Kabanata 5

176 26 15
                                    


Jaye's POV


"Kanina ka pa may hinahalungkat d'yan sa bag mo, ano ba 'yang hinahanap mo?" kunot noong tanong ni Mama.

Nakita ko s'yang nakapamewang sa labas ng kwarto ko. Halatang galing s'ya sa pagluluto dahil may suot pa s'yang apron at may hawak pang spatula.

"Malalate ka na naman n'yan, Jaye. Si Miya, nauna na sabay yata sila ng boyfriend n'ya," sambit nito.

Tumigil na ako sa paghahalungkat saka dismayadong tumingin kay Mama. "Nawawala yung Journal na binigay sa akin ni Papa, Ma. Sigurado akong dito ko lang 'yon na ilagay eh, hindi ko alam kung bakit hindi ko s'ya makita rito."

"Mamaya mo na lang ulit hanapin pag-uwi mo, itatanong ko rin papa mo kung nakita n'ya. Sige na, gumayak ka na." ani n'ya saka bumalik na sa kusina.

Sa dinami daming notebook ko na p'wedeng mawala bakit yung Journal ko pa? Sobrang mahalaga pa naman 'yon sakin atsaka napakapribado ng nilalaman no'n. Sana lang makita ko agad, kasi kung hindi, baka pati buhay ko delikado na.

6:20 am

Hanggang sa pagpasok ko, iniisip ko pa rin kung saan ko ba nailagay 'yon. Hindi ko rin alam kung kailan pa s'ya nawawala. Sa bag ko lang naman 'yon nilalagay kaya imposibleng mawala lang 'yon ng basta basta. Importante pa naman yung journal na iyon dahil regalo s'ya sa akin ng Papa ko no'ng birthday ko. Nung una hindi ko alam kung saan ko 'yon p'wede gamitin, hindi naman kasi ako mahilig magsulat at mag-journal. Kaya tinago ko na lang muna s'ya sa drawer ko. At ngayon, alam ko na kung saan ko s'ya p'wedeng magamit. Para isulat ang mga nararamdaman kong hindi masabi sabi sa kanya, sa takot na masira ang pagkakaibigan na binuo naming dalawa.

Pagdating ko sa room sakto naman sa pagpasok din ni Ma'am Ruiz. Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinasabi n'ya. Paano ba naman ang hina hina ng boses n'ya, sabayan mo pa ng mga maiingay kong kaklase. Kaya kahit anong gawin kong pakikinig wala pa rin akong maintindihin. Okay lang, tungkol lang naman 'yon sa grades namin at sa mga may kulang pang requirements.

Pagkatapos ng ilang oras, break time na namin. Wala akong gana kaya hindi na ako lumabas. Narinig ko yung boses ni Busbus na tinatawag yung pangalan ko. Alam ko na kung bakit ako hinahanap ng unggoy na 'yon.

Nakangiti s'yang umupo sa tabi ko. "Hoy, torpe, hindi ka nagsasabi sa akin ha. Nagpunta pala rito mga kaibigan mo kahapon." ayan na naman yung mapang-asar n'yang ngisi. Kalalaking tao napakachismosa.

"Ano naman sa'yo? Niyaya lang nila ako kahapon kumain sa labas," sagot ko.

Tumawa naman s'ya ng malakas. "Sayang, hindi ko sila naabutan. Namimiss ko na mga kaibigan mo eh. Ikaw, miss ka ba ng Hazel mo?" tanong nito.

Hindi ko na napigilan, sinikmuraan ko na s'ya. Akala n'ya kahit naka-upo, hindi ko magagawa 'yon? tsk. "Ilakas mo pa, hindi pa nila naririnig." sarkastiko kong sabi.

"Grabe ka naman, nagtatanong lang ako. Bakit may pagsikmura?" pilit nitong sagot habang hinihimas himas pa n'ya yung kanyang t'yan.

"Ayusin mo kasi yung tanong mo. Nakakasakit ka ng damdamin. Lumayas ka na nga, wala ako sa mood matutulog muna ako." masungit kong sabi. Tumayo na s'ya para umalis pero hindi pa nakakalayo, sumagot pa.

"Matulog ka na, baka sakaling maging kayo pa ni ano sa panaginip!"

Hindi na ako sumagot dahil naalala ko na naman yung panaginip ko tungkol sa amin. Panaginip na hanggang panaginip na lamang. Tutungo na sana ako nang lumapit sa akin si Joanna saka umupo sa katabing upuan. "Hindi ka kakain?" tanong nito habang binubuksan ang pagkaing bitbit n'ya.

Huling PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon