Chapter 32: War Is Coming

8.9K 287 1
                                    



Frena's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pag sara ng pintuan ng kwarto namin ni Alice agad kong idinilat ang mata ko nguni't dahil sa madilim ay hindi ko makita ang paligid. Tumayo ako at binuksan ang lamparang nasa tabi ng kama ko kaya nag karoon ng kaonting liwanag,tiningnan ko ang kama na ilang dipa ang layo sa akin ng makita kong wala si Alice sa higaan niya. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto para hanapin si Alice sa sala nguni't hindi ko parin siya makita kaya lumabas na ako ng dorm namin.

Pagkalabas ko ng dorm at agad kong sinara ang pinto at tumingin sa malawak at madilim na pasilyo.

Nakita ko kaagad si Alice na nag lalakad papalayo agad ko naman siyang sinundan para malaman ko kung saan siya pupunta nguni't ilang hakbang palang ang na ihahakbang ko ng biglang may narinig akong ingay na nag mumula sa loob ng dorm namin.

Agad akong pumasok ulit sa loob ng dorm namin at nagulat ako sa nakita ko isang taong nakasuot ng itim na damit na sumasayad sa sahig habang nakasuot din ang itim na hood nito sa kanyang ulo. Hindi ako nag kakamali sa aking nakikita! Nagmula ito sa Dark World!

Agad akong nagpalabas ng mga punyal na gawa sa apoy at ibinato sa kinaroroonan nito. Hindi nito kaagad naiwasan ang mga punyal na ibinato ko kaya't tinamaan siya nito at naglaho ng parang bula. Nagulat ako ng biglang may lumitaw sa aking harapan,limang mag kakatulad ng damit na suot na itim na hanggang sahig na may itim ding mga hood na nakasuot sa mga ulo nito.

Agad ko silang pinatamaan ng maraming mga punyal na gawa sa apoy. Iwas lang sila ng iwas habang ako naman ay bato lang ng bato ng mga punyal na gawa sa apoy sa kanila. Dahil sa dami ng mga punyal na pinapalabas ko gamit ang charm ko ay tinamaan ko ang dalawa sa kanila at naglaho sila ng parang bula.

Tiningnan ko naman ang tatlo pang natitira at napangisi ako ng makita ko silang mga nakatingin ng masama sa akin. Bigla nalang humangin ng malakas dito sa sala kung saan nagaganap ang pakikipaglaban ko sa mga taga Dark World. Nag hawak hawak ng kamay ang tatlong natitirang taga Dark World at tumingin sa akin ng walang emosyon kasabay ng biglang pagputi ng mga mata nito.



"Magandang gabi sa iyo Guardian.."



Sabay sabay na pag kakasabi ng tatlong taga Dark World habang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na iyon. Ang boses ng Dark Queen!

"Dark Queen! Anong kailangan mo!?" Galit na galit na tanong ko sa kanya kasabay ng biglang pag balik ng isang alaala na hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap. Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa kapatid ko! Kinuha nila ito dahil sa inaakala nilang ang kapatid ko ang nag mamay ari ng pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Celestial World.



"Alam ko namang alam mo na kung ANO ang kailangan ko at kung SINO ang kailangan ko."



Pag kasabi niya noon ay mas lalo akong nagalit agad agad akong gumawa ng isang higanteng apoy na bola at handa ko na itong ibato sa tatlong taga Dark World na nasa harapan ko ng nagsalita silang muli. Hinding hindi ako makakapayag na pati ang kaibigan ko ay idadamay nila! Hindi ako papayag na kuhanin nila si Alice!



"Huwag kayong mag-alala konting panahon nalang at mapapasa akin na ang buong Celestial World! Hahahahaha!"



Pag kasabi niya noon sa pamamagitan ng pag kontrol niya sa tatlong taga Dark World na nasa harapan ko ay agad siyang tumawa ng nakakakilabot,agad kong ibinato ang higanteng apoy sa tatlong taga Dark World na nakatayo parin habang mag kakahawak ng kamay habang tumatawa pa din ng nakakakilabot sa harapan ko at tuluyan na silang nag laho ng parang bula.

Nakita ko ang naging epekto ng pakikipaglaban ko sa mga taga Dark World na pumasok dito sa Dorm namin ni Alice. Nag aapoy ang ibang bahagi ng sofa, nabasag ang ibang vase na may lamang bulaklak pati ang mga papel na nakakalat sa sahig.

Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita ko, kukuha na sana ako ng tubig para patayin ang apoy ng isang nakakasilaw na puting liwanag ang bumalot sa buong paligid.

Ilang segundo lang ng nawala na ang nakakasilaw na liwanag sa paligid at nagulat ako ng makita kong ayos ang lahat na gamit dito sa loob ng dorm. Hindi man ako makapaniwala kung paano ito nangyari pero alam ko kung kaynino nanggaling ang kakaibang Liwanag na iyon. Kay Alice!

Agad akong napatakbo palabas ng dorm namin ni Alice at agad na sinundan ko kung saan nanggaling yung Liwanag na iyon. Palabas pala akong ng charmer's dorm namin ng matanaw ko si Nathan napapalapit sa akin,ganoon din ng makita ko si Cole na kasabay niyang maglakad na nasa gilid niya habang buhat buhat ang isang babaeng walang malay.

"Alice!!" Agad agad akong tumakbo papalapit sa kanila at ng makalapit na ako ay kitang kita ko ang mga sugat at pasa nila Cole at Nathan sa mukha pati narin sa mga braso nila. Bumaba naman ang paningin ko kay Alice na ngayon ay walang malay habang buhat buhat ni Cole.

"Anong nagyari sa inyo? Kay Alice?" Tanong ko sa kanila,napatingin si Nathan kay Cole na nakatingin naman ito kay Alice na walang malay habang buhat buhat niya ito. Ilang segundo ang lumipas ng nagsalita si Nathan kaya napatingin ako sa kanya.

"Kailangan na muna nating ihatid si Alice sa dorm niyo Frena at doon na namin sasabihin sayo kung ano ang nangyare." pag kasabi noon ni Nathan ay bigla na lang ako napailing kaya napakunot ang noo ni Nathan at si Cole naman ay nakatingin lang sa akin ng diretso.

"Bakit Frena?" Tanong sa akin ni Nathan. Napatingin muna ako kay Cole at kay Alice na walang malay habang buhat buhat niya bago ako bumuntong hininga at tumingin ulit kay Nathan.

"Ngayon lang ay pinasok ng mga alagad ng Dark World ang dorm namin bago ako lumabas para hanapin si Alice." Nagulat si Nathan sa sinabi ko habang si Cole naman ay nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa akin.

"Anong ginawa nila?!" Tanong ni Nathan sa akin at kitang kita ko sa kanya kung paano niya pinipigilan ang galit niya.

"Hindi ko alam kung ano ang talagang balak nilang gawin pero alam ko kung bakit sila pumasok sa dorm namin. Dahil kay Alice. May sinabi din siya sa akin bago ko silang tapusin lahat."

"Sinong siya?" Tanong ni Nathan sa akin.

"Ang Dark Queen." Sabi ni Cole bago ko pa masagot ang tanong sa akin ni Nathan.


"Sa tingin ko ay pahiwatig na ito na malapit ng magsimula ang labanan sa pagitan ng Celestial World at ng Dark World." Diretso kong sabi sa kanila habang lahat kami ay napatingin kay Alice.

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon