February 4...8:40 pm

5 0 0
                                    

Entablado....

Alam niyo yung pakiramadam

parang tyan na kumakalam

pakiramdam ng kinulam

yung pusong kumakabog

dahil di mo alam kung saan at ano

saan nagkamali

ano pa ba ang kulang

sa dami ng tanong lahat na yata ng WH questions nagamit ko na

para lamang malaman kung kulang pa ba

kung nasaktan ba kita

ako ba o ikaw

kailangan ko pa bang itula

parang lang malaman mong may sagot na

sa dami ng efforts mo

sa dami ng pinagdaanan nito

sa dami ng di mo pagpansin

heto pa din ito

itong pusong kung parang gagong kabog ng kabog para sayo

akala ko ako na...ito na

pero bakit ganun di naman ako nainform na audition pala sinalihan ko

kase pati ba naman dyan sa puso mo marami nakapila

sa sobrang haba ng pila ilang taon ko ding tinago

noong ako na ang nakatungtong sa entablado

para ata akong napasmado

yung puso ko tumatalon dahil sobrang kabado

tapos ko nang ipakita sayo ang tunay na ako

pagkatapos ng ilang araw pagkatapos ng audition dun na nagkaalaman
Napasmado
sa haba ng pilang pinagdaanan isa lang ang dapat mong samahan

ngumiti ka sa akin

biglang lumakas ang hangin

ako...ako ba?

umiling ka...

ang hangin na umihip kanina ay parang umatras dahil sa narinig ko

yung ngiting ipinamalas ko nawalan ng saysay

may napili kana pala

sige susuportahan kita

pero asahan mong sa araw na saktan ka niya 

magtanong ka kung kulang pa ba

at pagsumagot siya sana maging masaya ka

maging masaya ka kase nasagot niya yung mga tanong na dati gusto ko rin sagutin mo

kaya sa susunod na may mag audition at tumungtong dyan sa entablado ng puso mo

piliin mo yung taong di ka lang pakikiligin

piliin mo yung taong pagngumiti mapapangiti ka rin

dahil sa entablado pagtumungtong ka dapat nakangiti na agad yung tao

dahil doon mo lang malalaman na umiibig na siya sayo

true thoughts and feelings of a teenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon