Pahina 10

163 28 12
                                    

"Ang daya mo ha, bakit hindi ka na sumasabay sa amin pa-uwi? Miss ka na kaya namin."

"Busy kasi ako eh, ang dami naming paper works na kailangan tapusin asap."

Ito lang ang alam kong dahilan para makaiwas sa'yo at para na rin makalimutan ang nararamdam ko para sa'yo. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng hindi 'ko pagsabay sa inyo. Hindi ko alam kung makakatulong ba ito para makalimutan ka o mas lalo lang nitong pinapalala ang pagka-miss ko sa'yo.

Sa totoo lang, nung makita kita kanina parang biglang tumigil ang mundo ko. Totoo ang mga sinabi ko kay Busbus, gustong gusto kitang yakapin nung mga oras na iyon. Gusto kong sabihin sa'yo na sobra kitang namiss. Yung ngiti mo, mga tawang mong ang sarap sa tainga, yung mga kwento mong hindi matapos tapos. Lahat 'yon namiss ko sa'yo, pero wala akong magawa kung hindi ang mamiss lang lahat na iyon. Hindi ko na siguro kailanman maririnig ang mga tawa mo na ako ang dahilan. Hindi ko na rin makikita ang ngiti mong hindi nakakasawang titigan, higit sa lahat, hindi na ako ang magiging human diary mo.

Kung alam mo lang na sa bawat araw na dumaraan, walang araw na hindi kita iniisip. Madalas kong tinatanong ang sarili ko kung kamusta ka na? Kamusta kayo? Anong progress ng relationship ninyo? Kahit masakit hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung sinagot mo na ba s'ya? Are you two in a relationship? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Sa isip ko, pinili ko 'to eh, kaya dapat panindigan ko. Mahirap pero kakayanin ko dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin.

Hindi ko kasi alam kung sa paanong paraan ko makakalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo. Kahit siguro magka-amnesia ako, ikaw pa rin yung gusto ko. Kung magreincarnate man tayo, baka ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ngayon ko mas napatunayan na "Love is Inevitable". May mga bagay na hindi natin kayang takasan o iwasan. Kahit anong gawin nating pagtatago, darating talaga sa punto na hahanapin mo s'ya. Hindi natin maiiwasang mahulog sa taong wala tayong kasiguraduhan kung masasalo ba tayo o hindi.

Kung darating man yung araw na wala na akong nararamdaman para sa'yo, sana maibalik pa natin ang pagkakaibigan na binuo natin noon. Sana matanggap ng sarili ko na kahit anong pilit kong gawin, hindi mababago yung pagtingin mo para sa akin. Kahit naman hindi ko sabihin sa'yo ang tunay kong nararamdaman, alam ko na naman ang sagot. Hanggang kaibigan lang talaga.

I was hurt without even trying.

Huling PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon