Chapter 4- First day of school (Part 2)

42 1 0
                                    

(Jenna's POV)

Hala mayroon din pala akong sariling POV? Hahahaha! Syempre noh! Part din ako ng story na ito.

Ok back to reality...

Nandito ako ngayon sa Cafeteria. Lunch na kasi ngayon at hinihintay ko na ang mga baliw kong bestfriends. Ang tagal naman nila! Baka inabduct na ng mga alien? Edi tatahimik na buhay ko! Yehey! Hahaha Joke lang. Kahit mga baliw iyon, love ko parin mga bestfriends ko noh!

Ang tagal naman! Saan ba napadpad ang mga bruhang iyon? Teka ano nga ulit ang next subject namin? Ano ba yan! Bakit ang limutin ko? Kunin ko na nga lang schedule ko.

"Asan na ba yun?" Bulong ko sa sarili habang hinahanap schedule ko

Habang hinahanap ko ang aking schedule, bigla namang may kumalabit sa likod ko.

"Sandali lang." Sabi ko habang hinahanap pa rin ang schedule ko

Ilang segundo, mayroon namang kumalabit sa akin.

"Sandali nga eh!" Sabi ko naman

Mayroon namang kumalabit nang hindi ko siya pinansin.

Ilang kalabit pa galing sa kanya nang inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha ng kumalabit sa akin. Wow! Ang gwapo! Ano ba Jenna! Galit ka sa kanya!

"Ano ba?!? Hindi mo ba maintidihan ang sanda--"

*BAM*

"Ouch!!" Sigaw ko. Bakit hindi ako mapa-ouch eh hinampas ba naman ang libro sa mukha ko! Walangya na lalaking yon!

Aray naman! Huhu ang sakit ng ilong ko! Hala baka napango ang ilong ko!!

"BAKIT MO GINAWA YON?!?!?!" Sigaw ko sa kanya habang nakahawak sa ilong ko.

"Bwahahahaha! Pulang-pula na ang ilong mo! Hahahahaha"

"Che. Diyan kana nga. Nawalan na ako ng gana bwisit ka." Habang nakahawak parin sa ilong ko. Naman eh ang sakit nun ah.

Simula palang toh Mr. Torres babawi ako sayo! 

>>>Flashback<<<

First period namin. Awkweiiird naman makitingin yung mga tao dito. Hindi po ako kriminal ha! Bakit pa kasi hindi kami classmates ng mga lokong' yun? Psssh.

***

Katabi ko ngayon ang pinaka mabuti, magalang at masipag kong kaklase. Siguro(?). Hindi kasi nagsasalita o gumagalaw to eh. Haay boring naman wala ako dito pagtitrippan.

"Tol. Ready kana?" Sabi ng lalake sa likod niya.

"Naman tol." Ay nagsasalita pala siya?

Namalayan ko nalang na sumisigaw na ang aming adviser dahil my bumato daw sa kanya ng clay. Pilyo pala tong si Clifford eh. Pero galing niya ha...na sight niya ng maayos ang ulo ni Ms. Dormie! Ayyy sorry. Last nato. Ok focus Jen.

"Sino ang gumawa nun?" Binantaan kami ni Ms. Dormie. Chaka look ahhh. Este tiger look pala. Hahahaha!

Destined To Be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon