#4

15 10 0
                                    

NAGDAAN ang mga araw na normal lang.

Dito nga si Itay pero ang presensiya niya'y wala naman sa amin. Naroon sa office niya dito sa bahay, tutok sa laptop at hawak ang mga papeles magkabilaan sa kaniyang mga kamay.

Buti na lang 'di ganoon si Inay. Talagang pinaghahandaan ang nalalapit kong kaarawan kung asaan ang sinasabing debut ko.

Kahit anong pilit kong huwag ng engrande ay hindi ko talaga sila mapigilan. Hindi naman sa nagtitipid ako. 'Di lang ako sanay sa mga maraming tao. Nasanay akong mag-isa. Ang aso at si Zsa lang nakakasama ko at nakakausap. May kalimitan pa nga iyan minsan.

Sa mga galawan ni Inay ay talagang nakakailang. 'Di ako sanay. Pero lagi niyang pinapaalala na masanay na raw ako.

Every morning she waking me up. Pagkababa ko'y may nakahain na siya laging heavy meal sa pinggan ko at may fresh milk pa. Minsan naabutan ko si Itay na nagkakape sa pang pandre-de-pamilyang upuan habang may binabasang dyaryong hawak at kung minsana'y nasa office na agad at minsan talaga'y tulog pa siya.

Pagkakatapos kong mag-agahan ay papaalalahan pa ako ni Inay at hahalikan sa may noo. Kung sa gabi na nag-aaral dadalhan ako ng mga b-in-ake niya at maiinom. Minsan sa akin siya tumatabi 'pag natutulog, minsan nama'y kay Itay talaga. At ngayon ko lang na-realize na ang hirap maging isang ina. Nahahati sa asawa, sa anak at sa trabaho ang kilos at buhay mo. At saludo ako ka'y Inay dahil doon, lalo na sa ibang mga ina.

Kahit cold treatment sa akin si Itay ay okay lang. Sanay na ako. Papansinin lang kung magtatanong at mangungumusta tungkol sa pag-aaral.

Kahit isang buwan lang sila dito'y okay na. Dahil bihira lang 'to mangyari. Nakakataba na ng puso kung tutuusin.

I love them, that's why I understand them. It's for my future by the way. And I'm happy na kahit 'di nila sabihin ay nararamdaman ko 'yon dahil ako lang naman ang nag-iisang anak nila para magmana ng mga pinaghihirapan nila ngayon kung saan wala ang atensiyon nila at tutok lang do'n.

'Yong nangyari sa selebrasyon ni Sed ay 'di ko 'yon inaasahan dahil pati ako ay gusto kong makasayaw si Kid lalo na't sa last dance. Dahil naniniwala akong ang last dance mo daw sa debut or prom ang siyang makakatuluyan mo—not sure forever pero makakatuluyan mo—except syempre sa mga relatives even blood related. Pero mukhang may bagong kontrabida sa nalalapit naming palalapit or pagkakaisa rather ni Kid at ng dahil lang 'yon sa lalaking 'yon doon sa selebrasyon ni Sed. I hate him. Sinisira niya kinabukasan namin ni Kid. Sinisira niya kasiyahan ko. I hate him to the point na minumura't pinapatay ko na siya sa isipan ko.

And speaking of him. Gaya ng sabi niya nakikita ko siya dito sa subdivision kung saan pinapasyal ang mag-ina kong alagang aso. Bigla akong aalis at sasalisi ng daan pero lumalakad-takbo na ang ginagawa ko para hindi kami magkatagpo pero dahil sa may dala akong aso't malalaki ang biyas niya'y naabutan pa rin ako at kinukulit ng random words. Kesyo ganito, ganiyan. Minsan nga ay nagtangka na siyang pumasok dito sa bahay kahit nagpapaalam na sa mga magulang ko pero umayaw si Itay dahil lalaki daw siya at babae naman ang pinupuntahan 'di daw magandang tingnan. Okay sana kung may kasama pa daw. Si Tatay talaga uh-uh kapanahunan pa. Tsk! Tsk! Tsk! Pero nagpapasalamat na rin ako kung ganoon dahil pepestehin niya lang naman ang araw ko kung nagkataon. At kung sa paaralan naman ay minsan wala akong ligtas kasi minsan si Zsa pa mismo ang gumagawa ng paraan para magkatagpo ang aming mga landas. Gaya na lang ngayon.

Wazzup females…” aniya na papalapit.

“Hey, male!” ganting tugon ni Zsa sa kaniya habang umuupo na ito kasabay ng paglapag ng dalawang manipis na libro sa mesa na dala niya.

Dito kami ni Zsa sa may garden kung saan ang peace of mind ko'y biglang naguho ng dumating ang lalaking 'to.

Pinandilatan ko si Zsa kahit 'di siya nakatingin sa akin dahil kausap na niya si Jiro. Dahil alam ko naman na siya lang ang nagsabi na dito kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love At Tuldok #WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon