#3.75

14 12 0
                                    

K I N A B U K A S A N

Nagulat ako pagkagising kinaumagahan ng magkayakap kami ni Nanay sa aming hinihigaan, sa aking kama. Naiatras ko agad ang ulo ko ng napagtanto kong sobrang lapit namin sa isa't isa. At dahil sa ginawa ko'y mukhang naalimpungatan yata siya. Naipikit ko agad ang mata ko ng wala sa oras. Nahigit ko pa ang hininga ko ng maramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko't hinalikan ang noo.

“Morning, sweety…”

'Di ako sanay ng ganito. Tuod nga akong nakatulog kagabi dahil 'di talaga ako sanay na katabi si Nanay na makatulog sa isang kama. Noon pa siguro oo. Pero nasanay na akong ako na lang mag-isa dahil dito na nila ako sinanay.

“I know you’re already awake. Gumagalaw-galaw iyang mga mata mo. Bahagya pa itong tumawa kaya naman naisubsob ko ang mga kamay sa mukha ko. “You’re cute, sweety.”

“‘N-nay, this is awkward…” nahinto ang paghaplos ni Inay sa buhok ko at bahagya na lang hinawakan ang braso ko't lalo't linapit sa kaniya kung saan naisubsob ko ang mukha kong natatakpan pa rin ng kamay ko sa pagitan ng dibdib at leeg niya.

“You need to get used to it, sweety… kailangan mong masanay. From now on I will always be like this. I will be mother to you na. Kung saan nakaligtaan ko noon. I’m sorry…” aniya sa may bandang buhok ko habang hinahaplos ang likod ko.

“‘Nay, please. Tell me… why now?”

Ssshhh… get up. Time for breakfast.” sabay tanggal ng kumot na tumatakip sa aming katawan.

“‘Nay—”

Maligo ka na’t bumaba rin pagkatapos.”

Bumangon siya't nilingon muna niya ko bago lumabas ng silid pagkabukas niya ng pintuan.

Ilang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko pinuno ng hangin ang baga bago ko maisipang bumangon na't dumiretso sa banyo para makapagligo't makapag-ayos na rin ng sarili.


“…LET’S ask her what she want, Eumee. Pink? Nah! That's too childish… let her decide for what she want.”

Nabungaran kong saad ni Tatay habang lumalapit akong kausap si Nanay sa hapag-kainan. Pagka-upo'y naibaba na rin niya ang pamunas na ipinampunas niya sa may bukana ng labi niya.

“So, Tshaz your debut is on next month. What’s your exactly plan? Or do you have?”

Napabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa habang sinasalinan ni manang ng four season juices ang baso ko.

“Ah… eh…”

“You haven’t plan yet? Jesus, Tshaz. It’s your birthday celebration but—”

I cut him off. “‘Tay, hindi sa gano’n—”

“Then what?…” inilahad pa niya ang magkabilaang kamay sa mesa.

“I want a simple preparation one, ‘Tay. Family gathering. ‘y-‘yong tayo lang…”

I want a simple one. Simple. Aanhin ko naman ang engrandeng okasyon kung ang atensiyon ng mga magulang ko'y hindi sa akin kundi sa bisita mismo na alam kong mga kasosyo lang naman nila. I want us. Just the three of us. Mahirap ba 'yong ipaintindi sa kanila? O 'di nila ako maintindihan dahil ayaw nila akong intindihin? Sila ang gusto kong makasama sa special na araw kong iyon. Hindi ang kahit na sino dahil SILANG DALAWA mismo. Okay lang naman kung si Zsa dahil kaibigan ko naman iyon pero 'di eh, araw-araw ko ng nakakasama ang babaeng 'yon kaya sana kung pwede sila naman.

Love At Tuldok #WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon