Nakarating na ako sa bahay. Sinalubong ako ng mommy ko.
"Nak? Okay ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?"
"'My, 'di mo ba nakikita 'tong mga galos at pasa ko dito sa mukha ko?"
Di nakapagsalita si Mommy. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko, at paghiga ko, buntong-hininga kong isinalampak ang aking mukha sa unan ko.
"Mmyvoko nmmmvvv"
(Ayoko naaaa.)Bumangon ako at pilit kong inabot 'yung cellphone ko.
"Nak nang. Nasaan na naman yung punyetang cellphone ko?!"
(sorry for the cuss.)
"Juskupo. Nandito lang pala sa may sulok nakacharge. Saglit lang. Naiwan ko pala 'to ah. Hahaha."
Tiningnan ko kung may tumawag, may nagtext o may nagchat sa'kin.
"Si...Janine?"
I was surprised nung nakita ko na nagchat sya sa'kin. It seems like she's so worried about me.
*Messenger*
"Okay na'ko Janine. Salamat sa pag-aalala."
"Sure ka kuya ha, ayoko na nagtatago ka sa akin."
"Hala, bakit naman ako magtatago sa'yo? Bestfriends tayo ah."
"Alam ko yun kuya. Sorry kung makulit ako ha."
"Ano ba, 'wag ka mag-sorry. Ako 'tong walang pakialam sa nangyayari at sa nararamdaman ko eh."
"Sinisisi mo naman sarili mo kyah. 'Wag ganyan kyah."
"Sorry na po, Janine."
"Eto naman si kuya eh. Ay sya kuya, I need to go na. Tawag na ako ni mama."
"Oh sure. Bye."
I turned off my phone. Humiga ulit ako, at nagbuntong-hininga. Ramdam ko pa rin yung kirot ng mga pasa sa sugat ko sa mukha ko.
Kinatok ako ng mommy ko.
"Nak? Okay ka lang ba? Halika, kain na tayo, niluto ko yung paborito mo."
"Opo, my. Saglit lang po."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko habang kumakain ng paborito kong Sinigang na Baboy. Parang saglit kong nalimutan ang problema ko.
"My, thank you po."
"Walang problema 'nak. Teka lang, kukuha ako ng basang towel at planggana."
Habang pinupunasan ng mommy ko yung nga pasa ko, doon ko lang naramdaman yung pagmamahal ng isang nanay. Naisip ko tuloy yung mga araw na nagalit ako sa mommy ko.
"My, sorry po ah."
"Bakit anak?"
"Eh naalala ko po kasi yung mga nakaraang nangyari, na-guilty po ako sa mga ginawa ko."
"Okay lang anak. Alam ko naman na pagod ka lagi galing sa school. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon mo."
"Basta sorry po mommy. I love you po."
"I love you din, anak."
Hinagkan ko ang mommy ko ng mahigpit. 'Di ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko.
"My, pahinga na po ako, pagod na po ako eh."
"Okay anak. Good night."
Pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip.
Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Janine...
"Hello? Janine?"
"Oh yes, kuya! I just want to say na masaya na ako dahil okay ka na."
"Ay. Di mo naman kailangang mag-alala sa'kin. Okay na nga ako. Hahaha."
"Kuya kita, so bakit di kita aalalahanin?"
"Sus. Pagkasweet naman nito. Hahaha."
"It's normal for me, kuya. I'm a sweet girl. Kaya masanay ka na."
"Masasanay din ako sa'yo. Hahaha. O sya, I'll sleep na, take care ha, Good night!"
"Good night kuya!"
...
Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko.
"It's...5:30 am? Too early for a Saturday."
Tumayo ako sa kama ko... As in literal na kama. Inabot ko yung keyboard ko na nasa ibabaw ng cabinet ko. Naisip ko kasi na maybe I should play my keyboard since wala namang pasok ngayon.
"Hmm. What song should I play? Maybe Canon or Turkish March? Or maybe OPM songs? Wait, Can't Help Falling in Love na lang kaya?"
Well I enjoyed it. Nagsimula na akong magkaroon ng interest sa pagplay ng piano. I am already complete on playing Can't Help Falling in Love. Actually nakakarelate ako dun. Share ko lang.
Tumayo na ako at lumabas para maghilamos. Nakita ko si mommy na nagluluto.
"Good morning, 'my.'
"Good morning 'nak. Okay na ba pakiramdam mo?"
"Opo. Magaan na naman po."
"Good. Bumili na ako ng gamot mo dyan sa sugat mo, para mabawasan yung sakit ng pasa at sugat mo. Nagpunta na din ako sa school nyo. For expulsion na daw sila."
"Nako 'my. Dapat 'di na lang kayo nag-abala. Pero, thank you 'my."
"No problem, 'nak"
Pagkatapos kumain, nagpaalam ako sa mommy ko na magma-mall muna kami ng mga tropa ko, dine-out kumbaga. She nodded and pinayagan nga nya ako. (yay!)
(Habang nasa daan...)
*Phone ring*
"Oh, Aliesha, 'san na kayo?"
"Uhm. Nandito sa mall. Ikaw ba? Antagal mo eh. Dalian mo, gutom na ako."
"Asus. Baka tumaba ka nyan sa gutom. Hahaha."
"Basta dalian mo! Naghihintay kami dito."
"O sya, inform ko na lang kayo 'pag nandyan na ako."
"Sige. See you soon."
Nakarating na ako sa entrance ng mall. Pansin kong pinagtitinginan ako ng tao dahil sa mga sugat ko sa mukha. 'Di ko na lang sila pinansin.
"Oyyy, Reaven! Anyare sa'yo ha?"
"Huwaw, Aliesha. 'Di mo ba alam yung nangyari?"
"FYI, absent ako noon, so pa'no ko malalaman yung real story?"
"Ah, absent ka pala. Oh nasaan na yung mga damuhong yun?"
"Ayun nasa Starbucks, hinihintay ka."
"Tara."
"Huy, Reaven! Ayos ka na pre?"
"Okay naman ako Keith. Ano, nagdadate na naman kayo ni Laika ano?"
"Sus. 'yan? Aba, syempre. Labs ko yan eh."
"Ugh. Kakabitter ha. O sya may bibilhin muna ako sa department store ha. Date muna kayo dyan, babalik agad ako. Tara Aliesha."
"Reaven? Pansin ko, lagi kayong nag-uusap ni Janine ah. Yieee, kayo na ba?"
"Sus, malabo. At, ambata pa namin oh. At, Grade 9 lang sya oh."
"Age doesn't matter. Ligawan mo na kaya."
"Asa. Ayoko. Studies muna inaatupag ko. Tsaka na yang lovelife na yan."
"As you wish, master. Nasaan kaya 'yung Janine na 'yun? Baka nag-mall din sya ano?"
"Malabo. Hahaha. Stay lang yun sa bahay nila. Besides, 'di naman 'yun laging gumagala."
Napatigil ako sa paglalakad... May nakita ako sa malayo. Pamilyar... Si Janine...
"Oh, si Janine oh!"
Si Janine nga...
YOU ARE READING
Lollipop of My Life: Book 1
أدب المراهقينReaven, a friend of Janine, were bestfriends starting from their highschool years. Reaven had this feeling that he's inlove with Janine. The story goes on the mindset of these individuals.