12.05.17
para sa mga taong iniwan
Ikaw, ikaw ang nagpaikot ng mundo ko
Ang mga kamay na hinahanap tuwing nawawala ako
Ang drogang kinuha sa akin
Pero kahit ganito na tayo, adik parin ako sa'yo
Adik parin sa mga ngiti mong nagpapaliwanag ng buhay ko
Ang mga mata mong parang lamparang kumikinang kapag dumidilim na ang mundo
Ikaw ang araw at ako ang buwan
Ang araw na pilit sinusundan kahit wala ng pagasa
Ikaw ang nagpainit sa malamig kong katauhan
Ang boses mong nagpapalambot sa matatag kong harang
Ikaw ang tinig na lumalabas sa tuwing tinutugtog ko ang gitara
Ang inspirasyong tumutulak sa lahat ng aking ginagawa
Pero nangyari nga ang hindi inaasahan at iniwan mo na ako
Maayos pa tayo noong nakaraang araw pero nangyari parin ito
Iniwan mo ako ng walangpaalam
Para kang bulang nawala na lamang ng biglaan
YOU ARE READING
sᴇʟғᴛɪᴛʟᴇᴅ | ˡᶦᵗᵉʳᵃᵗᵘʳᵉ
Poetryjust poetic rants and love letters slow updates ongoing. mixed literary works