Chapter 1- Introduction

105 4 0
                                    

(Kheyla's POV)

"Btw guys, first day of school na bukas. Ready na ba kayo?" tanong ni Denise.

Nandito pala kami ngayon sa Starbucks. Ang paboritong tambayan ng barkada. Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay kaya napagisipan ko na makipagkita sa kanila dito.

Ay nga pala. Let me introduce myself first. Ako si Kheyla Ocampo, isang grade 8 student sa Royal Academy. 14 years old. Valedictorian ako ng aking dating paaralan. Ineexpect ko na ako ang magiging Top 1 sa batch namin. Dejoke lang noh! Hahahahaha! Lima kaming magbe-bestfriends. si Denise, si Taylor, si Isabella, si Jenna at syempre Ako.

Si Denise Rosales ang laging pinapagalitan sa amin. Ang daldal kasi eh. Tsk hahaha! Siya rin ang pinaka FC sa amin at dahil sa kanyang ka FC-han marami na ang naka kilala sa kanya.

Si Taylor Navarro naman ang pinakagirly at updated sa amin. Sa sobrang updated, pati mga pumupunta sa CR alam niya. Ang chismosa talaga. Hahaha!

Syempre kung may laging updated, meron ring slow. Siya si Jenna Cruz. Siya ang pinakapalabiro at makulit sa amin pero daig pa niya ang suso sa sobrang slow. Madalas rin siyang mainis kung lagi mo siyang inaasar.

Si Isabella Golez ang laging nagtataray. Minsan mo lang siya makikitang nakangiti. Masungit siya sa mga hindi niya close pero once you get to know her, makikita mo na mabait at masayahin siyang tao.

Okay, back to the story...

"Syempre naman. Baka maraming gwapo sa ating bagong school. Dibaaa?!" sabi ni Taylor sabay ngiti. ^_-

"Onga no? Oh my ghaaaaaaaad!!!" tili ni Jenna. Ang lalandi naman ng mga ito. Sarap sapakin. Magbestfriends talaga. -__-

At ayun, nagsimula na naman silang magkwentuhan tungkol sa love at mga gwapong lalaki na hindi ko nalang pinapakinggan. Sus, wala akong oras sa mga ganyang bagay. Wala naman ginagawa ang pag-ibig kundi saktan ka lang. Mas mabuti pa kung unahin mo muna ang pag-aaral.

Habang busy ako sa pagdidaydream, nagulat ako nang biglang may naki-epal na lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga waiter dito.

"Maam, Heho na fo hordher niyoh!"

{Translation: Maam, heto na po order niyo!}

Nagsitinginan kaming lima at halatang pinipigil ang tawa. Oo alam ko, ang bad namin. Ganyan naman talaga kami eh, konti lang tinatawanan na. Haaaay. Hahaha! ^_^

"Ah-ah sige salamat. Lagay mo lang diyan." sabi ko habang pinipigil ang tawa. Sa tingin ko mukha na akong natataeng ewan dito. XD

Inilagay na ng waiter ang order namin at aalis na sana. Kaso bago siya umalis, pinagmasdan niya ang aming mga namumulang mukha.

"Ngay hakit ho vha hayo? Vhaki Fulhang-fulha hang mhukha nhiyoh?" nagtatakang sabi ng waiter.

{Translation: May sakit po ba kayo? Bakit pulang-pula ang mukha niyo?}

Hindi na talaga ako mapakali. Konti nalang sasabog na ulo ko sa kapipigil ng tawa.

"Wala ito. Sige pwede ka nang umalis"

Umalis na ang waiter na mukhang na wiweirdohan sa amin. Akala niya siguro natatae na kaming lahat. Lul. XD

Sabay-sabay kaming tumawa nang malakas nang naka-alis na ang waiter. Sa sobrang lakas ng tawa namin, mga tao sa China makakarinig na. Dejoke lang. OA naman nun, hahaha!

"Shhhh. Tumahimik na kayo. Lahat ng tao dito tinitingnan na tayo oh! Baka mamaya palabasin na tayo dito!" bulong ko sa kanila.

"Hahaha! Gayahin niyo na lang kaya si Bella. Tumatawa nga, wala naman sound. Hahahaha!" sabi ni Jenna sabay turo kay Isabella na parang tanga lang sa kakatawa na walang boses.

Dahil dun mas naging malakas ang tawa namin. Marami na talaga ang tumitingin sa amin. Nakakahiya na talaga pero sanay naman ako.

"Aray!!! Eto naman, hindi mabiro oh!" sabi ni Jenna sabay himas sa ulo niya kung saan siya binatukan ni Isabella.

"Che!"

"Tumigil na nga kayo. Nakakahiya na sa mga tao dito!"

"Ano ang kinahihiya mo kung magaganda naman tayo!?"

"Hahaha! Agree ako diyan!"

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon