Yung boses...
Parang huni ng hangin sa aking tainga
Lahat ay naakit sa dalang halina
Lahat ay nadadala sa ganda ng ritmo
Lahat ay iniisip na ito'y isang katha lamang
Lahat ay nabibihani sa musikang iyong taglay
Lahat ay nagtataka kung saan yaong tunog nanggagaling
Mula sa taas ng entablado ika'y nakikita
Mga kamay mo'y malapit nang mahagkan
Puso'y handa na sa iyong paglapit
Mainit na likido sa aking mata'y dumadaloy
Ngayon ko lang napagtanto likidong dumadaloy
Dumadaloy dahil sa damdamin
Dumadaloy dahil iniisip kung saan
Dumadaloy dahil iniisip kung kailan
Dumadaloy dahil iniisip kung may natitira pa bang pag asa
Dumadaloy dahil simula umpisa ay panaginip lang pala
BINABASA MO ANG
true thoughts and feelings of a teenager
Poetrymga bagay bagay ba gumugulo...nagpapasaya at kung ano ano pa sa damdamin at buhay ng isang dalaga...