Walang makakatalo sa atin...
Parang dati lang hanggang alas dose na tayong magkausap
Parang dati lang nauuna ka pang mag message sakin
Parang dati lang para akong tangang naghihintay ng message mo
Parang dati lang kinukumusta mo pa ako
Parang dati lang nag aaya ka pang magvideo call
Parang dati lang tuwang tuwa ako na tinatawag mo ako sa palayaw ko
Parang dati lang naghihintay pa ako ng update mo sa social media
Parang dati lang ang saya ko na pag nakikita kitang nakangiti
Parang dati lang pwede pa nating hagkan ang isat isa
Parang dati lang tumatawag ka pa sakin
Parang dati lang....parang dati
Mga salitang pilit ko itinatatak ko sa utak ko
Mga salitang pilit akong binabagabag sa tuwing naaalala ka
Mga salitang kahit anong pilit pa ay di na mabubura
Mga salitang sumira na sa salitang SANA
Mga salitang dapat nang iniiwan sa nakaraan
Mga salitang kahit pagbalik baliktarin mo'y di mawawala ang salitang DATI
Mga salitang dapat noon KO pa kinalimutan
Mga salitang pilit GINAWAng panakip butas sa sakit na nadarama
Sa lahat nang sinabi ko doon lamang lumabas yung salitang "SANA. .DATI. .KO. .PA. .GINAWA.."
BINABASA MO ANG
true thoughts and feelings of a teenager
Poetrymga bagay bagay ba gumugulo...nagpapasaya at kung ano ano pa sa damdamin at buhay ng isang dalaga...