mich's POV
this is it. this is the night na ipapakilala ko na si jia sa parents ko. alam na din nina mama na dadating kami. sabi ko sa kanila kasama ko si jia pero hindi nila alam na ipapakilala ko si jia as my girlfriend.
.
tumigil na ang kotseng minamaneho ni jia. tumingin ako sa kanya. kitang-kita ang kaba sa kanyang kilos. panay ang buntung-hininga at mariin ang pagpikit ng mata. hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak pa rin sa manibela.
mich: relax best. everything's gonna be fine.
jia: sorry ah. hindi ko maiwasang hindi kabahan eh.
mich: sssshhh ill take care of you.
jia: (ngumiti) asahan ko yan best ah?
mich: tara (ngumiti) ahahaha :D
.
habang naglalakad ay hinawakan ko ang kamay ni jia. ramdam ko ang panlalamig nito pati na rin ang panginginig. hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.
.
nagkatinginan na lang kami at ngumiti sa isa't-isa.
.
dahil alam kong kinakabahan si jia ay ako na lang ang nagbukas sa pinto. biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang bisita na nakaupo sa may living room namin.
.
ang taong nang-iwan sakin more than four years ago.
.
ang taong nagbigay sakin ng hindi matatawarang sakit.
.
ang taong nagparamdam sakin na hindi pala lahat ng love story, happy ending.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
mich: queennie.
queennie: hi mich. kumusta ka na?
mich: okay lang. buhay na buhay pa.
queennie: (lumapit kay mich) para sayo.
.
nakita ko ang chocolates na inaabot ni queennie pero hindi ko ito tinanggap. tinitigan ko lang si queennie.
mama ni mich: oh anak. andyan ka na pala. kanina ka pa inaantay ni queennie.
mich: oo nga ma.
mama ni mich: eh yung bestfriend mo, si jia, asan na?
.
pumunta ako sa labas ng pinto kung saan andon si jia.
mich: lika na, hinahanap ka na ni mama.
jia: andyan si..
mich: yeah. she's back.
.
nakita ko na hindi maipinta ang mukha ni jia. kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
REBOUND - Book 1 (JuliArck - JiaMich - MorenDejar )
Fanficano mang pagkakapareho ng mga pangyayari sa tunay na buhay ng mga tauhan sa kwento ay hindi sinasadya. . resulta lamang ng malawak na imahinasyon ng inyong lingkod. . a JuliArck - JiaMich - Morendejar fanfic . . -unbreakablethread