Chapter 15: Death Blue Lagoon [part 2]

11.2K 416 6
                                    



Frena's POV

Hindi parin kami makapaniwala sa nangyari. Ang bilis naman ata. Parang kakakilala ko palang kay Alice tapos....tapos....wala na siya? Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nangyari.

Ng makatayo ako sa pagkakaluhod ko sa lupa ay agad kong nakita ang Forbidden Sisters na naka alalay sa isa sa kanilang kasamahan na ngayon ay nagkaroon na ng malay. Lumapit ako sa kanilang pwesto at habang papalapit ako sa kanilang pwesto ay narinig kong nag salita yung nawalan ng malay."Anong nangyare?" pero nanatili lang tahimik ang dalawang umaalalay sa kaniya habang nakayuko.

Dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko ay agad ko silang pinaikutan ng nagbabaga at napakainit na apoy. Halatang nagulat sila sa ginawa ko at ganoon rin ang mga kasamahan kong sila Colleen at ang iba pang mga Guardians.

Bigla naman akong napalibutan ng makapal at itim na usok kaya hindi ako makagalaw at alam ko na nanggagaling sa gilid ko ang tanong may gawa nito. Sino pa ba ang may charm na ganito edi si Edward! Pumunta siya sa harapan ko at nagsalita. "Frena I'm sorry. Ako talaga ang nagsabi sa kanila na takutin si Alice dahil sa ginawa niya kay Jacob. Kaya huwag mo silang idamay dito." Diretsong sabi sa akin ni Edward at hindi ko alam kung bakit napangisi ako pagkatapos ng sinabi niya sa akin.

Mas lalo pa silang nagulat sa sunod kong ginawa dahil mas lalo ko pang pinainit ang apoy na nakapalibot sa Forbidden Sisters na hanggang balikat na nila ang taas nito. "Sabihin mo nga sa akin Edward kung ano ang ginawa sayo ni Alice?" Sabi ko dito pero napayuko na lang siya at hindi nakasagot.

Bigla nalang nawala ang nakapalibot sa akin na makapal at maitim na usok. Tiningnan ko si Edward pero nakayuko parin siya habang nakatayo sa harapan ko."I'm sorry Frena" biglang sabi ni Edward habang nakayuko parin siya. Tiningnan ko ang Forbidden Sisters na alam kong init na init na sa loob ng ginawa kong pagkulong sa kanila gamit ang charm ko na apoy.

May humawak sa kanang balikat ko at ng lumingon ako sa likod para makita kung sino iyon ay nakita kong nakatingin sa akin ang walang emosyon na si Cole. Agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin sa akin. Unti unti akong humarap kung nasan ang Forbidden Sisters agad kong binabaan ang level ng charm ko hanggang sa tuluyan na nga itong mawala.

Agad namang lumapit sa Forbidden Sisters si Colleen at itinali ng lubid na gawa sa ugat ng puno para hindi makatakas kahit anong mangyari dahil hindi parin sila makakatakas sa ginawa nila kay Alice.


Sa hindi naming lahat na inaasahan ay biglang humangin ng malakas,unti unting yumayanig ang lupa,ang mga bato ay unti unting nagsisilutangan sa ere pero ang mas ikinagulat naming lahat ay ng biglang umangat ang tubig na nagmumula sa loob ng Death Blue Lagoon at nahati sa dalawang magkabilang gilid kasabay nito ang paglutang ni Alice sa ere habang nakatayo pero nakapikit ang kanyang mga mata.

Mas lalo pang humangin ng malakas at nagulat kami ng idinilat na ni Alice ang kanyang mata na parehas na kulay
blue-green kasabay non ay ang isang puting liwanag na lumabas sa kanya hindi kami makapaniwalang lahat sa nakikita namin.

Naramdaman naming lahat ang kakaibang presensiya na nag mumula sa liwanag na nanggagaling kay Alice ay agad kaming gumawa ng shield para maprotektahan ang bawat isa,agad na pumunta si Colleen sa Forbidden Sisters at doon gumawa ng shield gawa sa ugat ng puno pero nagulat kaming lahat sa kakaibang lakas ng enerhiya na kasama ng liwanag ay nabasag ang shield na mga ginawa namin.

Tumilapon kaming lahat sa pwesto namin kasabay ang mga naputol na sanga at ibang mga nahugot na puno sa ilalim ng lupa at ang mga batong kaninang nakalutang sa ere


Napahiga kaming lahat sa lupa matapos naming tumilapon sa lakas ng pagkakatama sa amin nung enerhiya na ng galing sa liwanag na nanggagaling kay Alice. Naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko habang nakahiga sa lupa,maya maya lang ay tinulungan akong makatayo ni Colleen at nakita kong nakatayo na rin ang iba mula sa pag kakahiga sa lupa.

Nakita kong papalapit sa amin si Nathan kasama si Cole na buhat buhat si Alice na walang malay. Agad akong lumapit dito at nakita ko ang mga sugat at pasa nito sa katawan.

Hanggang sa may naramdaman akong lumapit din sa amin at ng tiningnan ko kung sino iyon ay ang mga nakayuko na Forbidden Sisters.

"Patawad Frena sa nagawa namin" sabay sabay nilang sabi sa akin habang nakayuko parin.


Maya maya ay bigla na lang tumaas ang mukha nung isa sa mga Forbidden Sisters yung nawalan ng malay. "Patawad Frena sa nagawa ko pero gusto kong sabihin sa iyo na wala akong maalala sa nangyari kanina.

Habang ikinukwento sa akin nila Layla at Lala kung ano ang ginawa ko daw kanina kay Alice ay hind sila makapaniwala. Pero!! Maniwala ka sa akin Frena hindi ako yun!! Patawad talaga!" Nakayukong sabi nito sa akin pero bumuntong hininga na lang ako at hindi ko na sila pinansin at humarap na lang ulit ako kay Cole.

"Lumabas na tayo dito sa Enchanted Forest at baka malaman pa ni Madam Hawkins ang nangyari" sabi ko sa kanya at tanging tango lang ang isinagot nito sa akin.

Nag lalakad na kaming lahat ngayon palabas ng Enchanted Forest at simula pa kanina walang nagsasalita sa amin kahit ni isa ng bigla na lang nagsalita si Cole.

"Forbidden Sisters kakausapin ko kayo mamaya sa Headmistress Office kasama ka rin Edward dahil may kinalaman ka rin sa lahat ng nangyari" mahinahon na salita ni Cole at nauna sa pag lalakad habang buhat buhat parin si Alice na wala paring malay hanggang ngayon at kasama si Nathan at Jackb.

Hindi nalang sumagot ang Forbidden Sisters at narinig ko namang bumuntong hininga na lang si Edward. Bigla ko namang naramdaman ang pag hawak ni Colleen sa braso ko at nginitian ako siguro naiintindihan din naman siguro ako ni Colleen kung bakit ako ganito.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya habang napansin ko naman na parang wala lang kay Princess ang nangyari habang nag lalakad siya. Tahimik naman na mag kasama si Sebastian at Prince na hindi parin makapaniwala sa nangyari kanina pati rin naman ako hanggang ngayon hindi parin makapaniwala sa nangyari kanina.


Ng makarating na kami sa labas ng Enchanted Forest ay hindi namin inaasahan na sasalubong sa amin ang buong studyante/charmers ng Enchanted Academy kasama si Madam Hawkins at ang ibang mga Head Admins sa amin.

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon