PagBASA...
hanggang saan nga ba makakarating
hanggang kailan pipilitin
hanggang kailan maghihintay
hanggang kailan kakayanin
hanggang kailan hihinto
hihinto sa pagpapalipat lipat ng mga pahina
hihinto sa pagbabasa ng mga magagandang salita sa bawat pahina
pahina ng buhay kung saan habambuhay ko nang pamamalagian
pahina ng buhay kung saan hanggang tanaw at basa na lamang
kaylan ko nga ba titiisin na makita siyang kasama ang iba
habang nasa pahina pa rin ako kung saan naroon siya at hinihintay na mapansin niya
dapat ko na ngang bang punitin ang pahina
dapat ko na nga bang kalimutan ang pahina
dapat…tigilan na ang pagBASA sa pahina kung saan di na sumisibol ang pag asa
BINABASA MO ANG
true thoughts and feelings of a teenager
Poésiemga bagay bagay ba gumugulo...nagpapasaya at kung ano ano pa sa damdamin at buhay ng isang dalaga...