Chapter 2- At The Mall

67 3 0
                                    

(Taylor's POV)

"Sige na. Pleaseee?" sabi ko kay Isabella habang nagpapacute.

Sa sobrang ingay namin kanina sa Starbucks, lumapit sa amin ang manager doon at pinaalis na kami kasi nakakaistorbo daw kami sa mga costumers. At dahil maaga pa naman, napag-isipan na lang namin na pumunta sa mall.

Kasama ko ngayon si Isabella sa isang store dito sa mall habang sina Kheyla, Jenna at Denise andun sa CR. Ako lang naman ang fashionista sa aming barkada kaya eto ako ngayon, pinipilit si Isabella na suotin ang damit na sa tingin ko ay bagay sa kanya.

"Ayoko." sabi niya habang nakapoker face. -.-

"Pleaseeeeeeeeee?!" Nagpout naman ako with matching puppy eyes.

"No."

"Ahhh hindi pala ha? Sige, magwawala talaga ak--"

"Hu-huwag! Oo na. Susuotin na po." sabi ni Isabella. Natakot ata. Hahaha! Alam naman nila na kapag hindi nila susuotin ang mga damit na pinapasuot ko sa kanila, magwawala talaga ako. When it comes to fashion, seryoso talaga ako.

"Yehey!"

"Akin na."

***

Habang hinihintay ko si Isabella na lumabas sa fitting room, nabigla ako nang may kumalbit sa tagiliran ko.

"AY BAKLANG KABAYO!" sigaw ko habang nilingon ko ang kumalbit sa akin.

Bumungad sa aking paningin ang tumatawang itsura ni Jenna.

"Bwahahaha! You should've seen your face! Hahahaha!" Inirapan ko siya habang patuloy pa rin siya sa pagtatawa. Nababaliw na ata to.

Sa aming magbestfriends, si Jenna ang pinakaclose ko. Bestfriend at kababata ko na kasi siya bago pa nabuo ang grupo namin. Parang kapatid ko na nga siya eh.

"Tara sa arcade. Andun sina Kheyla at Denise." sabi niya.

"Sige."

Naglalakad na kami papuntang arcade pero parang may nararamdaman kong may nalimutan ako. Hindi ko nalang pinansin. Imahinasyon ko lang siguro iyon.

***

(Isabella's POV)

Ang dami naman ng pinapasuot ni Taylor. Haaay. Nanahimik na nga ako sa tabi, ako pa ang nakita niya. Pero tama siya, bagay nga sa akin ang mga ito.

"Tay, ok na t--" Naputol ang sasabihin ko nang nakita ko na wala na si Taylor sa inuupuan niya kanina. Asan na kaya siya?

Inikot ko ang buong store pero wala talaga siya. Binili ko nalang ang mga damit na pinapasuot niya at lumabas na ng store para hanapin kung saan na napadpad ang babaeng yun.

***

Inikot ko na ang buong mall pero wala talaga sila. Pabalik-balik na ako sa mga stores pero wala pa din. Masakit na ang mga paa ko sa kahahanap. Humanda lang sila sa akin kung mahanap ko na sila.

"Asan na ba ang mga baliw na yun?" tanong ko sa sarili.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon