Chapter 5- Orphanage

40 1 0
                                    

(Kheyla's POV)

Bilis naman natapos ang week parang sa isang kindat lang. For the past few days parang hindi nagparamdam ang mga admirers nila ah. Hahahaha. Weekend naman ngayon so we decided na pumunta sa favorite place namin. Dito kami pumupunta kapag masaya, malungkot, galit at kung ano-ano pa diyan. Nandito kami ngayon sa isang lugar na kaya naming malimutan ang aming mga problema ng pansamantala. 

"Mga bata nandito na sila!" Sigaw ni Ate Ara. Siya yung tagabantay sa mga bata.

Sinalubong nila kami ng mahigpit na yakap. Sila ang ikalawang pamilya namin.

"Mga Ate! Nandito ulit kayo! Yey!" Sabi ni Chikko

"Miss na miss na po kayo namin." Napayakap sakin si Ana. Siya ang pinaka paborito ko sa lahat

"Ate gumaganda kayo ah!" Sabi ni Dino. Siya ang pinaka matanda sa kanila

Napa blush naman kaming lima. Hahaha. Na flattered naman kami dun. XD

"My mga manliligaw na kayo siguro noh?" Lait samin ni Ate Ara.

"Ayeeee!"

"Ate ring-bering akooo!!!" Sabi ni Chikko. Habang nasa likod siya ni Bella.

"Ring berrer po yun Kuya! Hahaha" Sabi sa kanya ni Bella. Cute nilang dalawa. Siya ang pinaka paborito ni Bella eh.

"Meron na si Ate Khey niyoooo!" Sigaw ni Denise sa likuran habang kumakain kasama si Mia. Haaay pagkain naman ang nasa harapan ni Denise :3

"Oo si Kuya Ja---" Tinakpan ko ang bibig ni Jenna sabay apak sa paa niya. Haaay. Basta kakulitan numiro uno to.

"Si Kuya Jayden niyo. ;)" Aba. Bumabanat na si Bella ah. Hmmm.

"Pero ok lang. Your ate is in good hands." Sulpot ni Taylor sa gilid na naglalaro kay Cam. At my kindat pa ah. Pektusan ko kaya ang mga toh.

Binigyan ko nalang silang apat na masamang tingin. Aba at tumawa pa ang mga loko ha?

"Oh sige na. Tama na yan. Girls pwede ko ba silang maiwan muna sa inyo? My pupuntahan lang ako sa baryo. Mabilis lang." Sabi ni Ate Ara

"Siyempre naman kevur na namin toh Ate." Ani ni Taylor. Aba inunahan pa ako ah. Hahaha

"Opo Ate kaya na namin toh."

"Oo nga" Ani ko naman

"Sige. Kapag my kailangan kayo tawagan niyo ako oh pumunta kayo sa opisina. Nandun si Ate Vya at Kuya Mario niyo." Paalala niya samin

"Opo Ate. Ingat! :)" Sabi naming lima

Ito ang Glennville Orphanage. Malayo-layo ito sa siyudad. Nadiscover namin ito nung 6 years old palang kami. Ang mga magulang namin ay isang barkada, bestfriends kumbaga. Nag camping kami at nagmasid-masid sa paligid hangang namalayan namin na nawawala kami. Hanggang nakita kami ni Ate Ara pinapasok niya kami sa orphanage at tinanong kung bakit ngayon lang niya kami nakita. Kilala na kasi niya ang lahat ng bata dito. Sila ang tumulong samin kaya sobra ang pasasalamat namin sa kanila. At siyempre napamahal na sa amin ang orphanage kaya hanggang ngayon pabalik-balik parin kami dito. Sila ang aming ikalawang pamilya.

"Ate ano ba ang iniisip mo? Si Kuya Jayden noh?" Sabi ni Ana. Aba nilalait na ako ah.

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon