Chapter 6

4.1K 124 12
                                    

RIKKI

Sa pangatlong araw na nasa piling ko ang wallet ni Vayne ay nginangatngat na ako ng konsensiya ko. Sukat ba naman kasi na hindi rin talaga siya nagkukusa na kuhanin sa akin iyon. Kahit nagkakasalubong kami sa campus ay hindi naman niya ako pinapansin. Minsan sinubukan ko na lapitan siya ay bigla naman ako tinablan ng hiya lalo na at kumpleto silang magbabakarda.

Nakaka-intimidate naman kasi ang dating nilang magkakaibigan. Sila ang tipo ng mga lalaki na hinahabol ng mga kalahi kong Eba. Kung hindi pa naging boyfriend ni Ian si Dash, eh hindi ko pa makaka-kwentuhan ang isang 'yun. Ian told me that Vayne just came from a break up.

Naisip ko nga na kaya siguro kung anu-anong trip ang ginagawa niya ay para ma-divert ang atensiyon at hindi maisipan na magmukmok or gumawa ng mas worst doon. I admit medyo naawa naman ako kay Boglee ng mga two percent. Gusto ko lang naman talaga turuan ng leksiyon ang lalaki na 'yun.

Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lahat ng babae ay bet siya. Na hindi lahat sa campus ay katulad ng mga kinakama niyang babae. Noon pa man wala na talagang kadating-dating si Vayne sa akin. He's really not my type of man.

Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago ipinagpatuloy ang pagbabati ng itlog. Busy ako ngayon kasi may mga orders ng moist choco cupcakes si Brittany. Birthday ng mommy niya at ito ang ipangreregalo niya. Paulit-ulit ang ginawa kong pagbuntong hininga ng biglang may tumikhim. Kaagad na nabaling ang tingin ko doon.

"Baka naman sumakit ang tiyan ng kakain niyan anak. Kanina ka pa panay ang buntong hininga d'yan," si Tatay na nakasandal sa hamba ng pintuan.

Tipid akong napangiti. "Joke ba 'yun 'tay?" pabirong sabi ko.

Ngumiti din si Tatay at lumakad palapit sa akin. Tahimik na itinuloy ang paghigop sa kanyang kape at pinanood ako sa ginagawa. Inabot ko ang isa pang bowl at pinagsama-sama ang iba pang ingredients. Dahil wala naman kaming electric mixer ay mano-mano ang proseso. In fairness, naging firm ang muscles ng braso ko dahil sa kababati ng itlog.

"May problema ka ba, Ricarda?" may pag-aalalang tanong niya.

Bahagya ko lang siya sinulyapan bago mabagal na umiling. Sa aming dalawa ni Ate ay ako ang mas Papa's girl. N'ung bata pa ako palagi akong nagkukwento sa kanya, pero as of this moment nahihiya ako mag-chika ng problema ko dahil lalaki ang main dillema. Lalaki na kung tutuusin ay hindi ko naman dapat pinag-iisip kung hindi lang ako kinakain ng guilt. Inabot ko ang dinurog na choco chip cookies at maingat na ginawa ang next step.

"Sigurado ka anak?" bumuntong hininga siya bago sumenyas na maupo ako sa tabi niya. Tahimik akong naupo at pansamantalang itinigil ang paghahalo. "Ilang araw na kitang napapansin na balisa. Alam kong malaki ka na at marunong na magdesisyon sa buhay, pero baka makatulong ang tatay sa kung anumang problema mo."

Ipinatong ko ang bowl sa kandungan at mabagal na hinalo ang laman nito. Hindi ko napigilan ang panunulis ng nguso ko. Bigla ba naman kasi lumitaw sa imagination ko ang mukha ni Vayne. Masasabi ko na talagang gwapo siya pero hindi naman 'yun lisensiya para paglaruan niya lang ang mga babae. No one has the right to play around your feelings, unless you give them permission to do it. To me, self-worth is priceless.

"Lalaki ba?" biglang tanong ulit ng Tatay.

Napamulagat ako sa diretsahang tanong ng tatay. Sa pagkakatanda ko wala sa lahi namin ang pagiging manghuhula pero nahulaan niya. Iba din si Pudrakels. Tumayo ako at napapalatak. Hindi naman siguro masama kung mag-oopen-up ako kahit pahapyaw. Feeling ko naman babalansehin ni Tatay ang sitwasyon.

"Opo, tama kayo. L-Lalaki nga ang problema ko," alanganing sagot ko na sinabayan ko pa ng pagbuntong hininga.

Biglang napatayo ang tatay at kinalampag ang mesa. Sa gulat ko ay basta ko na lang naisalin ang laman ng bowl sa cupcake mould. Hindi ako makatingin sa kanya dahil ang atensiyon ko ay nasa ginagawa.

SJUS#2 Seductive IntentWhere stories live. Discover now