Eden's POV
The class ended with us writing down our assignments and requirements for the class.
"Notebook? Whiteboard? What the hell?" Barbara said with a questioning look on her face. Usually kasi yung mga ganitong bagay ay included na sa tuition fee so di ako magtataka kung ganyan nalang maka-kwestyon tong si Barbara.
"Isn't this included?" tanong sakin ni Daniel.
"Well... Yeah? Actually I don't even know at this point." I chuckled. We continued walking and walking. I don't even know where are we going.
"Guys alam niyo naguguluhan na ako. San niyo ba gustong pumunta kanina pa tayo lakad ng lakad na nanakit na yung paa ko." pagrereklamo ni Barbara. I agreed and sat on the nearest bench. Marami kasing nakakalat na benches around the campus.
"Alam ko na! Gusto niyo bang mag mall?" tanong ni Mark habang umiinom ng tubig. San galing yung tubig ni kups? Parang wala naman siyang hawak kanina ah?
"Oo naman!" sigaw ni Barbara. Mahilig kasi yun sa malling. Minsan nga feeling ko pinaglihi siya sa amoy ng mall eh. Halos araw araw ay nandoon siya.
"Ah... Edi punta ka." pangaasar ni Mark kay Barbara. Hinampas siya ni Barbara at napaaray naman ito sa sakit. Damn ang lutong nun.
"Sige punta tayo sa mall. Bilhin na natin yung mga kailangang materials para di na natin problemahin." Ani ni Daniel habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Aking sasakyan nalang yung gamitin. Gusto ko rin kasi magdrive eh." sambit ko naman sakanya.
"Sasama ba kayo?" tanong ko kaila Mark at Barbara.
"Yup."
"Yas!"
"Edi halika na." at sabay sabay kaming pumunta sa parking area.
"Nice car, Rommie!" sigaw ni Barbs pagkapasok namin sa Kotse. I thanked her and started the engine.
"Uy guys! May bagong restaurant daw dun sa mall! Yung project eat. Maganda daw doon, look!" sambit muli ni Barbs habang pinapakita ang reviews ng resto sa facebook.
"Di ko dala wallet ko." ani ni Mark habang kinakapa ang kanyang bulsa.
"Ayan. Diyan ka magaling. Modus mo talagang iiwanan yung wallet mo para lang di ka magbayad eh." sabi ko kay Mark habang naka tingin sa daan. Baka mabangga kami mahirap na.
"Ako nalang manglilibre." tumingin kaming tatlo kay Daniel atsaka siya nagpatuloy. "Thank you gift na din yun since you all have treated me well kahit bago palang ako sa circle niyo."
"Hulog ka ng langit Daniel!" sigaw ni Barbara habang niyakap niya si Daniel. At yung pagkapronounce niya ng Daniel ay Dan tas niel. Parang pang pilipino. Hindi yung maarteng version.
"Ey I'm not a hugger." Daniel exclaimed as he threw himself off of Barbs embrace.
"We're here." I shouted as we entered the mall and went inside.
"Eto! Eto yun oh!" Barbara excitedly said as we enter the said resto until one thing caught my eye. Red head? I haven't saw one except for my Nana, Johnny, and Mom.
"Mauna na kayo. May titignan lang ako." paalam ko sakanila at lumapit sa Red head na nakita ko.
Pagkalapit ko sakanila nagtatanong sila sa mga taong napapadaan.
"Have you seen this girl?" They asked with a thick Scottish accent. I was about to come near para tignan kung sino yung hinahanap nila at tulungan sila if ever na nakita ko. But as I analyze the picture it became clearer. It was... Me. When I was 12. The same picture on my Nana's pendant that I gave to her as a gift. They're here. They came.
BINABASA MO ANG
Modern Day Monster
General FictionStory of a girl wanting to hide her identity from the world. Hide her powers... Herself. Will she be able to hide that little secret of her's forever? Or will it unfold like a blomming flower?