Chapter 54: Her Fall

2.3K 90 0
                                    



~•~
MOON KINDOM

"Celene! May ipapakita ako sayo!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko siyang nakatungtong sa isang ulap. Mula sa ulap na tinutungtungan ko ay tumalon ako sa katabi nito at tumalon talon pa hanggang sa makarating ako sa kanyang pwesto.

"Ano yung ipapakita mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Lumingon siya sa akin at ipinatong ang kanyang dalawang kamay sa mag kabilang balikat ko.

"Gusto mong makita ang buong kaharian diba?" Nanlaki ang mata dahila sa sinabi niya. Ibig sabihin ipapakita niya sa akin ang matagal ko ng gustong makita!

"Humawak ka sa akin ng mabuti." Nakangiti niyang sabi sa akin. Inalis na niya ang pag kakapatong ng kamay niya sa balikat ko at naupo sa ulap. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang isang kamay niya.

Ipinatong niya ang isang kamay niya sa ulap na inuupuan namin. Unti unting lumutang ito papataas hanggang sa malagpasan namin ang lahat ng ulap na nakapaligid sa buong kaharian.

"Ang ganda!" Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng tanawin na nakikita ko ngayon. Ito na ang matagal kong gusto, ang makita ang buong kaharian habang nasa itaas ng kalangitan. Hindi kami pinapayagan nila Ama at Ina dahil masyado daw mapanganib, maari daw kasing may mga kalaban na nag babantay sa paligid ng kaharian at nag hahanap lang ng pag kakataon na sumalakay.

"Isang malaking pasasalamat dahil sa ginawa mong ito sa akin!" Masayang sabi ko sa kanya. Narinig namin ang pamilyar na pag tugtog ng trumpeta. Nagkatinginan kaming dalawa at alam kong iisa lang kami ng iniisip.



"Celene. Saan kayo nag puntang dalawa?" Tanong ni Amang Hari sa amin. Napatingin lang ako sa kanya at napangiti.

"Ito ang araw na pinaka hindi ko malilimutan sa lahat!" Nakangiting sabi ko kay Ama. Nagkatinginan silang dalawa ni Inang Reyna.

"Helēnoirē. Hindi ba't sinabihan na namin kayo na huwag kayong lalayo sa kaharian?" Malumanay na sabi ni Ina at lumapit kay Helē.

"Paumanhin Ina. Gusto ko lang maging masaya si Celene." Sabi ni Helē at napayuko. Napabuntong hininga si Ina at binuhat si Helē. Hinalikan niya ito sa noo at ngumiti dito.

"Sa susunod mag papaalam kayo kung saan kayo pupunta para alam namin kung nasaan kayong dalawa. Huwag niyo na ulit gagawin ang ginawa niyo. Hindi namin alam ang gagawin namin kung mawawala kayo sa amin." Niyakap niya si Helē ng mahigpit at ganoon din siya.

Lumapit sa akin si Ama at binuhat ako sa kanyang bisig. Hinalikan niya  ako sa aking noo at niyakap. Pumasok na kami sa loob ng kaharian habang ako ay buhat ni Ama at si Helē naman ay buhat ni Ina.



"Naalala mo nanaman siya Goddess Celene?" Narinig kong tanong ni Zanelophia na nasa aking tabi. Napangiti ako habang nakatingin ako sa larawan namin ni Helē na nakangiti habang mag kayakap.

"Walang oras na hindi ko siya naisip at kahit kailan hinding hindi ko siya makakalimutan." Sabi ko sa kanya.

Parang may biglang presensya akong naramdaman. Napatingin ako kay Zanelophia na ngayon ay nag liliwanag ang kanyang dalawang mata. Agad na lumapit ako sa kanya at ang pamilyar na pakiramdam ang aking naramdaman.

"Anong nangyayare? Ano ang nakikita mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya at ang maaaring maging sagot niya sa aking tanong.

"Alice. May masamang nangyayare kila Alice at sa mga Guardians sa mundo ng mga tao." Kasabay ng pag kasabi nito ay nawala ang ilaw ng kanyang mga mata. Nag aalala siyang tumingin sa akin.

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon