01.30.18
para sa mga hindi makamove-on
Nandito nanaman ako
Nakatayo sa harap ng hardin
Pinagmamasdan ang pinakamagandang bulaklak sa mundo
Ang pulang rosas, maganda't mahinhin
Araw-araw ay hinihintay ko ito
Pinagmamasdan at pinoprotektahan
Pinipigilan kung may pipitas nito
Sasagarin ang lahat ng kakayanan
Ngunit hindi ko mapagtantuan ang sarili kong kuhanin ang rosas
Marahil baka lamang masaktan ako ng mga matatalim na tinik nito
Pero sa pagdaan ng panahon
Dapat humanap na lamang ako ng lakas
Lakas na kahit masaktan ay pipilitin
Lahat ng bundok tatahakin
Sapagkat sabi nga nila
Kailangan mo munang makaranas ng sakit bago ang saya
Unti-unti ng nanlalagas ang bunga ng pagmamahal
Sa sariling puso'y ako'y nasasakal
Sa kagandahan mo'y walang lalamang
Kahit alam kong hanggang pangarap ka lamang
YOU ARE READING
sᴇʟғᴛɪᴛʟᴇᴅ | ˡᶦᵗᵉʳᵃᵗᵘʳᵉ
Poetryjust poetic rants and love letters slow updates ongoing. mixed literary works