Chapter 2: Fanboys & Fangirls

19 3 1
                                    

Eden's P.O.V.

20 minutes nalang before mag curfew. Kailangan na naming magmadali. Ambobo naman kasi ni Mark eh. Nag stop over pa para umihi. Putulin ko pantog mo eh. Epal.

"Uy. Eden, sorry na." Mark pleaded. Balaha ka. Maaabutan pa tayo ng Curfew. Di ko na siya pinansin. Baka lalo lang akong mainis eh.

"Eden Castillo naman! Kung magalit ka sakin kala mo naman Isang oras akong umihi. Eh halos wisik wisik na nga lang yun eh!" He added.

"Ano ba?! Nag da-drive ako, diba? Bulag ka ba? Gusto mo ba talagang abutan tayo ng Curfew? Ha?" Tanong ko habang seryosong nagmamaneho.

"Bat ko gugustuhin yun? Bobo ka ba?" He asked back. At ako pang bobo? Mapapatay talaga kitang Mark ka! I ignored him and continued driving.

"Eden 10 minutes na lang. Aabot pa ba tayo?" He asked all of a sudden.

"Kailngan nating umabot."

"Pano?"

"Buckle up."

"Wag mong sabihing-"

Di ko na siya pinatapos. I put pressure to the gas. I drove the car till it was 120km/h. It was fine na ganun ka taas since kami lang naman yung nasa kalsada. Medyo tago din kasi yung GGEU eh.

"Eden! Are you planning on killing me?!" Mark shouted. Parang bata.

"Nope."

"Then slow down!"

"Hell no. 5 minutes nalang. And besides, we're near."

"I hate you, Eden!"

"Hate you too."

I continued driving. Isang kilometro nalang ang layo namin sa school. Nakikita ko na yung gate. At may 3 minutes pa kami.

"We're here." Sambit ko habang binabagalan ang takbo. Habang si Mark? Mukhang nabaliw. Tulala. Parang tanga. "Hoy sabi ko nandito na tayo."

"A-alam ko. Wag mong uulitin yung ginawa mo kanina, ah! Parang gusto mo ata akong mamatay eh!"

"Says the guy who promised my mom to protect me."

"Shut up." He faced the window and didn't look back. Ang drama grabe.

"Ma'am Car pass niyo po?" tanong nung guard. Kailangan kasing may Car Pass pag mag pa-park ng kotse dito. Mahirap na baka manakawan or may mangyaring masama sa school. May dorms pa naman dito. Baka pati students madamay.

"Eto po kuya." sabay abot ko sa Car Pass ko.

"Sige ma'am pwede na po kayong pumasok." pagkasabi niyan ng guard ay pinaandar ko na ang kotse ko patungo sa parking. Building kasi yung parking dito. Parang yung sa mall, ganun.

"Thanks for the horrible ride, Asshole." Mark exclaimed as he goes down from my car.

"Welcome, Dumbo." I smiled. Ang sarap asarin tong si Mark. Pikon kasi eh.

"Hatid na kita sa dorm mo." alok ni Mark.

"Wag na. Ano guard?" I chuckled.

"I will not take No as an answer."

"Okay, okay! Gee, kaya ko naman eh."

"Kaya mo nga pero baka magwala na naman yung mga pabibong fanboys mo."

"What the? Fanboys? Kelan pa? They know me as the Dangerous one right? 'Bat ako magkakafans?"

"Ano pala to?" Nilabas ni Mark yung cellphone niya at pinakita sakin yung video. Video yun ng mga nasa basketball team ni Mark na nagche-cheer sakin nung volleyball tournament ko. Normal lang naman yun diba? Support yun sa school! Hindi sakin!

Modern Day MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon