PROLOGUE

38.5K 454 15
                                    

A/N: This story is book 3 of the HUNK SERIES. It's a stand alone story naman although series siya.

Here are the list of the stories of the HUNK Series:

1. In Love With A Witch - Judd Madrigal & Clover Denisse Araullo
2. Haunted - Klarence Montenegro & Annika Sandoval
4. Oo Nga Pala, Walang Tayo - Adam Zuniga & Hannah Erin Alcantara
5. You're Mine - Chad Samaniego & Pepper Jimenez

Thank you.

~CJ1016



*****************************

Hello to LyhteOradadgam


"Hannah!"

Napalingon ako bigla. Napatigil sa ere ang kamay at braso ko sa aktong paghahagis ng teks.

Naku! Lagot na naman ako!

"Hannah! Naglalaro ka na naman ng teks na yan! Lintik na...ipapalamon ko sa yo mga yan!" halos bumula ang bibig ni Nanay sa galit habang papunta sa akin at may hawak na walis tambo.

"Nay!" saka ko itinago sa likuran ko yung mga teks na hawak ko.

Nagkataon naman na napalingon ako sa gawing likuran ko para sana humanap ng mapagtataguan. Nakita kong padating sila Tatay saka ang apat na kuya ko. Nakapang basketball uniform ang mga kuya ko. Galing siguro sila sa paliga sa kabilang barangay.

Agad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Tay! Si Nanay hahatawin na naman ako..." sabay tago ko sa likuran nito.

"Ernesto, ilabas mo yang anak mo dyan!" sabi ni Nanay na nakatayo na sa harap ni Tatay.

"Ano na naman ba kasalanan ng anak mo, Heidi at hahatawin mo ng tambo? Magkakalatay yung magandang legs nito," ang sabi ni Tatay.

"Kaya nawiwili yang batang yan e lagi mo pinagtatanggol," nakapamewang na sagot ni Nanay.

"Tinatanong ko lang anong kasalanan pinagtatanggol na agad?"

"Pano po yang batang yan, holen at teks na naman ang nilalaro. Tomboy ka ba talaga? Ha? Hannah?"

Nilapitan ni Tatay si Nanay at saka inakbayan. Pasimple niyang kinuha ang tambo kay Nanay at saka iginiya na palakad palayo sa amin nila Kuya.

"Bata pa yan, mahal... magbabago pa yan..."

"Ayan, sige! Kunsintihin mo!"

"Hindi. Ang mabuti pa magbihis ka at ide-date kita. Kulang ka lang sa date eh."

Bago sila makalayo ay lumingon sa akin si Tatay at saka kumindat.

"Nakaligtas ka na naman sa palo ni Nanay botchok!" sabi ni Kuya Erold ang pinakamatanda sa amin.

"Kaya nagiging ganyan si Hannah eh. Botchok kasi ang tawag nio sa kanya "si Kuya Elliot ang sinundan ko.

"Bagay naman kasi ang botchok sa kanya. Cute. Kasing cute niya. Hahaha!" sabat naman ni Kuya Ethan, ang pangalawa sa pinakamatanda.

"Tara na nga botchok. Uwi na tayo. Malamig na ang ulo ni Nanay niyan." sabay hila sa akin ni Kuya Enzo.

Yan ang apat na kuya ko. Si Erold Harvey, Ethan Henry, Enzo Harold at Elliot Hugo. Pangalan kasi ng Tatay ko ay Ernesto at si Nanay ay Heidi. Kaya ang mga pangalan nila ay puro E.H. ang umpisa. At dahil sa babae ako ay H.E naman ang initials ng pangalan ko.

HUNK  SERIES #3: Oo Nga Pala, Walang Tayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon