider myself lucky... I guess?.

"Uy! Tumayo ka na dyan at maligo ka na" sabi sakin ni Henry. "Baka kasi malate tayo niyan"

"Oo na. Alam mo naman kakagising ko lang eh. Syempre tulog pa katawan ko unti unti ko lang igagalaw" Sabi ko

"Nah, Tamad ka lang talaga" Sabi ni Henry.

Tinignan ko si henry ng masama at tumayo na nga. Why do I feel tired all of the sudden?. Lagi naman ata ako ganito kaya inignore ko nalang to. Tumayo at may nakita si Henry or folders na nakakalat.

"So..." sabi ni Henry. "Ginagawa mo naman ito? Kala ko ba nakamove on ka na?". I looked at him and I took the folders and put it at the table where I work my stuff.

"Nakamove on na ako. Ang gusto ko lang... mga tanong na di pa nasasagot" sabi ko sa kanya. Kinuha ko lang yung towel ko at diretso sa banyo habang si Henry naglilinis ng kwarto ko.

Memory lies withinWhere stories live. Discover now