7

482 31 0
                                    


" Pwede bang manligaw? "

That's what my classmate Gab told me.

Sa harapan ng mga classmates ko.

Sa gitna ng field ng school namin.

Kung saan nakita at nasaksihan ng lahat ng mga estudyante ng school ang kanyang ginawa na pagtatanong to court me.

Like really, if this guy did ask me a year ago when I'm in total denial about my feelings for Piper I might give him a yes for an answer.

But then again, I'm a goal centered person and I prioritize my education and career for my future than a relationship. So, just like any other girl would do, I told him that maybe he could wait for my answer.

Pumayag naman siya.

Though, sinabi ko lang yun para makauwi na ako dahil pag hindi ko yun ginawa ay masisira ang schedule ko. At hindi ako papayag na sirain ko ang aking schedule just because of him.

Piper was the only exception, of course.

The news that Gab, a member of our soccer team, just asked me out spread like wildfire sa school namin. Naging topic na naman ako ng marami. Minsan nga tinatakpan ko na lang yung tainga ko para di ko na makinig yung iba't ibang version nila sa nangyari o yung mga speculations nila kung kailan ko sasagutin si Gab.

Hindi ko pa nga pinapayagan yung tao manligaw.

Noong tinanong ako ni Gab kung pwede daw siyang manligaw isang bagay lang ang nasa isip ko nun maliban sa pag uwi ko sa bahay

At yun ay kung kailan ko ulit makakausap si Piper.

Hindi ata ako masyadong swerte para magawang makausap si Piper araw-araw. Kahit na kapit bahay kami at naka angkas na ako sa likod ng bike niya ng ilang beses ay hindi ibig sabihin nun na araw-araw ko siya makakasama.

Life is unfair like that.

Sure, i get to see her everyday pero it's either may ginagawa siya o ako naman ang may ginagawa. It was sad, actually. Kaya nga habang nagtatanong sakin si Gab ay nalipad ang utak ko kung makikita ko ba si Piper at kung makakapag usap ba kami.

Pero that didn't happen.

Halos mag-iisang linggo ko na ata siya hindi nakakausap.

Kahit na hindi ko pa naman pinapayagan manligaw si Gab, ang understanding ng mga kaklase ko ay mag boyfriend-girlfriend na kami. Gusto kong magalit at linawin sakanila na hindi yun totoo pero wala lang talaga ako ng lakas na loob para gawin yun.

Hindi ko kayang magtaas ng boses kahit kanino man. That's why everyday i go to school kailangan kong kimkimin ang tunay ko nararamdaman. I just wanted to hang around with Piper and get to hear her talk about things she was passionate about, i want to see her half smiles that showcases  her dimples on her cheeks and of course, i just wanted to be with Piper and Timothy and talk about stupid stuff, mostly with Timothy because Piper doesn't participate with topics she's not interested with.

I get to see her everyday naman sa bahay nila tuwing umaga. Nandun pa din si Timothy at siya ang nag bibike habang si Piper naman ang naka angkas sa back seat pero this past few days ay hindi ko na sila naabutan since sinusunod ko pa naman din kahit papano naman ang schedule ko.

Late siguro sila lagi or maaga lang sila pumasok ngayon.

Pinipilit na ako ng mga kaibigan ko na payagan ko na daw si Gab na manligaw. Sabi nila sakin that he's a catch and there are lot of girls wanting to be on my shoes.

Okay, if that's the case. Girls, take my shoes.

Gab plays on the soccer team. He's actually the point guard. I saw him play every once in a while and i could see that he's pretty good.

PiperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon