#3.5

13 13 0
                                    

NANANAGINIP ba ako? Totoo ba 'tong nakikita at mga naririnig ko? She's saying sorry? She is really said sorry? In front of me? Really? Pero 'di pa ako natutulog 'di ba? Katawag ko lang si Zsa 'di ba? Kabababa ko lang ng cellphone ko kasi pumasok siya? O to the M to the G! I'm not dreaming. Isn't it dreaming, I'm totally awake. Precisely.

And now she's crying in front of me? Magugunaw na ba ang mundo? Tatamis na ba ang asin? Puputi na ba ang uwak? Babango na ba ang utot?-ay ano ba? Puro ako kalokohan. Umiiyak na nga Nanay ko sa harap ko kung ano-ano pa ang kalokohang naiisip ko mismo.

Pero ano ang gagawin ko? 'Di kami close kaya ano naman ang magagawa ko sa kanya? Yayakapin? Nah! Oo Nanay ko siya but for heaven sake we're not even close! WE'RE NOT EVEN CLOSE FOR HEAVEN SAKE!

Gusto kong batukan sarili ko. Ano ang gagawin ko? Can somebody tell me what to do? Because I don't even know what to do. Aaluhin ko siya? Paano? Yayakapin? Hahaplusin ang likod o ang kamay at sasabihing tahan na at okay lang kasi naiintindihan ko naman? My god! Parang gusto ko na lang bumuka ang kama at lamunin na lang ako.

"'N-nay, d-don't c-cry. I-i never used to it." 'yan na lamang nasabi ko sa kawalang dahilanang masabi.

Pinunasan naman ni Nanay ang mukha niya. "Haha. Sorry. I just want to say sorry for all the things that we've done. Me and your dad we're sorry..." 'di na naman niya natapos dahil naunahan na naman siya ng hagulhol niya kaya walang pag-aalinlangan na yinakap na niya ako. Ibinaon niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Naistatuwa ako. 'Di ko talaga inaasahan ang nangyayaring 'to ngayong gabi. It's surreal. Too good to be true. Sa isang iglap naging ganito sila sa 'kin? Nakakabigla, sana hininay-hinay muna nila ako. Kaya 'di ko alam kung matutuwa ako o ano, pero dahil sa gulat 'di man lamang r-um-eact ang katawan ko sa yakap niya, naging tuod ako.
Nakakapanibago. Pero ang hinihiling ko na sana 'di ako nananaginip. At kung oo man sana 'di na 'ko magising.

Ilang sandali pa kaming ganoon habang sinasambit niya ang patawad at mahal niya ako at si Itay. "We're sorry. We really are sorry. We've love you that's why..."

Mahal nila ako kaya 'di nila ako pinapansin? So, mahal rin ako ni Kid dahil 'di niya ako pinapansin?

My god, Tshaz! Moment niyo 'to ng Nanay mo?

"'N-nay..." 'di ko mahagilap ang dila ko sa ngayon kaya naman pagtawag ko na lang sa kanya ang tanging nasasambit ko.

Kumalas siya sa yakap niya sa 'kin at hinarap ako. Mataman niya akong tinitigan at kapag kuwan ay hinaplos niya ang mukha ko. Do'n ko lang napansin na paisa-isa na palang tumutulo ang mga luha ko. 'Di ko man lang naramdaman na may tumutulo palang luha sa mata ko. Ngumiti siya. Ngiting nagbibigay liwanag sa kuwarto kong lampshade lang ang nakabukas kaya dim dito sa loob.

"Oh siya may pasok ka pa bukas baka tanghaliin ka sa pag gising." pinainom niya muna sa 'kin ang dalang gatas bago ako pinahiga at inayos ang kumot sa tapat ng dibdib ko. "Goodnight darling, sweet dreams." sabay halik sa noo ko na ikinapikit ko kung saan nagdire-diretso na ito hanggang kinabukasan.

'Di ko alam kung paano pa ako nakatulog matapos ng madaming bumabagabag sa isip ko. Basta alam ko lang sa sarili ko na magaan ang pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan.


NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Inaantok pa ako. Turan ng sistema ko kaya lang may humaplos sa buhok ko na agad kong ikinagulat kaya naman kahit inaantok ay naimulat ko ang aking mata. Napangsinghap ako sa aking nabungaran. 'Di ko inaasahan ito kaya naman kinusot-kusot ko pa mga mata ko kaya lang 'di nagbago o nawala ang pigurang nabungaran ko.

Love At Tuldok #WalangForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon