Chapter 3

301 8 0
                                    

Pakilala lang ang ganap sa calculus class.
Every now and then sumusulyap ako kay Wayne. And gwapo nya pala pag nakaside view, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, ang kinis ng muka. Parang ni isang beses di ata tinubuan ng tigyawat sa katawan. At isa pang nakapagpalakas ng appeal nya ay yung kalat yang mga nunal sa leeg. Siguro marami rin sya sa katawan. Marunong din sya manamit kaya agaw pansin sya sa mga babaeng kaklase namin. Sorry girls, sakin sya tumabi.

Nang lumaon ay nawala na rin sakin ang kaba. Ilang beses na din kasi naman akong napapaghinalaan ni Mark kaya natutunan ko nang magpalusot kung sakali.

Si Mark naman nakikipagdaldalan kay James tungkol sa nalalapit na founders week. Iyon ay isang buong linggo na walang klase kasi maraming activities sa campus. Mga beaucon, mga events at programs, quiz bowls at yung pinakaaabangan naming lahat, ang paggawa ng booth. Last year kasi yun yung time na nakapag bonding kami lahat na magkakakurso, lalo na kaming tatlong mag tropa.

At sa panahon ding iyon naconfirm ko ang aking sexuality. Na di ako straight. Sumali kasi si James ng Booth King and Queen. Grabe and gwapo nya dun. Yung mga babaeng ka kurso namin, actually lahat pala ng babaeng nanunood ay di magkamayaw nung nag talent na tong si James, and ganda kasi ng boses. Kinanta nya yung Perfect ni Ed Scheeran.

I found a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Unang beses kong narinig yung boses ni James nun. Ilang buwan ko na syang nakakasama sa klase nung 1st sem pero ni minsan di ko sya narinig kumanta.
Di ko mapigilang mapangiti. Kaya pala biglang nawala si Mark, ayun nandun sya sa stage bihasang tinutugtog ang gitara. Lahat tilian sa kanilang dalawa.

Well I found a girl beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess

I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight.

Iba yung naramdaman ko nung panahon na iyon. At nung kalagitnaan ng kanta, nagtagpo ang aming mga mata at bigla syang mungiti. Parang napaihi ako ng konti sa ginawa nyang yon. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Napayuko nalang ako bigla, abot tenga ang ngiti. Napaisip nalang ako bigla "Di nga ako talaga straight".

Ang sarap sa tenga ng boses grabe. Di ko namalayan na tapos na pala ang kanta pero di maalis alis yung ngiti ko. Tumakbo ako back stage para kausapin si James.

"JJ congrats! Panalo ka na panigurado" sabik kong sabi sa kanya sabay alok ng pakikipagkamay.

At di ako makapaniwala sa susunod ng mga pangyayari. Ngumiti sya at bigla nya akong niyakap. Jusko, nalimutan na ata ng dalawa kong baga na huminga. Parang nanghina din bigla ang aking tuhod. Pawis na pawis ang aking mga kamay. Basta lahat na. Maygad.

"Oy Timoy ok ka lang?" sabi ni James na abalang nagbibihis para sa question and answer na bahagi ng contest.

"Nagtatampo yan kasi di natin sya sinama sa gig natin" patawang sabi ni Mark habang hawak ang gitara. "Ayos ba pre?" dagdag nya.

My Friendly Neighborhood Batman (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon