Chapter 7: Shield

13.5K 449 4
                                    



Nag intay na lang ako na tumama sa akin ang magiging impact na mangyayare at dahil wala na akong magawa ay pumikit na lang ako pero ilang sandali pa ay wala parin akong naramdaman sa inaasahan kong pagtama sa akin nung lalakeng tumatakbo at parang walang nagbago sa paligid, agad kong idilat ang mga mata ko at doon ako nagulat sa nakita ko

Nakita ko ang lalaking tumatakbo kanina na nakahiga sa semento na may iniinda na sakit sa katawan, kung kanina ay isang galaw ko na lang ay tatamaan na niya ako dahil sa kanyang pagtakbo pero ngayon ay nakahiga siya sa semento at malayo sa kinatatayuan namin ni Frena, napansin ko ang mga studyanteng mga nasa paligid na may gulat sa kanilang mga mukha dahil sa nasaksihan nilang pangyayari.

Mas lalo pa akong nagulat at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makita kon may shield sa harapan ko na gawa sa tubig na parang may dumadaloy na enerhiya dito dahil kitang kita mo iyon sa pag kislap ng mga ito sa loob ng tubig

Nagulat na lang ako ng biglang pumutok at nawala ng parang bula  ang shield na nasaharap ko at kasabay noon ang isang sigaw na narinig namin sa isang teacher na paparating sa pwesto ko....nakita ko rin na tinulungan ng dalawang studyanteng kasama niya yung lalake na nakahiga sa semento

"MS.HADLEY GO TO THE DETENTION OFFICE NOW?!" sabi sa akin nung teacher pag kalapit na pag kalapit sa akin,magpapaliwanag pa sana ako pero naisip ko na huwag na lang magsalita muna dahil hindi ko rin naman alam ang nangyare kanina at paano ito ipapaliwanag sa kanila

Nasa loob na kami ng detention office,nandito ako kasama yung teacher na nakakita sa pangyayari kanina habang nasa harapan naman namin ang dalawang lalake at isang babae na nakaupo sa kanilang mga upuan na gawa sa hindi pang karaniwang mga materyales.

Simula pa kanina ng pumasok kami dito ay kanina pa rin walang umiimik sa aming lahat at kinakabahan na rin ako sa mga pwedeng mangyari,diretsong tinitingnan lang nila ako kaya hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko.


At sa wakas ay may nag salita na rin sa aming lahat....


"I'm Raymond Aquino one of the Head in this Detention Office so Ms.Hadley care to explain what Miss Bertwood witnessed in the hallway" dire-diretsong sabi sa akin ni Sir Aquino sunod-sunod naman ang nagawa kong paglunok dahil kinakabahan ako at sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin at isa pang dahilan,dahil sa buong pag aaral ko ay ngayon pa lang ako na detention at ni minsan hindi pa ako nakakapasok sa loob ng detention office!

Kaya sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon sabihin na rin natin na bago palang ako dito sa Academy at ilang araw palang ang nakalilipas simula ng dumating ako dito at ganito pa ang mangyayari @___@!!!!

Isa lang ang paraan para malaman nila ang buong nangyari at hindi na nga ako nagpaligoy-ligoy pa at ikinuwento ko na sa kanila ang lahat...

"Kasi po Sir nag lalakad po kami ng kaibigan ko sa hallway papunta ng classroom ng may narinig na lang po kaming sumigaw sa likod ko,pero huli na po ng marealize ko po na tumatakbo po siya ng sobrang bilis papunta po sa direktsyon namin hindi po ako nakakilos dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko at ilang segundo na lang ay tatama na siya sa kinatatayuan ko kaya inilagay ko na lang po ang dalawa kong kamay sa harapan ko at ipinikit ang mga mata ko kahit na alam ko po na wala naman pong magagawa iyon para moprotektahan ako sa lalakeng tumatakbo papunta sa direktsyon ko at alam ko naman pong hindi ko ito mapipigilan kaya inintay ko na lang po siya na tumama sa akin at Nagulat na lang po ako sa mga sumunod na nangyare nasa sahig na po yung lalake na nakahiga sa semento habang dumadaing sa sakit na naramdaman niya nang idilat ko po ang mga mata ko" paliwanag ko sa kanila kasi ayon naman talaga ang nangyayari kanina pati nga rin ako ay nagulat na lang din sa nangyare at hindi ko rin inaasahan na may isang shield na gawa sa tubig na dinadaluyan ng kuryente ang biglang lumabas sa harapan ko.


Nakita kong nag tinginan muna  silang tatlo pati narin si Miss Bertwood na akala mo ay nag kakaintindihan sila sa isa't isa sa pamamagitan lang ng pag tingin nila.

Matapos silang mag tinginan o mag usap gamit ang pag tingin nila sa isa't isa ay tumingin sa akin yung isang matandang babae at ngumiti at medyo naguluhan ako sa pag ngiti niya sa akin

"Well Ms.Hadley it's okay alam naman namin na hindi mo iyon sinasadya by the way I am Miss Palmer SanDiego you may go to your classroom now and WE know that it's just a misunderstanding" naka ngiti parin niyang sabi sa akin at kahit naguguluhan ako sa sinabi niyang "misunderstanding" ay tumayo na ako at nag sorry ulit sa kanila bago ako bumalik sa loob ng classroom.


Pagpasok ko sa loob ng class room ay napansin kong tapos na pala ang lesson namin na History,inilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom para hanapin si Frena pero hindi ko siya mahanap,nakita ko naman na napatingin lahat ng kaklase ko sa akin at nag bulong-bulungan,nagulat na lang ako ng may lumutang na mga papel sa hangin sa harapan ng mga kaklase ko at sabay sabay iyong tumama sa akin.

Hindi ko magawang umiwas dahil hindi ko alam kung bakit nila ako pinagbaba-bato dahil wala naman akong alam na dahilan para magalit sila sa akin at gawin ito

Napayuko na lang ako dahil hindi ko makuhang umalis sa kinatatayuan ko,dahil na rin sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng classroom pero hindi ko magawang tingnan kung sino iyon dahil naka yuko parin ako hanggang ngayon

Biglang naramdaman ko na tumigil sila sa pambabato nila sa akin at pati na rin ang pag babago ng temperatura sa loob ng classroom naramdaman ko na rin ito ng pumasok si Colleen dito sa classroom kasama si Princess noong pag papakilala,pero napansin kong hindi siya ang pumasok dito sa loob ng class room ngayon dahil nalang din sa mga reaksyon ng mga kaklase ko parang..kinakabahan..natatakot dahilan para makadagdag pa ito ng kaba sa nararamdaman



Huminga ako ng malalim bago ko itaas ang ulo ko at tingnan kung sino ang taong may kagagawan nito.

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon