Chapter 2 - Bes

13.9K 321 7
                                    

Hello to lizarosero

"San tayo magla-lunch guys?" tanong ni Mitch.

"Tara! Opening ngayon ng Buffalo Wings dyan sa tapat ng school..." sabat ni Becca.

"Type ko yan!" segunda ni Amy.

"Sa canteen na lamg ako. May baon ako eh," sagot ko naman.

"Ano ba 'yan, Hannah. Two weeks ka nang nagbabaon ah... hindi ka pa ba nagsasawa sa luto ng Nanay mo?" tanong ni Mitch.

"Okay lang... tipid mode ako ngayon eh," sagot ko.

"May pinag-iipunan 'yan! Pustahan tayo!" pang-
aasar ni Becca.

Sa aming apat, si Becca ang pinakamalakas mang-asar.

"At ano naman ang pinag iipunan mo ha, Hannah?" tanong naman ni Amy.

"Wa-wala lang! Tamang ipon lang..."

Iyon lang ang pinakamabilis kong naisip na isagot.

"Pwede ba, bukas huwag ka namang magbaon, para makakain naman tayo dun sa Dok Buffalo Wings?" sabi ni Mitch.

"Okay lang, guys. Sige na. Kain na kayo dun ngayon. Okay lang ako sa canteen. Promise," sagot ko.

"Sure ka Hannah?" tanong ni Amy.

"Oo! Okay lang ako. Sige na. Alis na kayo. Kita na lang tayo mamaya," saka ako tumalikod na para pumunta sa canteen.



PUMILI ako ng puwesto sa pinakadulo ng canteen at saka nag umpisang kumain. This is my plan A. Ako lang ang nakakaalam kung anong plano ko. Nagtitiyaga akong magbaon para makapag-ipon ako. Kahit sa mga barkada ko ay hindi ko kayang sabihin ang balak ko.

Bakit nga ba ako nag-iipon? Balak ko lang naman magpa-rebond. Yes. Rebond. Tama lang na kapag nakaipon na ako ay medyo mahaba-haba na ang buhok ko.

Naiisip ko pa lang ngayon na magpapa-rebond ako ay excited na agad ako!

Mapapansin na kaya ako ni Adam pag na-rebond na ang buhok ko?

Napapangiti pa ako habang sumusubo ng baon kong pagkain nang may tumawag sa kin.

"Bro?"

Tumingala ako para lang manlaki ang mga mata ko sa kung sino ang nakatayo ngayon sa aking harapan.

"A-Adam??"

Naupo ito sa tapat ko. Hindi ko naman alam kung paanong lulunukin agad ang pagkaing nasa bibig ko.

Shet! Ano kayang itsura ko ngayon? Punung puno ang bibig ko. May dumi kaya ako sa mukha?

"Hindi mo ba kasama si Mitch?" tanong nito.

Dali-dali kong inabot yung lalagyan ko ng tubig sa harap ko at saka uminom.

"Sorry ha..." hingi ko ng paumanhin dito.

Napansin kong parang malungkot ito.

"Ano... dun sila kumain sa labas,  eh. May... may baon kasi ako, kaya dito lang ako sa canteen," paliwanag ko kahit hindi naman niya tinatanong.

"Ganun ba? Sige hintayin ko na lang siya dito. May practice si Chad sa basketball, eh. Akona lang ang pinapakuha sa pera niya."

"Ah..."

Gusto ko siyang tanungin kung okay lang siya pero wala akong lakas ng loob. Hindi naman kami ganun ka-close. Isa pa, baka amoy ulam ang bibig ko.

"Mukhang masarap yang adobo mo, ah. Ikaw ang nagluto?"

HUNK  SERIES #3: Oo Nga Pala, Walang Tayo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon