Cyan'sPOV
Okay. Sobrang rak na rak na ako this past month Paanong hindi? Una, sinabihan ako ni Crad na may gusto sya sa akin. Pangalawa, parang naging distant na si Gian since nung umamin si Crad na may gusto DAW sya sa akin.
~Flashback~
"Hey Cyan!" tawag sa akin ni Crad sa likod. Nandito kami sa canteen, lunch break na kasi. So, basically magkakasama kami nila gian at Julia. "Hey there." bati ko din sa kanya. "Cy, I wanna tell you something." seryoso nyang sabi. "Hmm, okay. Shoot," sabi ko lang, not minding his serious tone. "Cy, I-I... I t-think I l-like you." utal-utal nyang sabi. Napaigil naman ako sa pagsubo ng Carbonara na kinakain ko habang si Juls naman ay napatanga sa kinauupuan nya. Si Gian naman, halata sa mata na hinihintay ang sagot ko, pero, yung makikita sa mukha nya na parang wala syang pakialam. "Oh, u-uhm, I-I don't kn-know how t-to react Crad." sabi ko. Nakatingin lang sa akin si Julia, si Gian, parang biglang nagdilim yung itchura nya. "Oh, that's okay Cyan Love. Well, I'll talk to you later, bye" paalam nya ng nakangiti at saka umalis na papunta sa mga kaibigan nya sa kabilang dako ng canteen. Tinignan ko lang sila Julia at Gian. Nakatingin lang sa akin si Julia na parang sinasabing "we'll talk later". Si Gian naman, parang uneasy yung itchura. Long awkward silence. Binasag ito ni Gian ng magpaalam itong mauuna na sa room. Itinuloy na lang namin ni Julia ang aming pagkain at sumunod na sa room dahil 15 minutes na lang din naman at mag sisimula na ang next subject namin.
~EndOfFlashback~
So, ayun nga. Since that day hanggang ngayon, naging cold na si Gian towards me and Juls, at si Crad naman, pilit na nakipag-close dito kay Julia. After naman ng ilang attempts, naging in good terms na din silang dalawa. "Oy Cyan!" tapik sakin ni Julia. "Ow?" sabi ko lang. "Kamusta naman yung 'panliligaw' nung Crad na yun sayo?" sabi nya "Ha? Nanliligaw ba sya? Di naman ah." sabi ko. Hindi naman talaga nanliligaw sa akin si Crad. And alam naman nating lahat na wala naman syang pag-asa sa akin. Oo, matikas sya, pogi. Pero, iba pa rin talaga yung pagtingin ko kay Gian kumpara sa kanya. Kumbaga, yung relationship ko sa kanya, friends lang. "Sus, in denial pa sya. Eh pano mo maipapaliwanag yung mga ginagawa nya sa'yong pag aasikaso, aber?" sagot naman nya. Napatikom na lang ako sa sinabi nya. Oo nga naman. Lately kasi, lagi akong hinahatid ni Crad sa bahay. So basically, lagi syang nasa amin. Kilala na nga sya ni Mama at Papa eh. Pati na din ni Ate Violet. Ewan ko nga ba kung bakit lagi syang ganun sa akin. Tapos, madalas din nya akong bilihan ng pagkain everytime na magkikita kami even kahit kakakain ko lang sa bahay. Syempre hindi naman ako makatanggi, baka naman magtampo naman sya. Si Gian, wala pa din kaming balita sa kanya. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko ng biglang my umakbay sa akin. "Hey Cyannie!" bati ni Jerald sa akin nang may napakalawak na ngiti. "Hello Jerald." bati ko pabalik at pasimple kong tinanggal yung kamay nya na naka akbay sa akin. Medyo nawala naman yung ngiti sa labi nya. Sya si Jerald De Rama. Ang alam ko, ang tatay nya ay isang half-mexican. Matangkad sya, mga nasa 6' sya sa tantya ko. Moreno sya na bumagay sa biluging mata nito. May makakapal na kilay at matangos na ilong. Medyo may pagkakulot ang kanyang itim at medyo mahabang buhok. Medyo athletic din ang build nya dahil isa din sya sa mga varsity ng swimming team ng school namin. Tinititigan naman ako ni Julia na parang nagtatanong. Sinenyasan ko na lang sya na nagsasabing wala lang. Itinuloy na lang nya ang pagkain nya kaya ipinakilala ko na lang sya dito sa katabi ko. "Ah, Juls, si Jerald nga pala kaklase namin. Rald, si Julia bestfriend ko." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nagakamayan naman sila at tumuloy na ulit si Julia sa pagkain nya. "Cyannie, may gagawin ka ba sa Sunday?" biglang tanong nito. Napatigil naman ako ng subo ng kutsara ko sa tanong nya. "Ah, eh, hindi ko pa alam eh," sagot ko sa kanya. Hindi ko din naman kasi alam kung matutuloy yung lakad namin nila Papa sa Linggo. "Ganun ba? Sige. Text mo nalang ako kung meron o wala ha? Asdfghjkl" sabi nya. "Ano ulit yun?" tanong ko. HIndi ko kasi narinig yung huli nyang sinabi. "Wala. Sige, text text nalang Cyannie." sabi nya sabay ngiti ng matamis at tumayo na. "Sino naman yun Cy? At bakit may endearment na agad sa'yo?" tanong ni Julia. "Kaklase ko nga Juls. And, Cyannie ksi yung tawag sakin ni Ma'am Veneza, yung MAPeH teacher namin? Kaya siguro, mas preferred na nilang tawagin akong Cyannie. Actually, lahat naman ng kaklase ko yun na ang tawag sakin eh." mahaba kong paliwanag. Napa-Oh naman si Juls nang maintindihan nya. "Eh bat nagtatanong kung may gagawin ka sa Sunday?" tanong naman nya ulit. "Ewan ko." sabi ko lang. Hindi ko naman talaga alam eh. After nun, pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
~~
15 minutes nalang at matatapos na yung last period nang magvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at tinignan kung ano ang message, dahil pinag-vacant naman na kami ni Ma'am Chavez. Nak, magluto ka nalang ng food mo sa bahay mamaya, hindi kami makaka-uwi ngayon dahil pinagstay kami dito sa Tarlac ng lola at lolo mo. Si Ate Violet mo naman ay wala sa bahay dahil may gagawin daw silang group study patungkol sa thesis nila ng mga kaklase nya. Ingat ka dun anak ha? --Mama Hala. Pumunta pala sila sa Tarlac. So, wala pala akonng kasama sa bahay. Napa-buntong hininga na lang ako. Okay po Ma, papapuntahin ko na lang muna si Juls sa atin para may kasama ako kahit hanggang mamayang 8pm lang. Ingat din po kayo jan. reply ko sabay balik ng phone ko sa bulsa ko. Naramdaman ko naman na parang may nakatingin saken sa may bandang likod ko. Kaya naman tumingin ako sa kung saan lang madako ang mata ko at nakita ko na gumalaw ng parang nabigla si Gian, tumingin bigla sa harapan eh. "Hey there, Cyannie!" sabi ni Jerald, nasa likuran ko mang naman kasi sya naka upo eh. "Ah, hello din Rald." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Napatingin naman ako sa katabi ko ngayon na matalim na nakatingin kay Jerald, tinaasan lang naman sya ng kilay nung huli. Napaikot na lang ako ng mata ko sa kanilang dalawa. Haay, bat ba naman kasi napalibutan ako ng gantong mga tao. Hindi mo alam kung mabait ba talaga or war freaks eh.
[A.N: Ayan! An update. Haha. I promise, I'll try to update faster next time. Ciao]
~BitterVanillaCupcake~
BINABASA MO ANG
Diary of a Closet BI (ongoing)
HumorCyan James Pastejos. Cute, feminine-faced boy, maputi, slim. Patagong Bisexual. May pagtingin kay Gian Lacsamana ngunit hindi nya masabi dito. Gian Lacsamana. Gwapo, lalaking-lalaki ang itsura, moreno, medyo malaki ang built. Straight. Nung nakita n...