Hello to MarieLowielynSanchez
Pagdating sa bahay dumerecho ako agad sa kuwarto ko. Humarap ako sa tokador. For the first time napagtuunan ko ng pansin yung nakahilerang mga Hello Kitty na suklay sa ibabaw.
#cttoBinili ni Nanay ito matagal na pero ni hawakan ay hindi ko nagawa. Halos lahat ng effort ay ginawa na ni Nanay para magpakababae lang ako. Pero this time, nangangati ang mga kamay kong damputin ang isa dito at gamitin.
Dahan dahan kong dinampot ang isa. Sinuklay ko ang buhok ko.
Gaano kaya katagal hahaba ito?
Nang mapagmasdan ko ang suot ko.
Ibinaba ko ang suklay at saka pumunta sa kabinet ko. Binuksan ko yun pero hindi ko nakita yung hinahanap ko.
Lumabas ako ng kuwarto at saka tinungo ang kusina.
"Nay?"
Wala akong narinig na sagot.
"Nay?"
Nakita ko itong naghihiwa ng rekado sa lulutuin nito.
"Andyan ka lang pala Nay hindi ka sumasagot. Kanina pa kita tinatawag."
"Eh di naranasan mo nang kausapin na wala kang napapalang sagot."
"Sus... si Nanay naman... di ka pa nasanay sa akin...." nilapitan ko ito at saka inakbayan.
"Hihingi ka na naman ng pera noh? Kaya ganyan mo ko bolahin..."
"Grabe ka naman, 'Nay! Ganun ba ang tingin mo sa kin?" kunwa ay nagtatampo kong sagot.
"O siya. Kung hindi mo kailangan ng pera, anong kailangan mo?" tanong ni Nanay.
"Itatanong ko lang Nay...." lumunok muna ako bago itinuloy ang sasabihin ko, "'yung mga dress na bitbit mo kanina... kung saan mo inilagay. Wala sa kabinet ko, eh."
Nagsalubong ang mga kilay nito.
"At bakit mo tinatanong, Hannah Erin?" taas-kilay nitong tanong.
"W-wala lang! Gusto ko lang i-try kung bagay sa akin..."
Iyong mataas na kilay ni Nanay ay lalo pang tumaas. Inalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nanay at kunwaring nagtampo.
"Iyan ang hirap sa 'yo, Nay. Kanina nagagalit kang ayaw kong isuot. Ngayon namang isusuot ko na ganyan ang reaksiyon mo," nakanguso kong sabi.
"Eh, bakit hindi magiging ganito ang reaksiyon ko? E pinabenta ko na kay Marina yung mga damit mo sa onlibe shop niya. Kesa nakatengga diyan sa aparador mo e di pagkaperahan ko!" nanlalaki ang mga matang sabi nito sa akin.
"'Nay??"
Agad akong tumalikod at saka nagpunta sa kapitbahay namin na si Ate Marina. Nagbebenta online si Ate Marina. Nag- oopisina ang asawa nitong si Kuya Viel pero gusto nilang may dagdag na kita sila siguro dahil sa dalawa na ang anak nila.
BINABASA MO ANG
HUNK SERIES #3: Oo Nga Pala, Walang Tayo
RomanceMula noong bata pa siya maraming nag iisip na tomboy siya dahil mas gusto niya ang maglaro ng larong panlalaki at mas type niya kalaro ang mga lalaki. Nung mag high school siya ay ganun pa din ang tingin ng tao sa kanya. Pero unang kita pa lang niya...